XAVIER'S POV
Pumunta nga kami sa plaza pero sumali pa tong si Jorel sa amin hays! Tsaka parang ang saya ni Jasmine kapag nandyan si Jorel, at titig pa ito na titig sa kanya. Nakipag-sabayan nalang ako sa kanila para lang maging masaya itong si Jasmine.
Diba gagawin mo lahat para lang mapasaya ang minamahal mo? Oo, nagseselos ako nun, kasi naman itong si Jasmine nagpapakita ng motibo na parang crush niya si Jorel. Paano nalang kaya kung may gusto siya kay Jorel no? Ano kaya ang gagawin ko?
Pero hindi, think positive lang ako, ako talaga ang gusto ni Jasmine at wala nang iba! Tsaka di rin ako magpapatalo kay Jorel. Pero parang wala ata siyang gusto kay Jasmine hehe! Lamang parin ako!
Nakita ko kasi kahapon si Anne at Jorel doon sa plaza parang sabay silang kumain tsaka parang ang sweet-sweet nila. Oo, si Anne ang crush ni Jorel sinabi lang niya sa akin nong isang araw lang. Ngayon ay nakapuntos agad? Aba! Tindi pala tong si Jorel!
Di ko nalaman na mag-aalas syete na ng umaga naku! Late na ako ngayon! Kaya dali-dali akong pumunta sa kanto para mag-abang ng Tricycle.Iniwan kasi ako mga kapatid ko, kasi matagal ako ngayon bumangon.
Ilang minuto pa ay nakaabot narin ako, wala ng tao sa labas talagang late na ako! Kaya tumakbo ako patungo sa aming classroom at nagsisimula na nga ang firts period.
"Goodmorning classmates,Goodmorning Teacher, Im sorry,Im Late May I come in?"
"Yes you may"
"Thank you teacher,Thank you classmates"
"Your Welcome"
Umupo agad ako sa aking upuan at nakinig sa discussion, minsan ay magnakaw tingin ako kay Jasmine, ang ganda talaga niya parang araw-araw nalang lumabas ang kanyang kagandahan.
Biglang may lumapit sa akin at tumabi, Si Jorel lang pala. "Oy? Xave? Ba't nalate ka ngayon?" Tanong ni Jorel.
"Kasi matagal akong bumangon tsaka may iniisip ako!"
"Eh! Ano naman yan? Kay Jasmine ba yan?" Bulong niya.
"Ano kaba puro ka Jasmine!"
"Sorry nga!"
Biglang pumasok sa aking isipan ang nakita ko kahapon sa plaza yung tungkol kay Jorel at Anne. Hehe! "Hmmmm Jor? Nakita ko kayo ni Anne kahapon sa plaza, ahm? Anong ginawa nyo?"
"Ay oo nga pala! Nakalimutan kong magshare sayo, inanyaya kasi ako ni Anne kahapon na sabay na daw kami mananghalian kaya ayon sinamahan ko siya, alam mo? Nakakakilig"
"Yyiiiie! Bilib talaga ako sayo Jor! Tapos? Umamin ka sa kanya na crush mo siya?"
"Yun nga eh! Aamin na sana ako! Kaso bigla akong natatae eh! Tapos bigla pa akong umutot!ayon napasigaw sa baho si Anne"
Bigla akong tumawa ng malakas at di ko nalaman na may klase pala kami at nagdidiscuss pa, kaya nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko, di ko kasi napagilin, nakakatawa kasi!hahaha!
"Xavier? Stand up!" Galit na sabi ng guro.
Kay tumayo agad ako."Bakit bigla kang tumawa ha? Di mo ba alam na nasa klase tayo?"
"Ahhmm! Maam! Sorry po, may naisip kasi ako na nakakatawa!"
"Sa susunod wag munang uulitin, Sit down!
Sino bang hindi matatawa nun eh! Bigla kang umutot tapos nandon pa ang crush mo haha! Kaya matagal akong nakamove on nun!
Pagkatapos na aming first period ay nagtatanong agad ang mga classmates ko kung bakit daw bigla akong tumawa na napakalakas pa!
"Bakit bigla kang tumawa Xavier?" Sabi ni Lorenz
"Siguro kinikilig ito kanina!" Sabi naman ni Dave
"Hahaha! Wala yun! Bawal ba? Tumawa?"
"Oo, talagang bawal, kasi diba? Nagdidiscuss si maam? Yun nga dahilan kung bakit pinatayo ka niya" sabi naman ni Jeson.
"Ay!oo nga pala hehe! Wala lang trip ko lang yun!"sabi ko sa kanila.
Kaya tuwing maalala ko yon ay matatawa nalang ako! Ngayon ay second period na at nandito na si Sir!
Papakitang gilas na naman ako nito para mapansin lalo ako ni Jasmine, Sa Math time lang talaga ako maging aktibo at sisigla ako.
"Okay class, Our topic today is all about, SIX TRIGONOMETRIC FUNCTION"
"What is Six Trigonometric function?" Tanong ni sir.
May biglang tumaas ng kamay at parang confident pang sumagot, "Okay, Dave, Please stand up!"
"Sir,The Six Trigonometric Function is Our topic today! Hahahahahaha!" Sagot ni Dave na sobrang tawa.
Hahaha! Grabe talaga tong si Dave palabiro talaga! Kaya ang napala ay pinatayo hanggang sa matapos ang klase namin.
Pagkatapos nun ay nagdiscuss nalang si Sir about sa topic namin at nagpaquiz pa agad,pero nakinig naman ako, siguradong makakasagot ako ngayon hehe!
"Psst! Xavier, halika tabi tayo" sabi niya at bigla akong lumingon sa kanya, Si Jasmine pala! Kaya bigla agad akong tumabi sa kanya.
"Xavier? Alam kong nakikinig ka! Turuan mo ako ha? Sige na!" Sabi niya sa akin na sobrang napakacute niya.
"Ah, Oo naman, ito yan, blah blah blah!!" Tinuruan ko siya, pagkakataon na yun no? Haha! Yes, nakapuntos ako ngayon kay Jasmine!
Pagkatapos ay nagchecking na kami sa quiz namin at nakakuha naman kami ng 12/15. Kami ang highest score ni Jasmine at pinapalakpakan pa kami.
Recess time na! Sumabay ako sa mga barkada ko at tinanong agad nila ako kung anong feeling na nakatabi ko crush ko!
"Oh! Xavier? Anong pakiramdam na nakatabi mo si Jasmine?" Sabi ni Jorel.
"Ito, heaven! Hahaha! Syempre, kinikilig ako! First ko kasi na magturo sa isang babae na crush ko pa"
"Ayiiiieeee! Ano pa ang hinihintay mo? Ligawan mo na" sabi naman ni Niel Jun.
"Ayoko muna, kasi nahihiya pa ako, alam niyo naman na napaka-istrikta yang Jasmine na yan"
"Eh! Paano kong maagaw nang iba yan?" Sabi naman ni Ramel.
"Hmmmmm! Sino naman ang aagaw?"
"Well, siguro ikaw lang naman ang gusto ata ni Jasmine" ani ni Lorenz.
"Wag ka naman ganyan, kinikilig na naman tuloy ako!hehe!"
"Eh! Paano Xave? Kung magiging kayo nga?" Sabi ni Jeson.
"Ahhhmm! Siguro di ko na siya papakawalan pa, mamahalin ko siya ng buong buhay ko at alagaan ko siya nang mabuti"
Bigla pa ay dumating si Jasmine at di ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko! Bigla namang natahimik ang mga barkada ko.
"Aheeemm! Dito muna kami Xave ha?"sabi ng mga barkada ko.
"Hoy! Ano ba kayo hintayin nyo ko"
"Xavier? Anong nangyari nun sa mga tropa mo?"ani ni Jasmine.
"Ay! Di ko alam hehe!"
"Xave? Anong yung sinabi mo kanina?" Sabi ulit ni Jasmine.
"Aaa-ee-- yun? Sa magiging future Girlfriend ko hehe"
"Ang sweet mo pala no? Kinikilig ako sa sinabi mo?"sabay hampas sa aking braso.
Anong ibig sabihin niya? Alam ba niya na siya ang future girlfriend ko? Kinikilig pa siya? Naku! Nakakahiya!
"Tara na! Xavier sabay na tayong papasok"
"Tara! Jasmine"
Sabay nga kaming pumasok sa room namin, yiiiiee! Nakakakilig talaga pag siya ang kasama ko!
*Kriiiiiinnnggg Kriiiiiiinng* tunog ng bell sa school.
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...