CHAPTER 1

21 2 0
                                    

"Bakit ngayon kalang umuwi ha? Ano? pumunta ka na naman sa babae mo no"? Galit na nagtatanong si mom.







"Anong babae ha? Alam mo naman na nag-oovernight ako sa trabaho ko"Sigaw ni Dad.






"Nag-oovernight ha? Baka nag-oovernight sa kabit mo!". Sabay turo sa mukha ni dad.







"Anong kabit na pinagsasabi mo? Wala nga akong babae eh!".Sagot ni dad.







"Kapal talaga ng pagmumukha mo no? Hoy! Para malaman mo,may nakakakita sa iyo at ang kasama mo raw ay babae,ang sweet-sweet niyo raw nagkaholding hands pa! Ngayon? Ha ? Ano?".Sigaw ulit ni mom sabay turo sa mukha.









"Kung ayaw mong maniwala,Hala! Lumayas kayong lahat sa pamamahay ko!".Sabay turo sa pintuan.









"So totoo pala na may kabit ka!".Galit na sumagot si mom.








"Oo, may kabit ako! Ano ngayon?".Resbak ni dad.








"Walang hiya ka! Oo, aalis kami dito bukas!".Sagot ni mom habang natutulo na ang luha.



*

Dahil sa mahimbing kong tulog nagising ako bigla sapagkat may narinig akong ingay sa kabilang kwarto at hindi nga ako nagkakamali sa kwarto iyon ni dad at mom nagmula ang ingay siguradong nag-aaway na naman ang mga iyon.







Kaya nagpasya akong puntahan ang kwarto nila upang malaman ko kung ano ang pinag-aawayan nila.






Malapit na ako sa kanilang kwarto at nag-aaway parin sila.Kaya napaisip ako na pakinggan muna ang kanilang Conversation.







Idinikit ko ang aking kaliwang tenga sa pintuan upang marinig ko kung ano ang kanilang pinag-aawayan.






"Di na kita mahal kaya lumayas kayo ha?".Sabay turo sa mukha ni mom at itinulak pa niya ito.







"Oo,aalis talaga kami sabay ng mga anak ko at magsama kayo sa kabit mo!".Tugon ni mom habang umiiyak.







"Kabit? Ano? May kabit si dad? At aalis na kami dito?.Talagang na shocked ako sa aking narinig.
Kaya binuksan ko agad ang pintuan.










"Dad?Mom? Ano ba? ang ingay niyo naman hindi ba kayo nahihiya sa mga kapit-bahay natin?". Sabay kamot sa aking ulo na para bang wala akong narinig sa kanila.







"O anak bakit ka nandito matulog kana gabing-gabi na bumalik kana sa kwarto mo".Nagluluhang sabi sa akin ni mom.








"Ano bang nangyari mom? Dad?".Tanong ko sa kanila.







"Wala ito anak, may problema lang kaming pinag-usapan ng dad mo,sige na bumalik kana sa kwarto mo".Sabay punas sa luha.










Kaya umalis na ako at dumeretso muna ako sa aming kusina para uminom ng gatas.Habang umiinom ako biglang pumasok sa aking isipan ang mga naririnig ko kanina.










"Ano?May kabit si dad"?.Tanong ko sa sarili.








Pagkatapos kong uminom ng gatas ay agad akong bumalik sa aking kwarto at ilang saglit pa ay nahinto na ang awayan at tahimik na ang buong paligid.









Humiga na ako sa aking kama at palaging pumapasok sa aking isipan ang narinig ko kanina.







"May kabit daw si dad?".Tanong ko ulit sa sarili.







Naguguluhan na ako kasi sa pagkakaalam ko ay mabait si dad at palagi nga niya akong kinukwentuhan kapag wala siyang pasok sa trabaho.








"Eh,Paano kong totoo ang lahat ng narinig ko kanina? Oh! No! di pwede maghihiwalay sina dad at mom!".Sabay kamot sa buhok ko habang kinakausap ang sarili.







Sa kakaisip ko sa nangyari kanina di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

THE UNPREDICTABLE LOVEWhere stories live. Discover now