*Kriiiiinnggg Kriiinnngg*
Tumunog na yong bell kaya sabay nadin kami ni Jasmine pumasok sa aming classroom. Tumabi na din ako sa kanya para sabay din kaming gagawa o mag-answer sa mga quizzes hehe!
Sinulit ko talaga ang araw kasi bukas ay wala ng pasok, sabado na, kaya kinausap ko siya ng kinausap para hindi ko mamiss agad ang mga boses niya haha! Biglang may pumasok sa aking isipan na kundi kaya ay invite ko siya bukas mamasyal lang kami sa plaza kasi madami ang mga tanawin doon.
Pero nahihiya akong magsabi sa kanya kaya nag-isip ako kung anong gagawin at sana ay tanggapin niya ang hiling ko! (Sana po!) Kaya nakaisip ako na magsulat nalang kaya ako sa scratch paper. Ang sinulat ko ay "Jasmine? Mamasyal tayo bukas?" Sabay lukot at tapon sa kanya, binasa naman niya.
"O! Sige pag-sinang-ayunan ako ni mamay.Pero saan naman tayo mamasyal?" Bulong niya sa akin.
"Ahhmm, Sa plaza tayo, maganda naman doon hehe!" Bulong ko din sa kanya.
"Sige! Doon na din tayo magkita ha?"
"Sige! Jasmine, ako na bahala sa foods natin hehe!"
Yesssss! Gustong ko sanang tumalon, dahil pumayag siya sa hiling ko, di ko ngayon mailarawan ang sarili ko sa sobrang saya. Di na tuloy ako makapaghintay.
"Ano kaya ang gagawin ko bukas upang magustuhan ako ni Jasmine?" Bulong ko sa sarili.Di bale ay gagawa nalang ako ng paraan, tatanungin ko nalang mga kaklase ko kung ano ang mga kahiligin o favorites ni Jasmine.
Pagkatapos nitong klase namin ay agad akong magtatanong sa mga kaklase ko para mapaghandaan ko at makabigay ako ng regalo para sa kanya.Kailangan walang iisturbo sa amin bukas, gusto ko kami lang, para naman ay walang sagabal at tuloy-tuloy ang usapan namin.Hindi naman sa selfish ako, gusto ko amin ang araw bukas, para lang talaga sa amin.Haha! Wag kayong ano! Naexcite tuloy ako! Hehe!
Natapos na ang klase namin kaya kinausap ko si Jasmine para bukas, pag-uusapan namin kung anong oras kami magkikita at saan banda kasi mayroon akong pasurpresa sa kanya."Jasmine? Ano na? Tuloy tayo bukas?" Sabi ko sa kanya.
"Oo, Xavier, Sinang-ayunan ako kanina ni Mamay, Okay lang daw basta hindi magpapagabi at walang masasamang gagawin" Sagot niya.
"Ay! Oo naman, Maaasahan ako!"
Ito talagang mamay ni Jasmine kong ano-ano nalang ang nasa isip! Hays! Tita! Iingatan ko talaga ang anak mo! Magtiwala ka sa akin! Yung walang gasgas! Para mapagkatiwalaan mo ako at para payagan mo ulit ang anak mo na makasama ako.
Pagkatapos nang aming pag-uusap ay agad akong nagpaalam kay Jasmine para kakausapin ko na rin ang mga kaklase ko sa mga kahiligan o favorites ni Jasmine. Tinanong ko ang bawat classmates ko, inisa-isa ko sila, meron pang naki-chismis, para saan daw ang aking tinatanong? Haha! Wala na kayong pake doon ate/kuya. Akin lang toh!. Kinausap ko ang matalik na kaibigan ni Jasmine, kumuha ako ng mga detalye sa kanya.
"Avegail? Pwede ko ba malaman kung ano ang mga favorites ni Jasmine?" Tanong ko sa kanya.
"Oyy? Ang sweet naman, Sa pagkakaalam ko mahilig siya sa teddy bear na Spongebob" Sagot niya sa akin.
Hahaha! Nakakatawa!"Anong teddy bear na Spongebob? Spongebob na Stuff toy yan!"
"Ahh! Basta yun na yun!"
Mahilig pala siya sa mga stuff toys, kaya naglakad-lakad ako at naghahanap pa sa ibang classmates ko na naging malapit kay Jasmine.Kaya nakasalubong ko si Fresha, ang pinakamagaling sa lahat ng Subjects. Tinanong ko siya kung ano bah ang favorite chocolates ni Jasmine.
"Fresha? Pwede ba kitang makausap? Sandali lang to!"
"Ano naman yan Xave?"
"Diba? Kaibigan kaayo ni Jasmine? Ano ba ang favorite chocolate niya?"
"How sweet naman!ayiiieee, ahmm! Madalas niyang kinakain ay Cloud Nine! Hehe! Mahilig sya nyan!"
"Salamat, Fresh!"
Nagpaalam na ako kay Fresh at pumunta agad ako sa pamilihan ng mga stuff toys at nakita ko ang Spongebob at binili ko agad ito. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa convinience store para bumili ng dalawang balot na Cloud Nine. Lumabas na ako galing CS, may nakita akong isang bata na nagbebenta ng bulaklak. "Kuya? Bulaklak po, maganda po ito, bili na kayo para sa iyong palalabz, siguradong maiinlove yun sayo" sabi ng bata.
Kinilig na naman ako dahil sa sinabi ng bata, kaya bumili ako ng isa para may maibigay ako na flower kay Jasmine. Excited na talaga ako!
Hapon na pala, medyo dumilim na ang paligid kaya agad akong nag-abang ng tricicyle para makauwi na ako sa bahay at maibalot ko na itong regalo ko para sa crush ko hehe! Nag-alala na talaga yong mga kapatid ko at lola ko dahil di pa ako nakauwi ng maaga.Nakarating din ako sa aming bahay at nag-aabang nga mga kapatid ko sa labas, parang nag-alala na talaga sila. Kaya sa pagdating ko ay parang nabawasan ang kanilang pag-alala. Sinalubong agad ako ng mga kapatid ko.
"Saan ka ba galing kuya? Nag-alala na kami, akala namin nakidnapp kana o di kaya may nangyari sayo" Sabi ng dalawa.
"Hay! Naku! May binili lang ako kaya medyo na diliman ako sa pag-uwi"
"Eh! Ano na naman iyan?" Tanong ni Junjun.
"Secret! Hehe!"
"Uyy? Parang may plano kaya to si Kuya bukas, para ba yan sa babae na nakilala natin nong first day of school kuya? Si J-jasmine ba yon?" Tanong naman ni bunso.
"Pumasok na nga tayo, tara na!" Sabi ko sa kanila.
Kaya pumasok na nga kami, at nag explain ako kay lola kung bakit nagabihan ako sa pag-uwi, di naman siya nagalit basta wag ko na daw uulitin!
Pero kung mauulit ito lola, gagawin ko ulit ito haha!Pumasok agad ako sa aking kwarta, di ko muna pinapasok ang dalawa kong kapatid kasi mga chismoso yun! Di ako papadisturbo sa kanila, kasi magsusulat ako ng letter kay Jasmine at magbabalot ako para sa gift ko sa kanya bukas.Di ko alam kung makakatulog ako ngayong gabi kasi sobrang excited na talaga ako. Sana ma-appreciate niya ang efforts ko para sa kanya at sana maging masaya siya sa pasorpresa ko bukas.
Gumawa na rin ako ng mga props para bukas hehe! Maaga akong pupunta bukas sa plaza para maihanda ko ang mga gamit o props.Maaga akong matulog ngayon, pagkatapos ko sa mga ito ay higa na ako diritso sabagay busog naman ako sa mga kinakain ko kanina.
Natapos ko na rin sa wakas ang mga ginagawa ko, napaisip ko na mag-open muna ako ng facebook accoung ko, friends na pala kami ni Jasmine. Inaadd ko siya nong una ko siyang nakilala, inaccept naman niya agad ako. Pumunta agad ako sa Active list kung sino ang mga online, isa na rito si Jasmine. Chinat ko agad siya kung excited ba siya para bukas.
XAVIER GOMEZ
Goodnight 💓
sent 11:004pm August 19XAVIER GOMEZ
Hi? Jasmine? Ready kana bukas? Hehe! Doon tayo kita ha?
seen 9:34pmJASMINE DE GUZMAN
Medyo! Hehe! Oo doon na tayo kita Xavier! Kitakits bukas 😉
sent 9:35pmExcited na pala siya! Hehe! Bago ako natulog ay inilagay ko muna ang mga ginagawa ko sa ilalim ng kama. Para di makita sa mga chismoso kong mga kapatid. Pero masaya naman silang kausap, nakakakilig nga pag nag-uusap kami tungkol kay Jasmine. Kinikilig talaga ako kapag marinig ko ang pangalan ni Jasmine, di ako mapakali.
Humiga na ako sa aking kama para makatulog na ako at nag-alarm pa ako ng 5:45am, siguraduhin ko talaga na magigising ako sa alam clock. Di kasi akong magigising pag nag alarm clock ako tuwing papasok ako sa klase kay minsan ang resulta ay late.haha! Magigising ako! Magigising ako bukas! Kaya pinikit ko na ang aking mga mata para makatulog ako.
Goodnight Jasmine! Sweetdreams ! Sana maging masaya tayo bukas.
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...