Simula nong iniwan kami ni dad ay lumipat kami at doon na naninirahan sa probinsya kay Lola. Doon na din kami nag-aaral ng tatlo kong kapatid.
Doon din nagsimula ang mga pangarap ko dahil gusto kong maipakita kay dad ng nag-aral ako ng mabuti habang wala siya sa aming tabi.
Dito rin nakilala ko ang babae na nagpapatibok ng aking puso dahil unang kita ko pa sa kanya ay nabighani na ako sa kanyang kagandahan.Matalino,maputi,cute ang height,maganda at medyo may pagka-istrikta lang, iyan si Jasmine.
Siya ang una kong nakilala sa school,kaya nong malapit na kami sa isat-isa ay palagi na kaming magsasama.Pagkatapos ng klase ay pupunta kami sa plaza at doon kakain ng street foods.
Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya pero di ko lang maamin sa kanya dahil baka ma-reject lang ako, di ko rin alam kong may gusto siya sa akin.
Isang araw ay may ibinigay sa amin si maam na guro namin sa MAPEH,nagbigay siya ng isang performance kaya gumawa siya ng groupings at tatlong grupo ang nabubuo.Laking papasalamat ko kasi kagrupo ko si Jasmine, pero ano kaya itong performance na sabi ni maam?
"Class? Ang performance niyo ay sasayaw kayo ng Interpretative Dance at ito na ang inyong exam ninyo para sa akin".Sabi ni maam.
Sasayaw pala kami nito pero di bale ay kagrupo ko naman si Jasmine.
"Class,puntahan niyo na ang inyong kagrupo at mag-meeting kayo tungkol sa mga actions nyo, may tatlong araw lang kayo para sa practice".
JASMINE POV
Matagal ko nang gusto si crush,naghihintay lang ako na manotice niya ang pagmamahal ko sa kanya.Aamin na ba ako sa kanya na crush ko siya? Pero si Xavier ay parang may pagtingin din sa akin.Ano kaya gagawin ko? Sino pipiliin ko? Mahal ko o Mahal ako?
Oo, nagkagusto na rin ako kay Xavier pero Mas mahal ko na si Crush,di mabubuo ang araw ko kung di ko siya makita sa isang araw o kung liliban man siya ng klase. Pero kung talagang hindi niya manotice ang Pagmamahal ko sa kanya, doon nalang ako sa taong ako ang gusto.
Isang araw ay gulat na gulat ako kasi sa pagpasok ko palang sa classroom ay may mga bulaklak, may baloon na hugis HEART tapos may nakasulat sa greenboard na "JASMINE?,CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?"
Naka steady lang ako ngayon sa aking kinatatayuan kasi di ko alam kong sino may gawa nito at kinikilig na rin ako. Ang mga kaklase ko naman ay ramdam ko rin na kinikilig sila, ang iba ay nagsisigawan.
"Guys? Sino gumawa nito?" Sabi ko sa kanila.
"Secret" They answered
Biglang may nagblindfold sa akin, isa sa mga kaklase ko.Ano to? Surprise? Sa totoo lang kinikilig na talaga ako kasi first time ko tong naranasan. Ilang saglit pa ay may nagsalita.
"Jasmine? Can you be my girlfriend? I LOVE YOU!" Tinig ng isang lalaki na familiar ang boses sabay hawak sa mga kamay ko.
Hindi ako nagkakamali, Kaya dali-dali kong tinanggal ang naka blind fold sa akin, sa pagtanggal ko ay nasa harapan ko siya habang nakaluhod at may ipinapakita sa akin, isang kwentas at hindi nga ako nagkakamali, Siya nga!
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...