Chapter 12

124 7 5
                                    

At dahil nasa #992 Humor ito, mag-uupdate ako.

***************

Ngayon na kami magpeperform ni Kate sa competition, kami ang representative ng section namin. Grabe kinakabahan ako.

Meron pa naman kaming pagkakailangan ni Kate.

"Mr. Diaz and Ms. Ramirez get ready dahil kayo na ang next." sabi ng organizer.

"Ok po." hinanap ko na si Kate. Kailangan ko na siyang hanapin dahil kami na yung susunod.

Hinahanap ko na si Kate pero hindi ko siya mahanap. Asan na kaya ang babaeng yun?

"HAHAHA!!" *^▁^*

Nakita ko si Kate tapos si Vince na nagtatawanan sila na mukhang ang saya saya pa nilang dalawa. Kinikiliti pa ni Vince si Kate sa tagiliran.

Grabe dito pa sila naglalandian ah!  (>_

"Kate!" Tawag ko at lumapit ako kay Kate at hinawakan ko siya sa wrist niya.

"Vince, mamaya na lang tayo mag-usap ah at saka suportahan mo ko para hindi ako kabahan." Pahabol pa niya.

Lumingon si Kate sa akin.

"Rayver, ano ba!"

"Pwede ba Kate! Mamaya ka na makipag-landian sa lalaking yun."

"Anong sabi mo? Malandi ako? Thank you Rayver sa pagsabi sakin niyan ah kasi ikaw pa lang ang nagsasabi sa akin yan eh." Na-offend ko siya. 

"Kate sorry na nabigla lang ako."

"Sorry? Ganyan ka naman lagi. Walang pinagbago. Eh hindi ko nga alam kung bakit ka nagiging ganyan eh."- Kate

"Thank you for your wonderful performance next is contestant #5. Mr. Rayver Diaz and Ms. Kate Ramirez.

Naghiyawan na ang mga audience namin. Hindi pa kami nagsisimula pero naghihiyawan na sila.

Nagsimula na kami ni Kate kumanta. After naming kumanta pumunta ako sa classroom namin pero hindi ko kasama si Kate. Talagang magagalit yun sa akin dahil sa inasta ko kanina. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo sa kanya. Sabi ng nasa isip ko. Nasabi ko naman ah pero nagpalusot na naman ako sa kanya. Sinabi ko nanaman na Mahal ko siya as a bestfriend pero hindi naman yun totoo. Hindi ko talaga alam kung kailan ako aamin. Bahala na.

Naglakad lakad muna ako baka sakaling mahanap ko si Kate.

"HAHAHAHAHA!!" May narinig akong nagtatawanan. Tiningnan ko kung sino yun nang makita ko si Vince at Kate nagtatawanan. Ang saya saya pa nilang dalawa.

Alam mo ba Kate na nagseselos ako.

"Kate!" Lumingon sakin si Kate.

"Uwi na tayo." Maawtoridad na sabi ko.

"What if I don't?" Mataray na sabi niya. "Mauna ka na mamaya na ako uuwi. Kay Vince na lang ako magpapahatid."

No! Hindi pwede Kate. Baka maagaw ka niya sakin.

"DIBA SINABI KO SAYO NA UUWI NA TAYO! ILANG BESES KO BA SASABIHIN SAYO YAN!" Sigaw ko tapos hinila ko na sya papunta sa Parking Lot.

"Pasok!" Maawtoridad na sabi ko. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Padabog pa nga siyang sumunod sa akin. Pumasok na din ako sa kotse.

Habang nasa byahe kami, ni isa samin walang nagsasalita. Talagang galit talaga siya sa akin.

"Kate Sorry--"

"SORRY? Ilang beses mo nang sinabi yan saken! Ilang beses na kitang pinatawad pero inuulit mo pa din!"

"Kate please patawarin mo na ako please--"

"At saka Rayver wag mo na sana akong paasahin pa. Sabihin mo na hindi mo talaga ako mahal. Yung sinabi ko sayo last week na mahal kita hindi bilang bestfriend kundi Mahal na mahal kita mas higit pa sa mag-bestfriend. Sabihin mo na habang maa----" hindi ko na pinatapos ang sinasabi dahil bigla ko siyang ninakawan ng halik sa labi.

Nagulat siya sa ginawa kong paghalik sa kanya.

"B-bakit m-mo k-ko h-hinalikan?" pauutal utal na sabi niya.

"Kate, kaya ko ginawa yun sayo dahil nagseselos ako tuwing magkasama kayo ni Vince dati nga nung kayo pa ni Oliver nagseselos ako eh pero hindi ko magawa na paglayuin kayo ni Oliver dahil wala naman akong karapatan dahil boyfriend mo sya. Kaya ngayon ko lang nasabi sayo ito dahil noon ay natatakot ako na baka layuan mo ko kapag sinabi ko sayo ang nararamdaman ko sayo dahil kaibigan lang ang turingan natin sa isa't-isa. Kate pinapangako ko sayo na hindi kita sasaktan."

"Kate.." biglang tumulo ang luha ni Kate.

"Mahal na mahal kita." pinunasan ko ang luha ni Kate tapos hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.

******

OMGEEEE!! Nagtapat na sya! ^_________^ Vote and Comment po kayo para ganahan ako sa pag-UD.

I Love you, Bestfriend [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon