Bakit kaya tingin sila ng tingin sa'kin? Napahawak ako sa mukha ko. Wala na nga pala 'yung salamin ko. Naalala ko tuloy 'yung mga ginawa sakin nina Ate Pia. Haha! Nakakatawa nga sila eh. Hindi sila magkaintindihan sa pag-aayos sakin. Pa'no ba naman kasi si Ate Daisy ang gulo! Natatawa na nga lang ako sa mga kalokahan nila eh. Haha. Pero infairness ha, masaya.
"Hi miss beautiful!"
Kanina pa 'tong lalaking 'to. Pagkalabas ko pa lang ng salon binati na ako. Nung umupo ako sa bench andun din s'ya. Tapos ngayon kasabay ko naman s'ya maglakad? Sinusundan ba n'ya ako?
Angel wag assuming okey? Kalma lang.
Buti na lang malapit na ako sa exit at nakikita ko na si sunget. Bat parang beastmode s'ya? Hindi naman ako gaanong matagal ah?
Masyado akong maraming iniisip kaya hindi ko na napansing may mabubunggo ako. Muntikan na akong maglanding sa sahig pero may humawak sa bewang ko dahilan para hindi ako malaglag.
"You should be careful babe, kung wala ako rito malamang may gasgas ka na."bulong n'ya. Ang gwapo naman nito.
"Kaya naman pala ang tagal mo. Nakipagdate ka pa sa ibang lalake."napatingin ako sa nagsalita. Sa sobrang gulat ko naitulak ko 'yung lalake.
"Pasensya na kung pinaghintay kita."nagbow ako kay sunget tapos tumingin ako dun sa lalake. "Salamat sa pagsalo mo sakin."ngumiti naman siya.
"It's fine. By the way, I'm Tristan. Boyfriend mo ba s'ya?"turo n'ya kay sunget. Sasagutin ko sana 'yung tanong n'ya kaso biglang nagsalita si sunget.
"Oo kaya lumayo ka na dahil uuwi na kami."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Baliw ba s'ya!?
"Easy lang. Wala akong balak agawin ang girlfriend mo. I just want to be her friend."cool na sabi ni Tristan
"Tss. Friend your ass."sabay walkout ni sunget habang kinakaladkad ako. Mukha talaga akong aso para sa kanya. Nilingon ko si Tristan tapos nagwave s'ya sakin. Hindi ko na s'ya nakita kasi lumiko na kami sa parking lot. Bakit ba nagmamadali 'to?
"Ang sabi ko bilisan mo pero nagawa mo pang makipagdate."pumasok agad s'ya sa kotse n'ya kaya ganun din ginawa ko. Napakasungit kasi n'ya. Anong akala n'ya hihingi na naman ako ng sorry? Nakapagsorry na 'ko kanina 'no!
"Eh bat mo sinabing boyfriend kita?"tanong ko.
"Para mabilis tayong makapunta sa school. Yun lang. Wag kang mag-assume ugly duckling."
Napahiya ako dun ah! Akala naman n'ya nag-assume ako? Hah! Kapal n'ya ha.
Pabalik na kami sa school nila. Siguro ngayon makakapag-enroll na ako. Maayos na ang itsura ko eh.
"Bakit ba ganyan ang suot mo? Ang baduy!"sabi n'ya nung makababa kami sa kotse n'ya.
Anong baduy dito? Nakacrop top lang naman ako tapos high waist na pantalon tska rubber shoes. Ano bang pinaglalaban nya?
"Eh sa ito 'yung pinasuot saken dun sa salon eh!"depensa ko. Umiling-iling sya.
"Pati yang buhok mo hindi mo man lang pinagupit. Tsk tsk. Wala ka talagang alam sa fashion. Tara na nga!"
Napahawak na lang ako sa buhok ko. Anong masama sa buhok na hanggang bewang? Inggit lang s'ya kasi mas maganda na 'yung buhok ko sa kanya! Hmp!
"Teka lang!"napatingin sya sakin. Inabot ko yung credit card n'ya. Kinuha nya tapos naglakad na ulit. Sungit.
"Ang kupad mo talaga!"sigaw n'ya.
"Eto na nga po!"tumakbo ako sa abot ng makakaya ko. Ambilis kasi nyang maglakad eh.
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
Ficção AdolescenteAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.