Kate's POV
“G*GO KA! ANONG GINAGAWA MO DITONG HAYUP KA?!“ sigaw ni Rayver. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit nya sinusuntok ngayon si Vince? Wala namang kasalanan si Vince sa kanya diba?!
Lahat ng tao dito sa Jollibee sa amin nakatingin.
"Rayver tama na!" awat ko kay Rayver pero hindi pa rin siya tumitigil. Ano ba kasi ang problema ng lalaking ito?!
Dumating na ang mga guards para awatin sila.
"Anong nangyayare dito?" tanong nung isang guard.
"Ahmm.. Sir, pasensya na po kayo. Aalis na po kami dito." umalis na kami. Ayokong mag-away ulit sila. Naguguluhan na nga ako eh. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Rayver kay Vince. Nacucurious talaga ako. May sayad ata itong si Rayver eh.
Umalis na lang ako. Iniwan ko na sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila. Bakit lagi na lang nagtatanim ng galit si Rayver kay Vince? May atraso ba si Rayver kay Vince? Wala naman diba? Bakit galit na galit siya kay Vince? Hayy naku, hindi ko maintindihan ang mood ni Rayver.
“Kate, wait lang!“ - Vince
“Kate, sandali hantayin mo ko!“ - Rayver
Tumakbo sila papunta sa akin. Ano ba naman yan?! Umalis na nga ako sa kanila. Bakit ngayon sunod pa rin sila ng sunod?
“Pwede ba kayong dalawa tigilan niyo muna ako?! Gusto kong mapag-isa.“ sabi ko.
“Kate, I'm so sorry I didn't mean it.“ - Rayver
“Kate, sorry na.“ - sabi ni Vince. Hinawakan ako ni Vince sa magkabila kong kamay pero agad na inalis iyon ni Rayver. Ano ba talagang problema ng lalaking ito?
“PWEDE BA WAG NA WAG MO SIYANG HAHAWAKAN!“ sigaw ni Rayver. Marami ng taong nakatingin sa amin pero kahit nakatingin na sila, wala pa ring pakialam itong dalawa.
“BAKIT?! Anong karapatan mong pagbawalan ako? Bakit girlfriend mo ba siya? Diba hindi? Kaya wala kang karapatang pagbawalan ako.“- Vince.
“-----------“ - Rayver
Rayver's POV
“Oh bakit hindi ka makasagot?!“ sigaw ni Vince.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot? Sa tingin ko tama siya. Wala naman talaga akong karapatang pagbawalan siya kasi hindi naman kami ni Kate.
Dapat habang maaga pa sabihin ko na kay Kate ang totoo na..
Gusto ko siya..
Baka maunahan pa ako nitong lalaking ito. Halata naman na type niya si Kate eh. Ayaw lang niya umamin kay Kate.
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?