Hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit si Kuya at sa ganitong pagkakataon pa.
Nakakatuwa lang na si sungit pa mismo ang gustong magkaayos kami.
Hindi na rin ako nagpabebe. Pinatawad ko rin si Kuya. Wala naman siyang kasalanan sa mga nangyare. Ang bata niya pa para makapagdesisyon agad ng tama.
Sobrang laki ng pinagbago niya pagdating sa physical appearance. Hindi na siya yung patpatin na mukhang bading noon kaya laging tinutukso ng mga kaklase nya hahaha. Hindi niya alam kung gaano ko napabayaan ang sarili ko noon. Siguradong tutuksuhin ako nito kapag nalaman niyang mukha akong manang nung nasa Greenhills National High School pa ako kaya mabuting huwag nalang sabihin sa kaniya hahaha.
Ikinwento nya sa akin ang lahat ng nangyare sa kanya magmula sa kung paano sya lumayas dahil sa takot nya sa responsibilidad na maiiwan sa kanya at kung paanong napadpad siya sa isang mayamang pamilya at pinag-aral siya sa isang magandang school tulad nitong Clifford's High Academy. Ang Mommy niya ay nagmamay-ari ng mga flower shops at boutique. Ang Daddy naman niya ay isang business man at wala raw ito ngayon sa kanila dahil nasa Italy para sa isang business kung saan ang Daddy nya raw ang isa sa mga importanteng tao para sa business na yon.
2nd year college na si Kuya at ang course niya ay tungkol sa business. Hindi na nakapagtataka dahil nass business ang Daddy na kumupkop sa kaniya. Siguro ito ang nag impluwensiya sa kanya. Nakakatawa nga ang mga kwento niya sa akin e HAHAHA.
Nung una raw kasi sinabe niya sa Daddy niya na ang kukunin niya ay Visual Arts at sa sobrang gulat daw ng Daddy niya ay gusto nitong ipasara ang lahat ng flower shops at boutique ng Mommy niya dahil baka ito raw ang may kasalanan kung bakit arts ang kukunin niya. Pero hindi naman daw talaga arts ang kukunin niya dahil business, nagbibiro lang siya pero yung reaksyon daw ng Daddy niya ay sobrang nakakatawa. Isama pa na ang Mommy niya ay nagalit din sa Daddy niya at gusto ring ipasara ang lahat ng business nito.
Tawang tawa ako habang nagkukwento si Kuya. Gustong gusto niya raw kapag nag-aasaran ang Mommy at Daddy niya tapos maglalambingan pagkatapos. Halatang masayang masaya si Kuya sa kanila.
Naikwento nya rin na nagkakilala raw sila ni Kyle dati dahil ipinagtanggol siya nito sa mga nambubully sa kaniya noon. Kahit mas matanda raw siya kay sungit ay mas matured ang katawan nito kumpara sa kanya kaya hiyang hiya siya nung malaman niyang pinagtanggol siya ng isang 1st year high school student. Medyo hindi kapani-paniwala dahil sobrang sungit ng isang 'yon! Hindi ko maimagine na pinagtanggol niya si Kuya HAHAHA.
"Anyway, sasabihin ko kay Mom and Dad na sa amin ka na lang tumira. Don't worry ako ang bahala."sabi ni Kuya pero agad akong tumanggi.
Matagal ko na ring hindi nagagamit ang salitang 'Mom' at 'Dad'. Medyo awkward para sa akin na may ibang tinatawag si Kuya na ganon.
"Ayoko, Kuya. Hindi ko iiwan ang bahay nina Mommy. Marami naman akong part-time job kaya wag kang mag-alala sa akin. Hehe."pagsisinungaling ko.
Wala na nga pala akong part-time job hays.
"Sasabihin ko pa rin kina Mom. Mag-isa ka lang sa bahay kaya I'm sure nakakalungkot yon. Sorry for leaving you my little angel."medyo nakakalambot naman ng puso ang sinabe ni Kuya.
"I promise to be a better Kuya simula ngayon."at ngumiti sya habang ginugulo ang buhok ko.
Nakakamiss din magkaroon ng kapatid lalo na kung kasing gwapo at kasing bango ni Kuya. Hahahaha!
"Oh, hi Prince. Sino s'ya?"bigla namang lumitaw itong babaeng ito sa harapan namin at hindi ko gusto ang presensiya niya.
"Hi. She's my sister, Angel. Angel meet my girlfriend, Hannah."halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya.
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
Teen FictionAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.