Kate's POV
Ang tagal kong matulog kagabi. Iniisip ko ang nangyari kagabi hindi talaga ako makamove-on. Yung hinalikan ako ni Rayver sa forehead. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro panahon na para sabihin ko sa kanya ang totoo na may gusto ako sa kanya. Kaya lang natatakot ako baka layuan niya na ako. Baka isipin niya na hindi ko siya tinuring na bestfriend. Tinuring ko naman siyang bestfriend ah hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya siguro dahil sa magandang ugali niya o kaya lagi kaming magkasama.
Pumunta ako sa kwarto ni Rayver. Tatawagin ko na siya dahil nakahanda na ang breakfast namin. Nagpadeliver ako ng pizza dahil walang laman ang ref namin. Hindi na ako naggrocery tinatamad ako eh.
"Rayver, nakahanda na ang breakfast. Bilisan mo malalate na tayo sa school." sabi ko.
"Wait lang inaayos ko pa ang gamit ko. Mauna ka ng kumain susunod na lang ako."
"Ok." sabi ko at pumunta na ako sa Dining Room para kumain ng breakfast.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para magsuot ng school uniform. Tiningnan ko ang wrist watch ko. OMG! quarter to 7 na malalate na kami ni Rayver. Ang oras ng pasok namin 7:00 ng umaga. Nagmadali na akong bumaba. Pagkababa ko nakita ko si Rayver kumakain pa rin anak ng tokwa naman oh! Malalate na nga kami kumakain pa siya. ANO BA NAMAN YAN! Kapag binagalan pa niyang kumain mauuna na ako parang walang pasok ah.
"Rayver bilisan mo nga dyan malapit na mag-7 oh. Parang walang pasok ah." inis na sabi ko.
"Wait lang kumakain pa ako."
"Kaya nga bilisan mo nga." inis pa rin na sabi ko. "Kapag hindi ka pa tapos dyan mauuna na ako sayo. Ayoko pa naman na nalalate ako."
"Edi mauna ka na. Ang tanong marunong ka ba mag-drive ng kotse?" tanong ni Rayver sa akin. Oo nga noh. Bakit hindi ko naisip yun? Kung hindi ako marunong mag-drive edi magcomute problema ba yun?
"Edi magcocomute ako." sabi ko.
"Ano?"
"Bakit? Ayaw mo? Mas ok nga na magcomute ako eh kaysa hintayin pa kitang matapos kumain." sabi ko.
"Pwede maghintay? Mabubulunan ako dahil minamadali mo ko eh." He said.
"Kaya kita minamadali kasi malalate na tayo. Diba kasasabi ko lang sayo na ayokong nalalate ako sa klase." sabi ko. Nakakainis naman ang tagal kumain. Parang pagong kung kumain. Kapag hindi pa talaga siya tapos kumain iiwan ko talaga siya. Magcocomute ako mag-isa.
"Ito na po Maam. Tapos na pong kumain." sabi niya. Talagang inemphasize niya pa ang salitang PO.
****
"Good Morning teacher, good morning classmates were sorry we're late." sabay na sabi namin ni Rayver. Ayan tuloy nalate kami. Ang bagal bagal kasi kumain ng lalaking ito eh. Ang sarap sapakin. Kung hindi ko lang siya bestfriend sa bahay pa lang nasapak ko na siya.
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?