Chapter 9: Kyle's Dad

121 5 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko kelangan kong tumakbo. Takbo lang ako nang takbo kahit may mga nabubunggo na ako at napapatingin na sa akin ang iba.

'bakit nandito ka kuya?'

'anong ginagawa mo sa school na 'to?'

'nasa isang magandang school ka habang ako pinabayaan mo.'

'bakit pa kita nakita kuya?'

'bakit?'

Nabablangko ako. Parang wala ako sa tamang pag-iisip. Noon akala ko kaya ko kapag nakita ko si Kuya. Akala ko matatanggap ko lahat ng kung ano man ang sasabihin n'ya pero nung nakita ko siya pakiramdam ko gusto kong mawala.

Nanghihina ang tuhod ko na syang dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. Buti na lang walang tao rito. Hindi ko mailarawan kung ano ang aking nararamdaman.

Hindi naman ako nasasaktan pero pakiramdam ko parang sasabog ako sa galit.

Ayokong umiyak.

Ayoko.

"If you have a problem face it. Wag kang lumuhod sa lupa. This is our school's garden. Mamaya nandito na ang class F ng 4th year dahil science class nila ngayon at siguradong mapagtitripan ka kung makita kang ganyan. You only have 10 minutes. Leave now or you'll regret it later."pagkasabi nya nun ay umalis na sya.

Hindi ko nakita ang mukha niya pero lalaki ang boses niya.

*Sigh*

Sobrang dami naman ng nangyare saken. Nalate ako tapos hindi nakapagreport. Naexpelled sa GNHS. Nawalan ng part time job. Naging alipin ng Kyle na yun. Naalipusta sa banyo. Tapos kanina sinabihan akong basura nung babae dun sa labas ng Octagon Room tapos pagpasok ko dun andun pala ang kuya kong iniwan ako tapos magmomoment ako rito sa garden hindi pala pede dahil darating daw ang 4th year class F at mapagtitripan ako kung hindi ako aalis. Napabuntong hininga na naman ako. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako.

Hindi ako makatayo at siguro nasa 5 minutes na akong nakatulala.

Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako at nagsimulang tumayo. Pinagpagan ko ang pantalon ko at inayos ang buhok kong tumakip sa mukha ko.

Sinikap kong makaalis dun sa garden dahil baka nga pagsisihan ko kapag nanatili pa ako ron. Sayang, hindi ko nalibot nang maayos. Ang ganda pa man din. Hays. Sa susunod na nga lang.

Naglakad na lang ako palayo sa garden at hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta dahil ngayon lang naman ako nakarating sa school na ito. Sobrang laki naman kasi at napakalawak dito. Wala pa nga palang binibigay na schedule sa akin kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala rin akong kilala rito.

May pagtakbo pa kasi e. Hindi nalang niyakap yung Kuya tapos sinabihan ng 'Hi Kuya! Long time no see! Welcome to the Earth!'

*sigh*

"Hindi ganun kadali."nasambit ko na lang habang nakayukong naglalakad.

"Alin na naman?"tinig mula kung saan.

Sino na naman 'to? Hindi ko na lang tinignan ang nagsalita.

"Wala kang pake."tamad na tamad na ako. Ngayon ko na lang ulit naramdaman to.

"Ahh. Sige diretso na tayo sa head office tapos ibalik mo na yang enrollment form mo."napatunghay ako bigla. Para akong aatakihin sa puso nang marinig ko ang salitang 'ibalik ang enrollment form'

"Ano?! Ayoko. Sandali! Wait! Teka! Huminahon ka muna!"pinandilatan nya ako. "Master.." at yumuko pa ako para aliping alipin ang peg.

Nakakabadtrip na itong pagiging alipin ha pero hays hayae na nga basta para sa pag-aaral.

I'm His Personal Slave (On Going)Where stories live. Discover now