Naging malapit na ako sa mga kaklase ko kasi matagal na kaming nagsama-sama at nagba-bonding. Pero si Jasmine parin ang crush ko, kasi palagi kaming magsasama at magkatabi kapag Math time na!hahaha!
Palagi ko rin siyang tinuturuan sa lahat ng problems sa Math at Tinuturuan din niya ako kapag may Experiment kami sa Science,magaling kasi siya sa SCIENCE eh!
Kapag tapos naman ang klase namin ay agad naman kaming pupunta sa plaza upang magbonding kaming magkaklase. Nag-usap kami ni Jasmine tungkol sa kung ano ang pinagdaraanan ng buhay namin.
"Xavier? tanong ko lang? Saan ba Dad mo?" Tanong niya.
"Ahm, di ko na alam kung saan na siya ngayon,naghihiwalay kasi sila ni mom noong 12 years old ako" Sagot ko.
"Bakit naman sila naghihiwalay?"
"Kasi, nalaman ni mom na merong babae si dad"
"Ahh! Isa pala siyang cheater!"
"Oo, pero kahit na nagkakamali si Dad ay miss na miss ko na yon"
Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa nadala ako sa aking emosyon. Talagang Miss na miss kona si Dad.
"Xavier? Okay lang yan! Makikita mo rin ulit ang dad mo!"
"Oo, Jasmine, Aasa parin ako na magkabalikan sila ulit ni mom!"
"Heto ang panyo oh! Umiyak kana!" Sabay abot sa Panyo niya.
"Salamat Jasmine, Salamat! Kasi nandito ka kapag palagi akong malungkot at may problema ako!"
"Walang anuman Xavier! Basta tandaan mo, nandito lang ako para sayo! Kaya wag kanang umiyak!"
Buti nalang nandito si Jasmine,para sa akin, ang bait talaga niya siguro kong maging kami ay mas lalong alagaan pa niya ako! Hahaha! Pero mabait lang siguro siya ngayon dahil maganda ang mood niya! Pero kung hindi nako, di ko alam kung makakalapit ako sa malungkotn
Minsan naman ang kasama ko ay itong si Jorel, Masaya kasi siyang kasama dahil sa kanyang pagka-judgemental! Haha! Kapag may nagkakamali o may nakakatawa ay agad naman niya itong mapansin tapos ay pinagtatawanan niya!
"Xave? Tingnan mo ? Si Francis, ang sayaw niya ay parang.........Hahahaha!
Di niya tinuloy kasi tumawa na siya, habang ako ay sinabayan ko nalang siya kung anong trip niya!haha!
Meron ding time na naging seryoso itong si Jorel, di mo alam ko ano ang meron sa taong ito. Kapag pag-uusapan ang Lovelife, magagalit agad siya, lalo na kung ang pinag-usapan tungkol sa Lovelife niya, talagang magagalit siya.
Nag-shishare naman siya sa akin tungkol sa lovelife niya, nag-share nga siya sa akin na noong grade 8 sila ay nililigawan niya si MAY, sa loob pa daw ng classroom nila at nandoon ang lahat ng kaklase, napaka-ingay nga daw ng classroom dahil sa sigawan, sinagot naman daw siya ni MAY at naging sila.
Kaya nag-tanong ako sa kanya kong bakit sila naghiwalay, Ang sabi naman niya ay noong nalaman ng parents niya na may Gf na siya ay agad naman niya itong hiniwalayan.
Aba! Iba pala tong lalaking ito,siya pa ang nakikipaghiwalay! Alam niyo? Two weeks lang sila,hahahaa! Parang nagbahay-bahayan lang.
Kaya ngayon Single siya, walang ibang ginagawa kundi mag-jajudge sa isang tao.hahaha!
Kapag uwian naman ay sabay na kami uuwi kapag mauna na ang mga kapatid ko, malapit lang kasi ang bahay namin. Minsan ay maglalakad lang kami, at nagkukwentuhan habang naglalakad, minsan nagtatawanan.
Naging open kami sa lahat ng problema namin, kung may problema siya ay nalalaman ko, gayundin sa akin.
Pero ang hindi ko lang nalaman sa kanya ay kong sino ang crush niya, hindi talaga niya shinishare kong sino. Pero may gusto ata siya sa isang classmate rin namin si ANNE, ang babaeng ito ay maganda, maputi, magaling kumanta, matalino at cute rin sa height.
Kasi parang may something sa kanila, dahil parang mahiya itong Jorel kapag nandiyan si ANNE, naging torpe tuloy siya! Haha! Kapag makasalubong namin sa daan talagang iiwas agad itong si Jorel.
Balik naman tayo kay Jasmine, Oo, naging malapit na kami sa isat-isa, siya na ang palagi kong kasama hehe! Kinikilig ako kapag siya ang kasama ko. Lalo na't kaming lang dalawa ang mag-uusap.
One time, may sinabi ako sa kanya tungkol sa kong ano ang gusto niya sa isang lalaki.
" Jas? Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?"
"Ahm, Simple lang, yung matalino,mabait at may respeto sa mga kababaihan".
"Ahh.hehe! Parang ako nayan! Haha"
"Hoy! Ano kaba! Ikaw lang ba ang ganyan ha?"
"Ay! Oo nga pala! Hehe!"
Napaka-assuming ko! Haha! Pero parang ako na yata yun eh! Ayiiiiee! Kinilig tuloy ako.
"Ikaw ba Xavier? Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?" Tanong niya
"Ahm, simple lang din, yung matalino tapos maganda at magaling makisama hehe!"
"Ahhh.hehe! Ako ba yan?"
"A-eeehh! O-......" Di ko natapos ang aking sasabihin kasi biglang dumating si Jorel, badtrip tuloy!
"Ooyyy! Ano yan Xavier? Basted ba?haha" Biro niya.
"Hoy! Ano kaba? Nag-usap lang kami no? Tsismoso!" Sabi ko sa kanya.
"Ays! Ganun ba? Oh! Jasmine? Bat namumutla ka?" Tanong ni Jorel kay Jasmine.
"Oo nga, Jas? Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ay! Wala to! Hehe!"
" Sigurado kaba? Patingin nga?" Chineck agad ni Jorel si Jasmine kong may lagnat ba ito.
"Naku! Ang init mo Jasmine, tara dadalhin na kita sa Clinic" Sabi ni Jorel, sabay hawak sa kamay ni Jasmine.
"Ahh, Te------" di ko nasabi tuloy kasi nakalayo na sila.
Di ko alam ang aking nararamdaman ngayon nang hinawakan ni Jorel ang Kamay ni Jasmine parang gusto ko nang umiiyak. Pero bakit naman nilagnat si Jasmine? Eh! Nong nag-uusap kami okay lang siya, pero nong dumating Si Jorel ay agad nilagnat? Haha! Natawa tuloy ako!.
Pero sana okay lang siya ngayon, puntahan ko sana siya sa clinic kaso nagsisimula na ang klase namin. Kaya tumabi ako kay Jorel at tinanong ko kung okay lang ba si Jasmine.
"Jor? Ano na kalagayan ni Jasmine doon?" Tanong ko sa kanya.
"Okay lang siya Xave! Wag kang mag-alala okay lang ang Crush mo haha!" Sabay ngiti.
"Ano kaba? Tumahimik ka nga!"
"Gusto mo puntahan natin siya mamaya sa clinic?"
"Sige Jorel".
Gumaan ang pakiramdam ko nang malaman ko na okay lang pala siya, pero di ako okay nung hinawakan ni Jorel ang kamay ni Jasmine. Nauna pa tuloy siya kaysa sa akin.
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...