Chapter 5

189 6 2
                                    

 Dedicated kay @ShinJoo_ChanYoung. Thank you sa support! :)

Kate's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Pagkadilat ko sa mata ko...

O_O

Nakasandal ako sa balikat ni Rayver siya naman nakasandal sa ulo ko. Paano nangyari yun? Nandito pa rin kami sa Park. Ibigsabihin dito kami natulog ni Rayver. Naalala ko na yung nangyari kagabi. Nag-flashback sa isip ko. Sa nakikita ko dito sa Park, walang katao-tao, walang namamasyal. Kagabi ang dami ah. Kung sabagay maaga pa naman. 5:00 pa lang ng umaga, hindi pa sumisikat ang araw.

Ako ang unang nagising, si Rayver tulog pa. Kung gisingin ko kaya?

Huwag na lang baka magalit sa akin ito eh. Porket bestfriend ko siya, hindi siya nagagalit sa akin. Minsan nagagalit pa din siya sa akin kapag may kasalanan ako sa kanya.

Tatayo na sana ako nang biglang hawakan ni Rayver ang kamay ko at napaupo ulit ako. *Dub Dub Dub* Ang lakas ng heartbeat ko. Ano bang nangyayari sa akin? in-LOVE na ba ako sa bestfriend ko? Hindi pwede dahil bestfriend ang turingan namin sa isa't-isa pero may nararamdaman na akong kakaiba sa kanya. Paano na yan? Hindi ko pa nasasabi kay Rayver ang feelings ko sa kanya. Naalala ko yung last na sinabi ni Rayver kagabi bago siya makatulog.

*FLASHBACK*

"Kate."

Lumingon ako sa kanya. Pagkalingon ko, bigla niyang nilagay ang braso niya sa balikat ko. Inakbayan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ngayon niya lang kasi ginawa sa akin ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Sana lagi tayong ganito noh, yung masaya tayo at lagi tayong magkasama." Ano naman ang sinasabi niya? Lagi naman namin iyan ginagawa ah.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Uhmmm.. wala. Antok lang siguro ito." sabi niya

"Halika na umuwi na tayo, inaantok ka na pala eh."

"Wag muna dito muna tayo." sabi niya. Huh? Akala ko ba inaantok na siya. Hindi ko siya maintindihan.

"Huh? Diba sabi mo inaantok ka na."

"Dito na lang tayo matulog inaantok na ako. Hindi ko na kayang mag-drive." pabulong na sabi niya. Yung totoo lasing ka o inaantok?

"Yung totoo Rayver las--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumandal sa ulo ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

Habang natutulog siya, tiningnan ko ang mukha niya. Para siyang anghel kung matulog.

Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya baka mahuli pa niya ako na nakatingin sa kanya.

"Kate..." banggit niya sa pangalan ko.

 "I Love you."

*END OF FLASHBACK*

I Love you! I Love you! I Love you! Pauli-ulit na sabi sa isip ko. Binanggit niya ang pangalan ko at sinabihan niya ako ng I Love you. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya yun sa akin. Parang panaginip lang yun sa akin. Baka mahal niya ako bilang kaibigan.

"Dito ka lang." nagulat ako ng magsalita si Rayver ng pabulong. "Dito ka lang muna." Nananaginip siya. Ano kaya ang nasa panaginip niya? Gusto kong malaman. Mamaya pagkagising niya tatanungin ko siya tungkol sa panaginip niya.

I Love you, Bestfriend [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon