XAVIER'S POV
Buti nalang may lola pa kaming kahit medyo may edad na si Lola ay kaya pang tumulong sa amin.Paano nalang kung wala si Lola,sino nalang magbabantay sa amin?
Kaya nagpapasalamat kami ng lubusan dahil kay Lola ay nakapagtrabaho si mom sa ibang bansa.
Ako nga po pala ang panganay sa aming tatlong magkakapatid at bilang isang Kuya nila ay palagi ko silang susuportahan sa lahat nilang ginagawa. Kapag may favor sila sa akin like magpapagawa ng projects at magpatulong sa mga assignment ay agad ko naman itong ginagawa. Diba? Napakaswerte nila? Dahil nagkakaroon sila ng Kuya na matulungin.haha!
Simple,mabait,matalino,Gentleman,Payat,may kagwapohan naman at may pangarap sa buhay .Iyan ang pagkadescribe ng mga tao sa akin.
Simple, dahil kung ano ang meron sa akin ay kuntento na ako lalong-lalo na sa pag-ibig.Oo aaminin ko na nagkakaroon ako ng Lovelife nong grade 7 pa ako pero diko pa nga alam kong Love ba yon o Laro lang ng mga bata.haha!
Mabait, dahil mahilig akong magkikipagkapwa wala akong pinipiling tao sapagkat diba? Tao lang din tayo pare-pareho lang.Parehong nilalang tayo ng Diyos.Kaya pantay-pantay ang pagtingin ko sa kapwa tao ko.
Matalino, Oo tama narinig nyo matalino ako.Lalong-lalo na sa MATHEMATICS dahil kapag nakakita ako ng mga numbers ay sisigla ang katawan ko at makikinig ng mabuti.Kapag may problem solving naman ay ako agad ang unang makatapos sa pagsolve during Mathematics Hour dahil nachachallenge utak ko kapag may problem solving.
Gentleman, iyan ako, Siguro kung magka-lovelife ulit ako ay maswerte ang babae na mapunta sa akin.haha!
Payat, yes payat ako atleast naman pinagpala sa height 5'7 to! Di ko alam eh ko bakit payat ako lagi naman akong kumakain siguro mahina lang metabolism ko! Hays! Mahirap Umasa! Haha!.
Gwapo, payat pero may kagwapohan naman ako no? Marami din nagkacrush sa akin nong nasa private ako.haha! Pero aral muna kasi ako!.
May pangarap sa buhay, Gusto ko maging teacher,Information Technology Specialist,Lawyer,Radio/Tv broadcaster at marami bang iba..Oo maraming pangarap ang nabubuo ko lalo-lalo na sa pagkawala ni dad gusto ko kasing ipakita sa kanya na nakapagtapos ako sa pag-aaral sa kamay ni mom.
Bukas na nga pala ang pasokan sa school kaya medyo excited ako kasi bagong school na ang aking papasokan. Magkakaroon na naman ako nito ng bagong kaibigan lalo-lalo na kapag Crush. Haha!
Oo, marami akong crush pero never akong nagkaroon ng jowa kasi nga aral muna ako dahil may pangarap pa akong gustong abutin.
Kaya nagready na ako para bukas ready na rin mga bag ko ang notebooks ay nasa loob na.Readyng ready na talaga ako.
Pagkatapos ko ay pinuntahan ko ang dalawa kong kapatid kung ano ang mga ginagawa nila ngayon nag ready ba sila para sa pasok bukas.Sa aking paglabas ay nakita ko nga silang nag-aasikaso sa kanilang kagamitan para bukas. Kaya nilapitan ko sila.
"Mukhang ready na ah!".sabay ngiti ko sa kanila.
"Yes kuya ready na ako, para hindi na yata ako matutulog ngayon parang gusto ko nang pumasok". Ani ni Junior.
"Excited na rin ako kuya kasi gusto ko ng maghahighschool kasi sabi nila na mas maraming memories na mabubuo sa highschool kesa sa Elementary life". Sabi naman ni bunso.
"Kayo lang ba ang excited? Excited rin ang utol niyo no? Haha! Kasi bago school natin ngayon siguradong maraming kaibigan, classmates lalo-lalo na bagong crush.haha!" Biro ko sa kanila.
"Sabay-sabay tayong papasok bukas ha?"tugon naman ni junior.
"Ano kaba kuya, malamang sabay-sabay tayo kasi baguhan tayo sa school di pa natin kabisado ang lugar". Resbak ni bunso.
"Sige, sabay na tayo pero kayo na bahala pumunta sa classroom ninyo ha!". Ani ko.
"Sige, kUya magtatanong lang kami!" Sabay sagot nila.
Excited na rin pala mga kapatid ko! Nakikita ko sa kanilang mukha na parang gusto nang pumasok, gusto na makakaroon ng New friends at classmates.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking kwarto inihanda ko narin ang susuotin ko bukas.Diba? Basta First Day of school di pa uso mag-uniform.Kaya inihanda ko ang NIKE na shoes, pantalon at longsleeve.
Isip ng isip ako kong ano ang mangyayari bukas sa First Day of school ko.Masaya ba ito o Hindi, makikita ko sana ang babae para sa akin.Oops! Aral muna pala ako! Pero kong dumating man siya sa buhay ko bakit diko tatanggapin sa puso kong siya ang pinapantasya?
Nakakakilig pala kapag pumasok ka sa isang relasyon pero lahat nagbabago eh! Akala mo siya na, Pero ang inakala mo na siya na, sya pala mismo mag-iwan sayo sa ere! Diba? Masakit? Masakit pa ito kesa sa ihampas ka sa lupa?.haha!
Biglang may pumasok sa aking kwarto di man lang kumatok!
"Oh! Kuya? Anong ginagawa mo bakit parang kinakausap mo sarili mo sa salamin?".Parang natatawa habang nagtatanong sa akin si bunso.
"Ano kaba? Sa susunod kumatok ka naman!".sabi ko sa kanya.
" Sorry na po! Kuya? Saan na sapatos namin ni kuya junjun?". Tanong niya.
"Oh! Ito na!". Sabay bigay sa sapatos.
"Kuya salamat sa pagbili nito! Yeheeey may bagong sapatos na ako!". Sabay takbo palabas.
Nabadtrip tuloy ako sa kapatid ko dahil nadala na sana ako sa emosyon sa kadramahan ko.haha! Bukas na talaga ang pasok, excited na talaga ako! Di ako makatulog sa kakaisip!
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...