Chapter 10.2

108 5 2
                                    

Kate's POV

“Kate, paano kapag bestfriend mong lalaki nanliligaw sayo sasagutin mo ba?“ 

ANO DAW??! Anong klaseng tanong yan Rayver Diaz?

"Depende. At saka wala akong bestfriend na lalake maliban sayo. Bakit mo natanong yan?" sabi ko. Bakit kaya siya nagtatanong ng ganyan? Bakit? 

 Huminto siya sandali. "Ahm.. wala naman." 

"Ah Ok." pero curious ako sa tanong niya. 

"Nga pala. Gusto mo manood tayo ng sine? Kung ayaw mo sige iba na lang. Bahala ka ikaw magdecide kung ano ang gusto mo." - Rayver

Manonood ng sine? Ano namang papanoorin? Parang wala namang magandang palabas ngayon. Gusto ko kasi yung mga Love Story, Horror yun. Ah alam ko na!

"Rayver, wag na lang tayong manood ng sine. Doon na lang tayo sa bahay manood. Movie Marathon tayo doon." 

"O sige." 

***

"Kate, ano pala ang gusto mong panoorin."

"Gusto ko yung nakakatakot. Yung Segunda Mano ni Kris Aquino at saka ni Dingdong Dantes."

"O sige." Hinahanap ni Rayver ang Segunda Mano doon sa lagayan ng mga DVDs. Nung nakita niya na, isinalang niya na sa DVD Player.

Kinuha ko ang unan at kumot at lumapit ako kay Rayver. Hindi ko alam kung bakit ako lumapit. Ah basta natatakot ako.

"Oh Kate bakit ka tumabi sa akin?"

"Eh kasi natatakot ako."

"Ano ba yan Kate! Akala ko ba mahilig ka sa Horror Movies?" Oo mahilig ako sa Horror Movies pero natatakot ako ah-- basta natatakot ako.

"Ah basta natatakot ako."

Nasa kalagitnaan na ang pinapanood namin kanina pa ako yakap ng yakap dito kay Rayver sa sobrang takot ko. Sana hindi siya mailang sa akin. 

"AHHHH!!" sabi ko sabay tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Rayver at niyakap ko siya. "Rayver! Ayoko na pala. Patayin mo na yan natatakot na ako." sabi ko sa kanya. Kahit kailan never na akong bibili ng second hand na bag. Wait, kahitkailan naman never akong bumili ng second hand na bag ah! 

"Ssshh! Wag kang matakot andito lang ako." bulong niya sa akin. Grabe parang ang sweet niya. Ah Nevermind!

Tumango na lang ako.

After naming manood ng movie ay kwentuhan lang kami ng kwentuhan tungkol sa napanood namin pati yung mga kinakatakutan namin at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Rayver's POV

Nakasandal si Kate sa dibdib ko habang natutulog. Ang himbing matulog ni Kate para siyang Anghel kung matulog.
Hinahaplos ko ang ulo ni Kate.

I Love you, Bestfriend [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon