*After 4 years*..........
Grade 9 na ako! Ang bilis talaga ng panahon simula nong umalis kami sa bahay ay wala na akong balita kay dad. Kumusta na kaya siya ngayon?
Kahit pinalayas kami ni dad ay siya parin ang dad namin.Miss na miss na namin si dad gusto namin syang makita kahit saglit lang pero wala eh! Wala na kaming balita tungkol sa kanya.
Si mom naman ay nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa para masustentuhan kami at makapag-aral ng mabuti,OFW si mom ngayon. Wala na kasing paramdam si dad kahit sustentuhan lang kami.
Di ko alam eh kung magagalit ba ako sa kanya o hindi pero yun nga eh ! Dad parin namin sya.Diba kahit anong gawin natin sa mga magulang natin kung may galit tayo sa kanila kung gustuhin man natin na mawala na sila dito sa mundo ay magulang at Magulang parin natin sila.
Mag-gregrade 9 na pala ako sa susunod na pasukan at nasa private school ako nag-aral mahal pala ang tuition sa private no? Pero ginusto naman ni mom na sa private ako mag-aral kasi advance daw sa klase.
Pero gusto kong tumulong kay mom kaya nag request ako sa kanya na lumipat nalang ako ng public school sabagay pareho lang naman ang lesson na ibinibigay kaso advance lang talaga ang private.Aanhin mo naman ang advance ko hindi ka nakikinig diba? Kaya tumawag ako kay mom at inaprobahan naman niya.
Ayaw ko kasing pabigat kay mom kasi siya lang nagtatrabaho para sa amin. Kaya tuluyan kong iniwan ang private school at nagpa enroll ako sa public school kasama ko rin dalawa kong kapatid nag-tranfer din sila kasi kung saan ako doon rin sila. Well, okay naman para mabantayan ko sila ng maigi.
Grade 7 si Bunso, Grade 8 naman si Junior at Grade 9 ako. Tig-isang taon lang agwat namin.Itong si bunso,nong nagtrabaho si mom sa ibang bansa laking galit nya kay mom dahil iniwan na daw kami ni dad tapos sya na naman mang-iwan sa amin.
Pero inexplain ko sa kanya kung bakit kailangang magtrabaho sa ibang bansa si mom para makapag-aral kami ng mabuti.Sa una, Hindi pa niya maintindihan siya kasi malapit kay mom at hindi sya sanay na di makita si mom araw-araw,nagpapalambing kasi sya nito.
Pero di kalaunan ay natanggap rin niya, sa wakas ay naintindihan din niya kung bakit kailangan magtrabaho ni mom sa ibang bansa.
Kay lola kami nag-stay, si lola nag-aaroga sa amin,siya palagi nagluluto sa amin at naglalaba kapag Mon-Fri at kaming tatlong magkakapatid naman maglalaba tuwing Sat-Sun.
Malapit na ang pasukan excited na kaming papasok kasi lilipat kami ng school may bagong teacher,kaibigan at Classmates na naman ang aming masasalamuha.
"Bunso,Junior?excited na ba kayong papasok?".Tanong ko sa kanila.
"Oo naman kuya, kasi may mga bagong kaibigan at memories na naman ang mabubuo".Sagot ni Junior na tuwang-tuwa.
"Yes kuya, excited din ako kasi magha-highschool na ako! tapos may bagong classmates at friends na naman ako.hehe!".Ani ni bunso.
"Eh! Ikaw kuya? Di ka excited? Uyyy? Siguradong may bagong crush na naman ito, sa pagmumukhang to?.hahaha!".Dagdag ni bunso sabay turo sa akin.
"Ikaw talagang bunso ka! Mag-aral ako ng mabuti no? Para may maipakita ako kay dad na kahit si mom lang nag-aaruga sa atin ay nakapagtapos tayo". Sagot ko habang unti-unting tumulo ang luha.
Biglang natahimik ang kinatatayuan namin dahil naalala na naman namin si dad.Biglang nag-iyakan kaming tatlo sapagkat miss na miss na namin sya.
"Kuya, kong nandito lang sana si dad ngayon ay nagkukwento na iyon sa atin". Sabi ni bunso habang naiiyak..
Mas lalong bumuhos ang mga luha namin dahil sa mga alaala na aming naalala.Mabait si dad pero bakit niya ginawa iyon?.
Dumating si lola sa aming kinaruruonan at nagtataka sya kung bakit nagsi-iyakan kami.
"Oh! Mga apo bakit umiiyak kayo? Ano bang nangyari?.Tanong ni lola sa amin.
"Lola".Biglang niyakap namin si lola.
"Mga apo? Anong nangyari?".Tanong ulit niya habang hinahawakan ang likod namin.
"Lola miss na namin si dad".Sagot namin habang umiiyak.
"Upo kayo mga apo".Tugon niya.
Umupo kaming tatlo at biglang nagsalita sa amin si lola.
"Alam nyo mga apo ko naintindihan ko kayo dahil ama nyo siya pero siya mismo ang gumawa ng paraan para magkakahiwalay kayo".mainahong paliwanna ni lola.
"Ganon po ba lola? Wala pala syang kwentang ama para sa amin".Sabi namin kay lola habang umiiyak.
"Tama na yan mga apo, may panahon rin na makikita ninyo siya basta mag-aral kayo nang mabuti para maipakita ninyo sa dad nyo na nagsumikap kayong nag-aral kahit wala siya sa inyong tabi".Payo ni lola sa amin habang nakangiti.
"Opo lola".sabay-sabay kaming sumagot.
"Halina kayo maghapunan na tayo may iniluto ako para sa inyo".anyaya ni lola.
"Talaga lola"? .Biglang nawala ang emosyon namin.
"Tara na kain na tayo".anyaya ulit ni lola.
Napakabait talaga ni lola kahit medyo may edad na sya ay nagawa pa niyang ipagluto kami ng masasarap na pagkain.Kaya pagdating namin sa kusina sumalubong sa amin ang sari-saring pagkain at nag pray kami para sa aming natanggap na biyaya, pagkatapos ay sabay-sabay at masaya kaming kumakain.
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...