Basang basa kami ng ulan nang makapasok kami sa loob. Sobrang lamig!
Ibinagsak ko si Kyle sa sofa. Wala siyang malay. Ang bigat niya kaya! Hirap na hirap akong maalalayan siya kanina.
Agad akong kumuha ng towel at ipinunas sa kanya hanggang sa matuyo ang mukha at braso niya. Ganon din ang kanyang mga binti at paa, pinunasan ko ng mabuti.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako. Tinapik ko siya sa pisngi at pilit ko siyang ginising.
"Kyle gumising ka! Kyle!"
Hindi pa rin siya nagigising. Basang basa ang damit niya at short pero ang init ng katawan niya. Nilalagnat siya.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas at nagawa kong hubarin ang damit niya pagkatapos ay isinuot sa kanya ang pinakamalaking damit na meron ako.
"Aish. Nakakainis. Bakit ko ba 'to ginagawa."mahinang bulong ko habang hinuhubad ang short niya pero nakapikit ako at hinding hindi ako titingin. Promise!
Matagumpay ko namang napalitan ang damit at short niya pero ang panloob niya ay hinayaan ko na lang na basa. Baka isipin pa ng isang ito ay minanyak ko siya tss.
Napatitig naman ako sa kanya habang mahimbing na natutulog. Mukha syang babae sa suot niya. Color pink ang isinuot ko sa kanya. Hays dyan na muna siya at magpapalit pa ako ng damit baka magkasakit din ako.
Iniwan ko muna siya sa sofa habang ako naman ay nanligo sa banyo.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad din akong pumunta sa kanya. Nakakapag-alala naman kasi ang kalagayan niya. May dala akong basang towel na ipinatong ko sa noo niya.
Gumalaw siya ng konti kaya naman natigilan ako. Sinapo ko ang pisngi niya at sobrang init nga nito. Hinawakan ko ang leeg niya, pwede kong pagprituhan ng itlog.
"Ano ba kasing nangyare sa'yo at nilagnat ka sa konting ulan?"tanong ko sa lalaking natutulog sa harap ko. As if namang sasagot siya Angel!
"AY KABAYO!"
Napatakip ako sa bibig ko. Bwisit na kulog at kidlat 'yan nakakagulat!
Mabuti na lang hindi nagising si Kyle. Aatakihin ako sa puso e.
"Da.."mahinang bulong niya kaya inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya.
Ano bang sinasabi ng isang ito? Ang ingay naman kasi ng ulan e sumasabay ang kulog tsk!
"Da.."
Da? Anong da?
Halos manigas ako nang yakapin niya ako.
"Daddy.. please.. don't go.."bulong niya habang yakap pa rin ako.
Teka? Umiiyak siya.
Hindi ko maalis ang yakap niya sa akin dahil sa sobrang higpit nito. Nararamdaman ko ang init na nanggagaling sa katawan niya.
"Daddy.."patuloy pa rin siya sa pagbulong habang ako naman ay nagpupumiglas. Tulog ba talaga ang isang ito?!
Nakawala naman ako sa yakap niya at marahas akong tumindig dahil baka higitin na naman niya ako.
Tinignan ko siyang muli at payapa na ulit siyang natutulog ngunit may mga luha sa gilid ng kanyang mata.
He is in pain. Pero saan? Sa Daddy niya? Bakit?
Inayos ko ang towel na nahulog at ibinalik sa noo niya. Naupo na ulit ako sa sahig at humarap sa kanya.
"Napakamisteryoso mo Kyle. Ganon din ang mga tao sa paligid mo. Kung sa ibang pagkakataon kaya tayo nagkakilala, mas magkakakilala kaya tayo?"wika ko habang pinagmamasdan ang mukha niya.
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
JugendliteraturAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.