CHAPTER 6

16 1 0
                                    

JASMINE'S POV

Ito na ang araw na aking pinakahihintay dahil papasok na naman ako sa school at makikita ko na rin sa wakas ang aking mga kaibigan, classmates, teachers at lalo-lalo na kay crush.

Oo, matagal ko na siyang crush noon pa pero ako lang ang nakakaalam nito tinatago ko lang dahil baka wala siyang gusto sa akin,kung masasaktan man ako ay ako lang ang nakakaalam.

Kaya maaga akong gumising para makapag-handa. Inaayos ko ang aking susuotin at naligo. Maaga ding gumising si Mom para magluto at makapagkain ako.

Nakahanda na ang lahat upang ako'y makapunta na sa school at nagpapaalam na ako kay mom.

"Mom dito na ako!".sabay kiss sa pisngi.

Umalis na ako at nilakad ko lang ang school mga 3 minutes lang ay nakarating na ako. Malapit lang kasi bahay namin sa school.

Mga 6:30 ako dumating, kaunti palang ang mga studyante ang nasa loob ng skwelahan kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko yong classroom namin at doon muna ako habang naghihintay sa ibang classmates ko.Pagdating ko ay nandoon na ang iba kong classmates.

Kaya sa pagpasok ko ay sinalubong agad nila ako at niyakap nila ako kasi miss na miss na daw nila ako. Madalas lang kasi kami magkikita ng mga friends ko. Ayon nag-usap-usap kami at nagtatawanan tungkol sa experiences namin during our vacation.

Hanggang sa nagpaalam muna ako sa kanila upang mag-ihi.Kaya tinungo ko ang COMFORT ROOM, habang akoy nagmamadaling lumakad ay may bumangga sa akin, isang lalaki na ngayon ko lang nakita dito sa campus.

"Hey? Are you okay? Di kaba nasaktan?".Ani niya.

Nakakatitig lang ako sa kanya at hindi ako makapagsalita dahil gwapo siya, matangkad,maputi at chinito pa. Kaya nagsalita siya ulit sa akin.

"Okay kalang ba?" Tanong niya.

"Oo, okay lang ako! Teka! Baguhan kaba dito?".Tanong ko sa kanya.

"Oo transferee ako dito at hinahanap ko ang classroom ng grade 9". Sagot niya.

Teka! Grade 9 siya? Baka mag-classmate kami nito.Kaya sinamahan ko siya sa patungo sa kinatatayuan ng grade 9. Nakalimutan ko pang maipagtanong sa kanya kong ano pangalan niya. Ilang saglit pa ay dumating na kami.

"Ano ba pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Xavier po".

Kaya hinanap ko agad pangalan niya at nakita ko nga ! Mag classmate pala kami nito!

"Dito ka pala napapasama! Mag classmate tayo!"

Nakita ko sa kanyang mukha ang saya at pagkatapos ay nagtanong siya sa akin kung ano daw pangalan ko kaya nagpapakilala ako sa kanya.Pagkatapos ko naman mahpapakilala sa name ko ay agad naman niyang tiningnan ang list of students.

"Oo nga magclassmate tayo" sabay abot ng kanyang kanang kamay .

Inabot ko naman ang kanang kamay ko at nagshi-shake hands kami, ramdam ko ang kanyang kamay na malambot na parang nanginginig.haha!

Pagkatapos namin ay inaanyaya ko siyang pumasok sa classroom at yon, humanap siya ng mauupuan. Doon pa siya umupo sa harapan.Talaga lang ha! Nasa harapan pa umupo, gusto siguro tong matuto haha!

Dumaan ang ilang minuto pa ay dumating na si sir at nagpapakilala siya sa amin.Siya pala adviser namin at guro sa MATEMATIKA.Well, magaling naman siyang guro at magturo.

"Class,we have one transferee and lets call him".Sabi ni sir.

Pumunta agad si Xavier sa gitna at nagpapakilala siya sa amin. Galing pala siyang private school saka broken family rin pala siya. Pagkatapos ay bumalik agad siya sa kanyang upuan.Napansin ko ay parang tumingin siya sa akin ano kaya nangyari nito.


Aaminin ko na nong nakita ko siya kanina ay parang nakakalimutan ko na ang matagal kong crush.Pero hindi, alam kong may pag-asa ako kay crush kaya hindi ako maaaring magkagusto sa kanya.




Natapos na ang second subject namin at recess time.Si crush naman ay ayon sumasabay sa kanyang mga barkada at ang nakita ko lang naiwan ay si XAVIER, nahihiya lang siguro siyang sumabay sa mga boys kasi baguhan panga siya.Actually 8 boys and 20 girls total of 28. Iyan lang kami sa isang section. Kaya nilapitan ko si XAVIER at inaanyayang mag recess.




"Tara! XAVIER sabay tayong mag-recess". Anyaya ko sa kanya.


Di naman niya akong tinanggihan, ramdam ko pa nga ang tuwa niya.Kaya sabay kaming tumungo sa canteen at sabay rin kaming kumain.

Pagkatapos naman ay tumunog na ang bell kaya sabay na rin kaming pumasok. Ang saya pala niyang kausap kasi medyo palabiro at sweet haha!

XAVIER POV


Ang ganda niya at friendly. Diko maipaliwanag ang aking naramdaman kanina nong inanyaya niya akong mag-recess at sabay pa kaming tumungo sa canteen.



Bukod kay Jasmine ay nakilala ko na rin ang iba lalong-lalo na sa mga boys. Pito lang ang boys at pangwalo ako, kunti lang pala sila. Masaya ako dahil nakilala ko sila, Si LORENZ , RAMEL, JOREL,NEIL JUN, DAVE,FRANCIS AT si JESON. Kaunti palang nakilala ko sa girls sana makilala ko na silang lahat!






Ang bait nila kasi lagi nila akong pinapansin at mas lalong napalapit ako sa kanila. First day of school palang ay nakaka-amaze na kesa doon ako sa private kunti lang friends ko. Habang wala pa ang guro ay kinakausap nila ako! Iyon ang saya ko!

THE UNPREDICTABLE LOVEWhere stories live. Discover now