CHAPTER 10

6 0 0
                                    

JASMINE'S POV

Di ko maipaliwanag ang ang aking nararamdaman kanina nong dumating si Jorel, bigla nalang akong nanginginit. Pagkatapos pa ay binuhat niya ako at hinawakan ang kamay ko.Nakakakilig! Yiiie!.






Ngayon ay nandito ako sa clinic,nagpapahinga, grabe sana malaman ni Jorel na crush ko siya. Sana manotice na niya ako, na may feelings ako sa kanya. Akalain niyo, may care pala tong si Jorel at lalo akong nagkagusto sa kanya.







Pero parang wala ata siyang gusto sa akin, kasi parang binabalewala lang niya ang mga efforts ko. Pero aasa parin ako na magkakaroon siya ng feelings para sa akin.





Buti pa tong si Xavier ay sasamahan ako kung saan ako masaya at gumagawa din ng efforts pero itong si Jorel naku! Napakamanhid!





Oo, kung maging kami!(Sana) di ako ang first love niya kasi naging sila ni MAY noong grade 8 pa kami. Noong nilagawan niya ang kaklase ko parang hindi na ako makakahinga, hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa panahong iyon. Bestfriend pa naman kami ni MAY.








Pero hindi alam niya na nagkagusto ako kay Jorel kaya wala siyang kasalanan, Pretended ako sa panahong iyon, tuwing makikita ko sila magkasama ay ngumiti lang ako sa kanila pero ang totoo, NAPAKASAKIT!



[ FLASHBACK ]






"Class, clean your area because we have visitors tomorrow, mag- evaluate sa school natin". Sabi ni teacher sa amin.




Kaya lumabas kami sa aming classroom at doon naglinis kami sa aming area, pulot doon, pulot dito, walis doon, walis dito. Isang saglit pa ay may something sa mga boys bakit ang saya nila tapos palaging nagpapansin kay MAY?





Kaya tinanong ko sina Niel Jun at Lorenz kung ano ba ang nangyayari sa kanila,pinalinis sila ni teacher pagkatapos ay palakad-lakad lang.





"Lorenz, Niel Jun? Ano bang nangyari sa inyo ba't ba ang saya nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Ay itong classmate natin na si Jorel ay nagpapahatid sa amin ng LoveLetter kay May".

"Ano? Loveletter?" Habang natulala ako, di ako makagalaw.

"Oh! Jasmine ba't natulala ka dyan?" Sabi nilang dalawa sa akin.

"Ay!hehee! Wala! Sige maglinis na kayo,wag puro lakad lang!"






Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw sa aking kinatatayuan. Bakit ba Jorel?ba't ang bilis ? Di ko akalain na magagawa mo iyon kasi magagalit ka kapag iyan ang pag-uusapan.






Kaya pumasok ako sa aming classroom kasi ang ingay na at ang iba ay sumisigaw parang kinikilig sila. Sa pagpasok ko ay magkatabi na si MAY at Jorel at nag-uusap. Rinig ko ang kanilang pinag-uusapan.








"May? Ah! Matagal na kitang gusto at matagal na din tayong magkakakilala, Pwede bang manligaw sa iyo? Pwede ba kitang maging Girlfriend?" Panliligaw niya kay MAY habang hinahawakan ang kamay.









"A-eeeee! Ahm! Sa totoo lang Jorel may pagtingin din ako sa iyo at matagal na din kitang gusto, naghintay lang ako sa iyo.Ngayon ay dumating kana at ikaw na ang lumapit sa akin.Oo Pwede mo akong maging girlfriend at Sinagot na kita."









"Tayo na? Salamat MAY! I promise to you na mamahalin kita ng sobra at di na papakawalan pa". Sabay yakap sa kanya.



"Sana tuparin mo yan! Pag hindi lagot ka sa akin!" Sabay silang nagyayakapan.



Di ko napigilan ang aking emosyon, pagkatapos na sagutin ni MAY si Jorel ay parang wala na akong pag-asa nito kay Jorel. Kaya lumabas ako at pinuntahan ang CR, doon ko binuhos ang aking nararamdaman, umiyak ako ng sobra!


[ END OF FLASHBACK ]



Natawa tuloy ako ngayon kasi two weeks lang sila ay naghihiwalay din haha! May papromise-promise pa si Jorel pero di naman tinupad.Siguro di pa namin alam noon kong ano ba ang tunay na kahulugan ng Pagmamahalan.





Kaya gusto ko parin si Jorel hanggang ngayon dahil nakikita ko sa kanya na matured na talaga siya at siguro nalaman na niya kung ano talaga ang kahulugan kapag pumasok ka sa isang relasyon.







Kaya sa aking pag-iisip sa loob nang CLINIC ay di ko namalayan na alas 3 ng hapon na pala. Pero wala paring advice kong kailan ako papalabasin dito.Bigla pa ay may kumatok sa pintuan, kaya dali ko itong binuksan.





"Oh! Kayo pala Xavier at Jorel, pasok kayo"

"Nandito kami Jasmine para malaman namin kong ano na ang kalagayan mo ngayon"

"Okay na ako!hehe! Salamat sa pagpunta niyo ha?"







Napaka-caring pala itong dalawang to! Kasi di pala nila ako kinalimutan at saka nandito pa si crush yiiie! Kinikilig na naman ako! Hehehe!




Ilang saglit pa ay dumating na ang teacher na naka-assign sa clinic at pwede na daw akong lumabas. Lumabas na kami kasama ko sina Jorel at Xavier at papunta kami ngayon sa plaza.




"Jasmine? Ano ba gusto mo? Pili ka dyan!" Sabi ni Jorel sa akin.

Gosh! Oppurtunity nato! "Ahm, kahit ano lang Jor, kakain ako!"

"Sige ako nalang pipili sayo! Yung talagang masasarapan ka!"

Yiiieee! Napakasweet pala itong si Jorel hehe! Sa ngayon, sasama mo na ako sa kanya.

"Ako na sa softdrinks" sumbat ni XAVIER.

"Sige-sige Xavier!hehe!" Tugon ko kay Xavier.



Parang may something si Xavier ba't ang tipid niya magsalita ngayon?Kaya tinanong ko siya para malaman ko kung bakit ang tamlay niya ngayon.






"Oh! Xavier? Ba't ang tamlay mo ngayon? Di ka ba masaya? Anong problema mo? Share mo yan baka may maitulong kami sa iyo".


"Ah! Wala to! Hehe! Sige na kain tayo"

"Sigurado ka ha?"

"Oo, wag kang mag-alala! Heto oh? Kwek-kwek! Paborito mo yan!". Sabay abot sa Pagkain.

"Hehehe! Wow! Sarap nyan hehe".

"Aheem-ahem! Iba talaga kapag may pagtingin haha!" Tukso ni Jorel.

"Tumahimik kanga dyan!"

"Hinto nyo nayan, kain na!"





Kaya masaya kaming tatlo na kumakain at nakatingin ako palagi kay Jorel. Ang cute niya kapag tumatawa siya, lumabas ang dimple hehe!
Habang si Xavier ay nagpapatawa sa akin.haha!


To be continued..........







A/N:  Sana po ay nagustuhan niyo ang story ko na "THE UNPREDICTABLE LOVE". Kong nagustuhan niyo ay paki LIKE nalang po, 1 LIKE = 1 VOTE. Abangan niyo nalang po ang updates ko maybe chapter 11 hanggang 15 ang ia-update ko next. Paki follow nalang po sa akin.

MARAMING SALAMAT PO SA INYO!!!

THE UNPREDICTABLE LOVEWhere stories live. Discover now