III | 09 - Plans

40 6 0
                                    

•• YSHI PoV ••

"ARGH! MAG-FILE NA TALAGA AKO NG DIVORCE!" Asar na sigaw ni Jillian sa asawa niya.

"OO BA! PEPERMAHAN KO TALAGA!" Sagot ni Aleixus na ikinataas ng kilay ko.

"Seriously? Matapos akong mag-give way para sa'yo, Kuya makikipag-divorce ka rin pala?" Hindi makapaniwalang tanong ni Justin.

Napailing ako at iniyakap ang braso sa balikat ni Justin na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nakatayo ako sa likod niya.

"AKO ANG KUYA MO KAYA DAPAT AKO ANG NAUNA!" Si Aleixus ulit.

"HOY MAMANG ALEIXUS LAUDEMER, WAG MONG MASIGAW-SIGAWAN ANG KING BEE KO!" I yelled at him. Kainis, eh. Sila na nga 'tong parang timang na nagsasagutan idadamay pa nila si Justin.

Natigilan si Aleixus dun at bahagyang napaatras. Kakaratehin ko talaga siya kapag napuno ako.

"Calm down, Mahal." Awat ni Justin sakin na giniya ako paupo sa arm rest ng sofa.

"WALA KASI YANG KUWENTA!" Dagdag ni Jillian.

Sa pagkakaalam ko, buntis yang pinsan kong lukaret at napag-initang awayin si Aleixus. At ayaw daw niyang 'di nasagot ang asawa kaya ayan nagsisigawan sila kaya nabulabog kaming dalawa ni Justin na simpleng bisita sa pamamahay nila, o pero siguro puwede ring 'AUDIENCE' or 'JUDGE' sa riot nilang mag-asawa.

"AKO PA ANG WALANG KUWENTA! AKIN NA YANG DIVORCE PAPER MO AT NG MABIGYAN NA KITA NG AUTOGRAPH." Mainit pa rin ang ulong ani ni Aleixus.

"HOY KAYONG DALAWANG ENGOT NA MAG-ASAWA, BAGO KAYO MAG-FILE NG DIVORCE SIGURADUIN NYO MUNANG APPLICABLE BA YAN SA BANSA NA PINAGDAUSAN NG KASAL NYO?! BAKA NAKALIMUTAN NIYONG WALANG DIVORCE, WALANG ANNULMENT AT LALONG WALANG LEGAL SEPARATION SA BANSANG 'TO?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa na agad umatras.

"Kailangang sumigaw din?" Naiiyak ng tanong ni Jillian.

Napabuntong-hininga ako. Ako ang mapa-praning sa kanilang dalawa. Dali-daling lumapit naman si Aleixus sa asawa.

"Babes, wag kang iiyak. Malulungkot si baby." Alo niya kay Jillian.

Sumisinghot na tumango naman si Jillian saka yumakap pabalik sa asawa.

"Kaya malakas ang loob ni Kuya na sumagot kasi alam niyang walang 'divorce' sa bansang 'to." Si Justin na niyakap ako sa baewang.

"Bee, matutuyuan ako ng dugo sa dalawang 'to. Uwi na tayo?" Aya ko sa kanya.

Tumango siya at niyakap ako patayo.

"Una na kami." Paalam ni Justin.

"Sige." Ani ni Aleixus na pinapatahan ang asawa. "Wag na kasing magsigawan, Babes. Nakakapaos din. Saka masama lang ang pakiramdam ni Yshi kaya napasigaw na rin."

He's really patient when it comes to his wife. Well, kahit noon naman pinagtyagaan niya talaga ng pinsan kong may saltik sa utak.

"Alam ko, pero naiiyak pa rin ako." Sumisinghot na sagot ni Jillian.

Napailing na lang ako sa takbo ng usapan nila. Akala ko matino yang si Jillian. Mas malala pala ang tuyo kesa kay Aleixus kapag naglilihi.

"Bee, okay ka lang?" Masuyong tanong sakin ni Justin ng makauwi na kami.

Tumango ako. Pinaupo niya ako sa lap niya saka niyakap ng mahigpit.

"Masakit pa ba ang puson mo?" He asked softly as he gently caress my stomach. His warm hand brought comfort to me. I put my hand over his to press it more.

Queen Bee's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon