CHAPTER 11

8 1 0
                                    

JOREL'S POV

Napakasaya namin kaninang tatlo doon sa plaza, kasi itong si Xavier ay sobrang palabiro haha! Atleast napasaya namin si Jasmine kanina. Masaya palang kasama yong babae na yon tsaka may napansin ako sa kanya, ba't lagi siyang nakatitig sa akin haha!

Di ko rin alam kung bakit bigla nalang siyang namumutla kanina nung dumating ako kaya dali-dali ko siyang dinala sa clinic at naiwan si Xavier.

Pagkatapos nun ay bumalik agad ako sa classroom at doon nagpapahinga pa si Jasmine mamaya pa daw siya papalabasin. Sa aking pagpasok, nakita ko si Xavier na parang ang lalim ng iniisip kaya tinanong ko siya.

"Oh! Xave? Ano bang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.

"Jor? Ano na kalagayan ni Jasmine?"

"Wag kang mag-alala, mabuti naman kalagayan ng crush mo haha!"

"Tumahimik ka nga!!"

"Ano puntahan natin mamaya?"

"Sige!".

Kaya ayon pagkatapos ng aming klase ay agad naman naming pinuntahan si Jasmine sa clinic at pagkatapos ay yun nga pumunta kami sa plaza.

Talking about my lovelife, Oo, naging first love ko si MAY noong grade 8 kami, pero di ko alam kung bakit nagawa kong mang ligaw sa kanya kasi sa totoo nga magagalit ako kapag pag-uusapan ang mga iyan kasi bata pa ako sa mga ganyan.Kaya two weeks lang kami, hiwalay agad haha!



Nalaman kasi ng mga parents ko na meron akong Girlfriend, Nakita kasi nila ang conversation namin ni MAY when we were texting each other, nandoon lahat ang mga sweet messages ko at sa pati kanya din, hindi naman tutol mga parent ko, hiniwalayan ko lang siya dahil nahihiya ako haha! Sorry guys! Bata lang!


Pero ngayon alam ko na kung ano ang kahulugan kapag pumasok ka sa isang relasyon at di madali kapag nagkagusto ka isang babae na gusto mo nalang angkinin haha!

May crush ako ngayon at kaklase ko siya si ANNE! naging guilty nga ako kapag nandyan siya at kapag makasalubong ko siya. Kapag may contest siya o kumanta siya sa stage ay talagang aabangan ko ang kanyang napakagandang boses, nakakakilig kapag about sa Love ang kanyang kinakanta, gusto ko tuloy magduet kami kahit hindi ako pinagpala sa boses haha!



One time, nakasalubong ko itong si ANNE tapos may dala siyang libro tsaka andami ng kanyang dinala, saan kaya niya ito kinuha at sino ang nag-utos sa kanya?



"Uy? Anne? Ang bigat yata niyan!" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga, wala ka bang planong tumulong?" Sagot naman niya.

"Ay! Syempre! Tutulong ako! Ikaw pa! Ikaw pa na crush k--".

"Ano yon? Pakiulit nga?"

"Ay!hehe! Wala, sabi ko Ikaw pa!tutulungan kita! Ganyan!" Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Ahh! Di ko medyo narinig! Sige na tulungan mo na ako, ang bigat na!"




Buti nalang di niya narinig ang sinabi ko muntikan nayon! Pagkatapos nun ay sabay na kaming pumasok dala ang mga libro!

"Salamat! Jor!" Sabi ni Anne.

"No problem!"

"Ano kaya Jor kung sabay tayong mananghalian mamaya? Sige na sabayan mo na ako!" Invite niya sa akin.


"Ahhm! Sige-sige, Pero saan naman?"

"Doon nalang tayo sa plaza, maganda roon!"

"Sige-sige sabay na tayo papunta doon pagkatapos ng klase natin!"



Booommm! Waaahhh! Grabe! Sabay kami kakain mamaya? Di ko inexpect yun ha! Di tuloy ako nakapokus sa klase dahil sa kakaisip at kung ano ang mangyayari mamaya sa plaza.



Kaya sa pagsapit ng 12:00pm ay agad naman akong lumabas at hinintay siya, at ilang saglit pa ay lumabas na din siya.

"Tara! Jorel!"

"Tara! Anne! May ulam ka ba? Bibili sana ako!"

"Oo may ulam na ako!"

"Ahh! Okay lang ba na maiwan ka mo na dito, bibili lang ako ng ulam hehe!"

"Oo,pero hiramin mo muna itong payong ko oh!kasi sobrang init ngayon! Di ka ba nainitan?"

"Salamat! Oo nga ang init!"



Kaya pumunta agad ako at bumili ng ulam. "Ano kaya kung aamin ako kay Anne na crush ko siya?".

Sa aking pagdating ay nakita ko agad si Anne, naghintay parin hahha! Kaya nilapitan ko siya para makakain na kami at makapunta sa plaza.


"Okay lang ba Anne? Medyo matagal akong nakabalik kasi maraming bumibili"

"Ano kaba! Okay lang! Tara na! Share nalang tayo sa payong ko at ikaw ang hahawak kasi ikaw ang mas matangkad"

Sabay kaming tumungo sa plaza at ako nga ang humawak sa payong,kinikilig tuloy ako haha! Iniisip ko na napakasweet namin, mapagkamalan kami nito na mag gf/bf kami.



Nakarating agad kami sa plaza, pagkatapos ay kinuha na namin ay aming kakainin! Habang kumakain kami ay nag-uusap kami tungkol sa kung ano-ano.


"Ahh! Anne? Ano bang paborito mong kanta?" Tanong ko sa kanya.

"Your Love by alamid, ganda kasi ng lyrics tsaka nakaka-inlove hehe!"

"Hehe! Alam ko yan na kanta! Oo nga,nakakainlove, ano? Kakantahan kita para mainlove ka sa akin?hehe!"


"Hahhaha! Shunga! Sige, Try your best!"

Kaya kumanta ako sa kanyang harapan kahit ang pangit ng boses ko haha!atleast kinantahan ko siya, pagkatapos kong kumanta ay bumalik ako sa aking kinauupuan.



"O! Diba? Ano ngayon?" Sabi ko sa kanya.

"Hahaha! Ang pangit ng boses kaya It's a NO for me!hahaha!" Sabi niya sabay tawa.

"Hee! Atleast kumanta ako!"

"Oo na! Naappreciate ko yun!"

"Talaga? Hehe! Salamat! Pero may aaminin ako ngayon sayo Anne sana di ka magalit! Pero kung magagalit ka man sana di mo ko layuan."

"Dami mo nang sinabi haha! Ano pala yun?" Tanong niya.

"Kasi alam mo na alam ko na alam ng lahat na------"

"Hay naku sayo Jor lumabas naman yang di pagseseryoso mo!"

"Ito na kasi tsaka seryoso naman ako no?"

"Ano kasi! Sabihin mo na, namumula ka o!"

"Kasi natatae na ako,di ko na kaya! Tara na aalis na tayo!"

"Yan pala e! Dapat sinabi mo agad! Tara na!



Kaya dali-dali naming inilagay ang mga gamit namin tapos sa pagtayo namin ay bigla akong umutot!

"Ang bahoooo!" Sigaw ni Anne sabay tabon sa ilong.

"Nakakahiya para sa kanya, bad timing talaga!"bulong ko sa sarili.

Nakarating agad kami sa classroom at pumunta agad ako sa cr doon binuhos lahat haha! Sasabihin ko sana siya kanina na crush ko siya pero biglang sumakit ang tiyan ko! Kaya yun di ko na natuloy! Napahiya tuloy ako!

NAKAKAHIYA!!!!!!!

THE UNPREDICTABLE LOVEWhere stories live. Discover now