Chapter 8: Kuya

126 5 0
                                    

ANAK NG TUPA! Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko. Pakiramdam ko mukha na akong kamatis sa sobrang pula at para akong sinisilaban sa sobrang init kahit nakahiga ako sa malamig na sahig! Tiles! kainin mo na 'kooooo! Huhu.

"Hoy ugly duckling. Magtricycle ka na lang. Leave. Now!"parang automatic na gumalaw 'yung mga paa ko at kahit na basang basa ang likod ko dahil sa pagkakadulas, tumakbo na ako palabas ng banyo. Bahala na s'ya d'yan!
Natataranta kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng condo n'ya.

Ano bang nangyayare saken? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Dahil lang naman 'to sa pagtakbo Angel. Oo, tama! Kalma. Wooh. Inhale. Exhale.

"Manong sa may Greenhills Village po!"sumakay na agad ako sa trycicle. Ano bang nagawa ko? Napahawak ako sa labi ko.

Ang first kiss ko. Wala na! Ang masama pa nyan, napunta lang s'ya dun sa masunget na lalaking 'yun! Hindi ko s'ya mapapatawad! Huhu.

Pagkabigay ko ng bayad kay manong ay agad kong binuksan ang gate namin. Hindi ko na nga nailock eh. Mamaya na lang siguro. Tumakbo na ako papasok ng kwarto.

"Ano ka ba Angel! Ang t*nga t*nga mo talaga! Hindi mo dapat ginawa 'yun! Haay!!"sinampal sampal ko 'yung sarili ko. Baka sakaling panaginip lang 'to. Kainis naman eh! Kung hindi n'ya tatawagan 'yung head officer edi sana hindi ko aagawin sa kanya yung cellphone n'ya at sana hindi kami nag.. nag.. basta!

Pinakalma ko ang sarili ko. Siguro kelangan ko lang maligo. Tama! Pumasok ako ng banyo at binuhusan ng malamig na tubig ang sarili ko. Naisip ko na naman 'yung kanina. Hindi ko naman sinasadya 'yun eh. Aksidente lang 'yun!

Aish! Pa'no na ako ngayon haharap sa kanya? Kainis naman e!

"Ang stupid mo Angel! Sobra!"sigaw ko sa sarili ko. Huhu. Nakakahiya talaga. Alam kong may kasalanan s'ya pero mas ako 'yung may kasalanan nun e! Kasalanan din nung banyo kase ang dulas n'ya! Haay. Ano ba 'yan! Pati banyo sinisi ko. Bahala na nga.

Kyle's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kanina sa banyo. She's a pervert. Naunahan pa n'ya si Aliyah na ex ko. Sa loob ng 10 years na pagsasama namin, ni minsan hindi ko hinalikan 'yun. Para sakin kasi, a kiss is a sign of respect and I want to experience my first kiss on the wedding day sana namin ni Aliyah.

Kung gusto n'ya pala akong halikan dapat sinabi na lang n'ya. Hindi 'yung hinaras n'ya ako dun sa banyo! Grabe. Kakaiba talaga ang babaeng 'yun.

Gabi na pero naiisip ko pa rin 'yung nangyari. Siguro tuwang tuwa s'ya sa mga oras na 'to dahil nahalikan n'ya ang gwapong katulad ko. Baka nga kilig na kilig pa s'ya e.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 11:56 na pala. Napatingin na naman ako sa wallpaper ko. Picture namin ni Ali, the day before her birthday. I missed her smile. Hays. Tamana. Si Drew ang totoo nyang mahal. Teka? Alam na kaya ni Keanna? Aish. Dami na ng problema pati pagkacrush sa kanya ng kapatid ko poproblemahin ko pa? Bahala sila. Napabuntong hininga na naman ako.

"Bakit ba ang hirap mong palitan? Ang hirap mong burahin."

Naalala ko 'yung sinabi ni Justin kanina. Bestfriend ko nga pala si Aliyah. She is also my first love. Dapat puntahan ko s'ya sa ospital. Pero ang hirap e. Hindi ko kayang makitang may kasama s'yang iba. Ang masakit pa dun, kaibigan ko rin ang taong mahal n'ya. Bakit ba nila nagawa sakin 'to? Bakit wala akong alam sa kanilang dalawa?

Just like yesterday, I cried 'til I fall asleep.

KINABUKASAN. . .

Maaga akong nagpunta sa Greenhills Village para puntahan si ugly duckling. Madali kong nahanap dahil itinuro nung guard sa may labas ng village. Nasa labas ako ng gate nina nerdy.

I'm His Personal Slave (On Going)Where stories live. Discover now