Chapter 16: Omnia, the New Band

118 5 2
                                    

Akala ko susugod si Kyle kay Andrew kaya siya tumayo pero hindi pala. Lumabas siya ng room. Halatang halata ang pagkatsismosa ng iba kong mga kaklase dahil patingin tingin sila kay Andrew at kay Kyle na kalalabas lang ng room.

Two seats apart kami ni Andrew pero ang titig nila sa akin ay parang sinasabing lumayo ako.

Ano bang problema nila?!

"Kung ako sa'yo magbabasa na lang din ako. Hindi talaga mawawalan ng mga taong mahilig pag-usapan ang buhay ng iba."sambit niya habang naglilipat ng page ng librong binabasa niya.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Tama naman siya. Mabuting magbasa na lang ng libro kaya ganon nga ang ginawa ko.

Ilang minuto rin ang lumipas at dumating na ang aming guro. Nagdidiscuss sa unahan si Mr. Sanchez nang biglang magtext sa akin si Kuya.

"Hey li'l sis. Ksama mo c Kyle?"

Tinignan ko muna si Sir at mukhang hindi naman ako kita kaya nagreply ako kay Kuya na hindi ko kasama umalis.

Itinago ko na sa bag ang cellphone dahil baka mahuli na ako ni Sir.

Napatingin naman ako kay Andrew na mahinang tumatawa.

"Hindi ko isusumbong promise."ang pagtetext ko siguro ang tinutukoy niya.

"Hala nireplyan ko lang si Kuya. Tinago ko na ulit."paliwanag ko naman.

Mabuti na lang hindi kami napapansin ni Sir.

Natapos ang klase at may one hour break na naman kami dahil wala si Mrs. Garcia.

Nagmumuni-muni ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya.

Sinagot ko ito.

"Hello, Kuya bakit?"napalingon ako at napansing wala na si Andrew.

Mabuti na rin at nang hindi na ako tignan nang masama ng mga kaklase namin.

"Nasaan ka? Punta ka sa Octagon Room ngayon kailangan kumpleto tayo."sagot ni Kuya sa kabilang linya.

"Sige Kuya papunta na ako."

Ini-end ko na ang tawag at pumunta na agad ako sa Octagon Room. Ang daming mga nakakalat na estudyante kaya naman medyo maingay hanggang sa nakarating ako sa loob ng Octagon Room.

Nadatnan ko silang nagpupulbo, nagsusuklay, nagpapabango, at nananalamin.

"Kuya!"tawag ko kay Kuya na bakat bakat pa ang pulbo sa pisngi. Nilapitan ko siya at napatawa ako.

"Ano ba yang ginagawa n'yo at pinaglalaruan n'yo ang mga sarili ninyo?"tanong ko kay Kuya habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang kamay ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mukha ni Kuya ay lumapit sa akin si Yuki na nakapout pa at kayat kayat din ang pulbo.

Aww so cute. Gusto niya rin sigurong ayusin ko ang pulbo niya.

"Hoy Yuki hindi ka naman nagpupulbo ah! Nakita mo lang si Angel na inayos ang pulbo ni Prince binuhos mo na agad sa mukha mo ang pulbo ko!"sigaw ni Justin na nagsusuklay sa harap ng salamin.

Inayos ko ang mukha ni Yuki na parang espasol sa sobrang puti. HAHAHA

"Teka? Ano bang meron at nagkakaganto kayo?"tanong ko habang pinagmamasdan ang ginagawa nilang kalokohan sa sarili.

"Ipapakilala mamaya ang participants ng sports event. Hindi nga namin alam kung nasaan si Kyle e siya pa man din ang leader."sagot ni Ace na ipinaligo na ata sa sarili niya ang pamango.

I'm His Personal Slave (On Going)Where stories live. Discover now