Tanghali na akong nagising ngayon dahil Sabado at wala naman kaming pasok. Ginawa ko lang ang mga normal na ginagawa sa bahay. Nagluto, kumain, naghugas ng pinagkainan, naglinis, naligo.
Nakatunganga lang ako sa harap ng Tv nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"I'm outside."
Sino naman 'to? Number lang. Ganito na ba mangscam ang mga tao ngayon? Nag i english para sosyal?
Sumilip ako sa bintana pero wala namang tao sa labas.
Pagtingin ko sa cellphone tumatawag na yung nagtext. Sino kaya 'to? Baka naman si Yuki? Hindi naman siguro ako sasabog dito kapag sinagot ko. Wala naman sigurong bombang nakakonekta sa tawag kaya sinagot ko.
"Bakit hindi ka pa lumalabas? Kanina pa ako rito!"boses pa lang niya alam ko na kung sino.
At hindi nga ako nagkakamali dahil pagbukas ko ng pinto ay natanaw ko sa may gate ang lalaking nakakunot ang noo at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mainit lang ba or galit na naman siya?
Dali-dali naman akong lumabas at binuksan ang gate.
"What the hell? Wala bang signal sa loob ng bahay n'yo?"tanong niya.
Tss. Agang aga barino na naman 'to tapos sa akin ibubunton.
"Aba malay ko sa'yo. Ngayon ko lang nareceive text mo. At saan mo naman nakuha ang number ko?"sa halip na sagutin ako ay dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay.
Justin is that you? Walang pakundangan sa pagpasok sa bahay ng iba? Napairap na lang ako sa hangin at sumunod sa kanya.
"Sobrang init."sabi niya sabay hubad ng jacket tapos ininom ang tubig na nasa lamesa.
"Anong ganap? Wala namang pasok ah? Kala ko ba monday to friday lang ako alipin?"tanong ko pero tinignan niya lang ako habang nainom ng tubig. Uhaw na uhaw ka bess?
Napatawa ako kaya kumunot ang noo niya.
"Ano bang ginagawa mo at hindi mo napansing nasa labas ako? Kanina pa ako dun wala ka talagang puso sobrang init dun!"pagrereklamo niya.
At ako na naman ang sinisisi? Minsan talaga diko gets kung ano ang pinaglalaban nito sa buhay niya.
"Talagang ako pa rin may kasalanan e ano? Pede ka namang sumilong sa may puno tapos ako rereklamuhan mo diyan."kulang na lang madurog ngipin ko sa una dahil sa gigil. Pero diko pinahalatang naiiyamot ako.
"Ang layo ayokong maglakad. Magbihis ka na bilisan mo."utos niya.
Oh tignan mo. Siya itong tamad tapos sa akin isisisi ang lahat.
"May damit naman ako ah bakit magbibihis."pamimilosopo ko. Bagay lang sa kanya ang salawin dahil napakasungit niya.
"Ah ganan. Baka gusto mong..."hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya at agad na akong pumunta sa kwarto para magbihis. Okay you win. Pero syempre inirapan ko muna siya.
"Sa susunod talaga makakatikim ka na sa akin ugly duckling!"rinig kong sigaw niya.
"Yes Master!!"sigaw ko pabalik.
Tss. Wala pa nga siyang nababayaran sa tuition ko tapos kung maalipin na niya ako. Hah! Hindi ito tama. Hindi talaga.
Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na agad ako at kagaya ng inaasahan ay mukha na naman siyang batang makikipagsuntukan sa kalye.
"Oo na. Matagal kang naghintay kaya pasensya na po Master. Hehehe."medyo sarcastic ata ang boses ko kaya lalo siyang nagalit.
"Bilisan mo nga! Tara na!"agad na siyang lumabas kaya sumunod na ako dahil baka mamaya kung ano pang pag-awayan namin dito. Nilock ko na lang ang pinto at gate.
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
Ficção AdolescenteAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.