RAMEL'S POVMabuti naman nagkakaroon na kami ng classmate na magaling sa Math. Meron namang magagaling kaso di naman magpapakopya, buti nalang tong si Xavier mukhang mabait naman at talagang magpapakopya ito sa amin.
Noong wala pa kasi dito si Xavier, maliliit lang talaga ang makukuha kong score sa Math kasi akalain mo? Ang hirap kaya! Dahil sa Xavier nato ay baka matataas makukuha ko sa Math kasi mukhang magaling talaga siya Mathematics.
Sorry guys kailangan ko talaga mangopya kasi diba? Alam niyo naman ang Math, Ang hirap kaya non? Hahaha ! Saka diyan lang naman ako mahina eh! Kasi ang paborito ko talagang subject ay ARAL-PAN,tungkol sa mga kasaysayan ng ating bansa.Pero nag-aral naman ako ng mabuti isa nga akong honor student eh!
Parang may napapansin ako kay Xavier kasi parang may gusto ata siya kay Jasmine, kasi tuwing mapapalapit sa kanya si Jasmine ay parang mamumutla siya,parang kinikilig.Actually, bagay naman sila kasi Matangkad si Xavier kaso lang parang stick sa sobrang payat pero gwapo naman at habang si Jasmine naman ay katamtaman sa height,maganda, maputi, matalino kaso may pagka-strikta lang!
Ang pinakabarkada ko naman sa mga lalaki ay itong si Jorel kasi natutuwa ako sa kanya kapag kunting mali mulang tatawa agad,akala mo naman kung sinong perpekto!
Pero nong nag-grade 9 na kami ngayon ay minsan nalang kami nagtatawanan kasi si Xavier naman ang kanyang palaging kasabay pero okay lang naman sa akin kasi meron pa akong kaklase na baliw din si Dave!hahaha!
Pero guys? Wala akong sama na tinatago sa kanila ha? Classmates kami dapat walang awayan.Mahilig ako sa Anime like Slum Dunk at Dragon Ball,yan ang palagi kong tiningnan kapag walang guro na pumasok sa amin.Mahilig din akong mag-gitara, ako pa nga pinakamagaling mag-gitara sa amin. Kaya kapag boring sa loob ng classroom ay agad naman kaming kakanta sabay nang mga kaklase ko.
Balikan naman natin si Xavier, talagang napakatalinong batang iyon,kasi nong Math class namin ay siya palagi ang sumasagot sa mga problem at tama naman ang mga ito.
"Ang galing mo naman Xavier, buti nalang nakaclassmate ka namin hehe!" Nakangiting sabi sa kanya.
Ningitian lamang niya ako, napakahumble naman pala nito! Kaya nong nagquiz sa amin si Sir ay pinakakopya naman niya kami at sa wakas nakakuha rin ako ng 13/15.
"Ang talino mo talaga,Boss" sabi ko.
"Hahaha! Tyamba lang yon" tugon niya.
"Boss nalang kaya tawagan natin?".Tanong ko sa kanya.
"Okay boss".resbak niya.
Yong Boss na CallSign namin, at lalo-lalo pa kaming napalapit sa isat-isa. Pero si Jorel talaga ang pinakabarkada niya pareho kasi silang Barangay na tinitirhan.
Walang pa akong lovelife, Gwapo naman ako,matangkad at magaling pa mag-gitara pero hindi talaga ako nakapag-lovelife.May kalove team naman ako sa loob ng aming classroom ng dahil lang din sa mga kaklase ko.Siya si Shiela, classmate kong kung mag-jojoke ay matatahimik ang buong palagid dahil sa sobrang waley!.
Sinasabayan ko nalang sila, one time nga palagi kaming pinupush ng mga kaklase namin at tumabi pa nga ako sa kanya tapos nag "Hi" ako sa kanya.
"Hi Shiela?" Sabay kaway sa kamay.
"Hello" tugon niya habang namumutla.
"Ang kulit talaga ng mga kaklase natin no? Pinupush talaga tayo hehe". Sabi ko sa kanila
"Oo nga nakakaloka" sabay taray sa mata.
"Bakit? Di mo ba gusto?"
"A---e! Gusto naman ikaw talaga di mabiro".
Nag-usap kami ni shiela habang ang mga kaklase ko ay sobrang ingay ang iba sumisigaw pa.Pero Oo, kinikilig ako non kasi first kong makipag-usap na mga babae ng ganoon.
Pagkatapos naman ng klase ay agad kaming pupunta sa plaza,malapit lang ito sa aming school kaya madalas kaming pumupunta doon.Kapag nandoon na kami,ang mga ginagawa naman ng mga kaklase ko,ang iba ay naglalaro ng volleyball tapos ang iba ay nagde-date sa kanilang mga jowa.
Pero kaming mga lalaki ay madalas kaming maglalaro ng volleyball kasi halos lahat sa amin ay mga player,meron ding marunong magbasketball.Minsan naman ay kumakain kami ng mga street foods yong mga kwek-kwek,isaw at iba pa.Yummy!
Kapag magkasundo kaming lahat ay gumagawa kaagad kami ng mga plano kung saan kami pupunta kapag weekends,pero ang resulta pa din ay drawing! Haha! Pero meron namang matutuloy.
Kasi noong grade 8 palang kami ay puro isip-bata! Ang iba nga naglalaro pa ng habul-habulan.Hindi namin kailan man napaisip na magbobonding kaming mga kaklase.Ngayon lang itong grade 9 na kami.
Ang saya pala no? Kapag merong Unity sa loob ng inyong classroom haha! Pero meron naman kaming Unity. Nagkakaisa kami tuwing may exam na haha! Joke lang!
Patungkol naman sa akin! Syempre gwapo ako no? Matangkad din pero medyo may pagkapayat lang ako haha! Pareho lang kami ni Xavier pero matalino lang siya kaysa sa akin.
Pangalawa ako sa aming magkakapatid,Si kuya ang Panganay! Haha! Kuya nga no? Syempre panganay talaga!haha! Mabait naman ang kuya ko palagi nga kaming nagtutulungan sa loob ng aming bahay. Sabay din kaming babangon tuwing umaga para magluto para may mabaon kami.
Bait namin diba? College na pala ang kuya ko at Criminology naman ang kinuha niya na course. Pero ako gusto kong maging Pilot upang makasakay na ako nang eroplano.
May bunso din ako, palagi ko siyang hinatid sa paaralan kasi elementary pa lamang siya,malapit lang school ng elementary sa high school kaya madali lang.
May crush naman ako sa loob na aming classroom, hindi si Shiela, sinasabayan ko lang siya, kagagawan kasi ito ng mga kaklase namin kaya parang may something sa amin ni shiela kapag pinupush kami.
Crush ko si Shiela, pero mas crush ko si MAY, di ko alam kong bakit bigla akong may nararamdaman sa kaniya.Simula kasi itong palagi ko siyang pinapasakay sa aking motor tuwing uwian na.Pareho kasi kami na daan, pero mas malayo pa sa kanila kay ma-una ang bahay namin.
Ginawa ko ay hinatid ko muna ang bunso kong kapatid tapos ay ihahatid ko siya sa kanilang bahay mga 2kilometers pa ang agwat.Pero okay lang kasi kami nalang nakasakay sa motor tapos ay usap-usap kami.
"Salamat pala Ramel ha?" Ngiti niyang sabi sa akin.
"Welcome May, basta ikaw" tugon ko sa kanya.
"Dito na ako Ramel, ingat sa pag-uwi ha?"
"Salamat po MAY!Oo mag-ingat ako para sayo"
Dapat hindi ko yon sinabi sa kanya di ko kasi napigilan nararamdaman ko kaya naghintay nalang ako sa kanyang sasabihin.
"A-aa hmmm! Ikaw talaga Ramel, nakakatawa Joke mo, Oh! Sige Mag-ingat din ako para sayo" tugon naman niya sa akin habang hinahawakan ang balikat ko.
Ooooooohhhh! Boom! Pinigilan ko lang talaga ang nararamdaman ko, namumutla na nga ako! Grabe! First ko tong nararamdaman.Sana di yon Joke! Sana may gusto rin siya sa akin. Pagkatapos noon ay bumalik na ako at doon ko inilabas sa aking kwarto ang aking nararamdaman.
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...