CHAPTER 7

4 1 0
                                    

Uwian na, nagsisilabasan na ang mga studyante at pinuntahan ko agad ang dalawa kong kapatid sa kanilang room para sabay na kaming uuwi.Kaya sabay na rin kaming lalabas.





Papalapit na kami sa gate ng makita ko si Jasmine na nakaupo sa may gilid.Kaya tinanong ko siya kong may inaantay ba siya.



"Jas? May inihintay ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, inihintay ko yong mga kaklase natin kami pupunta kami ngayon sa plaza,bonding-bonding kami hehe! Ano? Sasabay ka Xavier?"


"Ah---e, bukas nalang Jas kasi hapon na di kasi ako nagpaalam sa lola ko. Saan pala bahay ninyo? Tanong ulit ko sa kanya.

"Ah! Sige,Xave,hmmmm malapit lang bahay namin dyan lang sa unahan". Sagot niya.


"Malapit lang pala! Sige Jas, dito na kami".

"By the way Xavier? Sino yang dalawang kasama mo?" Tanong ni Jasmine.

"Ay! Oo, pala kapatid ko tong dalawang to, Junjun,bunso, siya pala si Jasmine,kaklase ko" sabay turo kay Jasmine.

"Hello, ate" bati ng dalawa.

"Hello din sa inyo, ang gagwapo niyo, mana talaga sa kuya" ngiti niyang sinabi.

"Haha! Salamat ate".

"Oh! Dito na kami Jas" paalam ko kay Jas sabay kaway sa kamay.




Nagpaalam na kami kay Jasmine at nag-aabang kami ng tricycle, pagkatapos ay nakarating na rin kami sa bahay. Sinalubong agad kami ni lola.

"Mga apo, kumusta pasok nyo?"


"Okay lang po lola, Masaya kami". Sagot namin.

Pagkatapos ay pumasok na kami sa aming kwarto, nagbihis kami at nag-usap-usap tungkol sa aming first day of school.


"Mga tol? Mustang pasok nyo? Masaya ba?" Tanong ko sa kanila.



"Sobrang saya ko kuya kasi marami na akong mga kakilala" share ni bunso




"Ako din kuya kasi nagkakaroon po ako ng bagong kaibigan at may crush na din nga ako,hehe!" Share din ni Junjun habang tumatawa


"Ako din, masaya ako kasi nagkakaroon din ako ng mababait na kaibigan, tapos may crush din ako, hahaha!". Sabi ko sa kanila.


"Awiiiieee! Si kuya, crush mo yong babae kanina no? Ano ba pangalan non? Jasmine?" Ani nila




"Haha! Hoy! Ano ba crush ko lang sya no?" Ani kk sa kanila.

"Awiiiiiieee! Alam mo kuya bagay kayo!" Sabi ng dalawa habang natatawa.



Kinikilig tuloy ako! Oo, di ko na alam kong ano na nararamdaman ko kay Jasmine parang napamahal agad ako sa kanya. Pero hindi muna! Hindi naman ako nagmamadali at di ko rin alam kong magkakagusto agad si Jasmine sa akin kasi bago pa nga kami nagkakakilala.



Di ako makatulog dahil sa kakaisip kay Jasmine kung okay lamg ba siya o ano ang ginagawa niya ngayon. Nakatulog na lang mga kapatid ko pero ako wala pa.



"Hays, Jas? Bakit kaba pumapasok palagi sa isipan ko?" Tanong ko sarili.

-

"Jasmine? Auntie kaba?" Tanong ko sa kanya.


"Hmmmm bakit?" Sagot ni Jasmine


"Kasi ikaw ang AUNTIEnitibok ng puso ko".Sabay tingin ko sa kanya.



"Ayiiiieee! Ano kaba Xavier,niloloko mo naman ako!"


"Hindi no?Kasi ikaw nga ang MAMA ko?"




"Anong MAMA?"



"MAMAhalin habang buhay!"


"Parang ikaw narin ang PAPA ko".



"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.



"PAPAkasalan ko hehe!" Sabay ngiti sa akin.



Aaminin ko na naiihi ako sa kilig dahil sa sinabi hindi ako makapaniwala na masabi niya sa akin iyon, parang ramdam kona na may gusto siya sa akin.

"Jas? May sasabihin sana ako sayo? Sana di ka magagalit!" Sabi ko sa kanya.


"Ano naman iyan? Saka bakit naman ako magagalit?" Ani nya.

"Talaga? Sige ha?"

"O! Ano yan?"



"Ah-eee!hmmm, I LOVE YOU?" Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kamay niya.

"Ahhhh! Alam mo Xavier may..........." biglang naputol ang aming pag-uusap dahil may bumabanggit sa aking pangalan.


"Kuya Xavier, gising na maligo na tayo!" Sabi ng dalawa kong kapatid.

Sa aking pagmulat ay bigla kong narealize na nanaginip lang pala ako, hays! Badtrip! Ginising pa ako ng kapatid ko, di ko alam kong sasagutin naba ako non ni Jasmine, Panaginip nalang ang nagpapasaya sa atin ngayon. Nakatulog pala ako kagabi dahil sa kakaisip kay Jasmine, ayon tuloy napanaginipan ko sya.







Pumunta agad ako sa banyo upang maligo at pagkatapos ay kumain na kami para makapunta na sa school.Sabik na sabik akong makapasok sa paaralan kasi gusto kong makita ang magagandang mukha ni Jasmine.





Maaga kaming naabot sa school,kaunti palang mga studyante kaya naghihintay nalang ako sa iba kong mga kakaklase.Kinausap naman ako ng mga barkada kong kaklase, mas lalo kong silang nakilala kasi napakafriendly nila.






Maya-maya pa ay may dumating na isang babae, Si Jasmine. Kaagad naman niya kaming binati at pumunta kaagad siya sa kanyang upuan. Ako naman ay umupo sa aking upuan naghihintay na papansinin ni Jasmine hehe!



"Hi Xavier" bati niya sa akin.



"Hello Jas" nakangiting tugon ko.





Parang nasa magagandang lugar ako ngayon nang binati ako ni Jasmine,siguro kong maging gf ko tong babaeng ito di ko na ito papakawalan pa.Well, hindi naman ako nagmamadali at marunong kaya tong maghintay. Sabi nga nila na marunong tayong maghintay na tinatawag nilang "TAMANG PANAHON".







Second Period na namin, Math ang Subject. Ito ang paborito kong subject upang mapansin ako lalo ni Jasmine ay magpakitang gilas ako haha! Kaya ang ginawa ko ay sa bawat example ay ako ang pupunta at sagutin ang problem at Natagumpayan ko naman. Nagpalakpakan lahat ng kaklase ko!







"Ang galing mo pala sa math, Xave" sabi ni Lorenz, isa ring magaling sa Mathematics.



"Oo nga, swerte natin kasi meron tayong classmate na magaling sa math" sabi naman ni Ramil, Kaklase kong mahilig sa Anime.




Oo ganyan mga kaklase ko may mahilig sa Anime, mahilig sa online Games at may iba naman ang hilig ay gitara. Mahilig din ako sa Anime like Naruto, Haikyu and Detective Conan mahilig kasi ako mag-imbestiga.Mahilig din ako sa mga Online games katulad ng Clash of Clans and Mobile Legends.







Kaya kapag meron kaming load ay agad naman kaming maglalaro trashtalk dito trashtalk doon, naiinggit na lamang nag mga girls dahil sobrang ingay daw kami hahaha! Amin to girls kaya wag kayong ano!






Meron din time na makasama namin ang mga Girls sa paglalaro, yong larong Minimilitia.Kapag maglalaro na kami nito grabe sobrang ingay nang classroom ang iba kapag nakapatay nang isa ay agad namang tatalon, ang iba nama'y kapag makapatay ay hambog naman ang labas!






Sobrang saya namin, lalo-lalo na na kasabay ko si Jasmine sa paglalaro, makisabay pala tong babaeng to! Kaya ang ginawa ko ay tinuturuan ko lang siya.

THE UNPREDICTABLE LOVEWhere stories live. Discover now