Rayver's picture on the right side.
--------------------->New story again.
Anyeonghaseyo Readers!
*********************************
"Bes! tara na pasok na tayo sa classroom!" sabi ni Kate
Pupunta na sana kami sa classroom nang bigla kong hilahin ang braso niya. Magkaklase kami simula elementary, hindi kami nagkakahiwalay ng section.
Magpapakilala muna ako sa inyo. My name is Rayver Diaz. I am 16 years old. 4th year highschool na ako. One year n lang gagaraduate na ako.
At ang bestfriend ko na si Kate Ramirez. Matagal na kaming magkaibigan simula bata pa. Ang dami naming pinagsamahan. Sa matagal naming pagkakaibigan ay kilalang kilala ko na ang ugali niya.
"Mamaya na tayo pumasok sa room, konti pa naman ang pumapasok na classmate natin."
"Pasok na tayo, ayoko ng maglakad. Masakit na ang paa ko sa kakalakad."
"Buhatin kita. gusto mo?"
"Ayoko nga! Mukha mo!!!"
Minsan lagi kaming nag-aaway ni Kate pero nagbabati rin kami kaagad.
"Tsk. Ilibre kita ng Ice Cream gusto mo? Diba paborito mo ang Vanilla na flavor?"
"Oo. Basta ililibre mo ko ng Vanilla."
"O sige ba."
Pumunta kami sa Canteen para bumili ng Ice Cream.
"Ito na ang paborito mong Vanilla." Iniabot ko kay Kate ang nilibre kong Ice Cream
"Thank you."
"Kate, ano pa gusto mo?"
"Gusto kong kumain ng Cake. Vanilla ang flavor."
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?