Kinabukasan ay handa na kaming papasok maagang gumising si lola para ipagluto kami at para mayroon kaming mabaon na pagkain sa school.
Mga 3 kilometers ang layo ng school mula sa aming bahay sasakay lang kami ng tricyle upang makarating sa skwelahan.
Handa na ang lahat at excited na kaming tatlo na papasok sa school.Kaya nag bigay payo si lola sa amin.
"Mga apo mag-ingat kayo ha? Wag masyadong malikot at makinig palagi sa klase!" Payo ni lola.
"Opo lola maaasahan po!" Sagot naming tatlo.
"Oh! Sige na kunin nyo na mga gamit ninyo baka malate pa kayo!".sabi ni lola.
Kaya kinuha namin ang mga gamit at nagpaalam kay lola.
"Lola dito na kami,aalis napo kami!".Pamamaalam namin sabay kiss sa pisngi at hug.
" Sige mga apo, ingat kayo sa biyahe mag-aral ng mabuti ha?" Payo ulit ni lola.
Umalis na kami at nilakad namin ang kanto at doon maghihintay nang tricycle.Di nagtagal ay nakasakay naman kami at 7 minuto ang biyahe patungong school, ngayo'y dumating na kami.
"Oh! Mga tol! Nandito na tayo sa school handa na ba kayo?" Tanong ko sa kapatid.
"Wow! Kuya napakaganda pala ng school na nilipatan natin napakalaki! Oo naman kuya handa na ako!". Sabay ngiti ni bunso sa akin.
"Kuya marami na palang mga studyante sa loob, nahihiya akong pumasok!" Nahihiyang sabi ni junjun.
" Ano kaba sa una lang yan! Oh! Sige na papasok na tayo at kayo na bahala ha? Kung saan kayong classroom napapabilang tingnan nyo lang ang mga list of students na idinikit by classroom baka nandoon pangalan ninyo". Payo ko sa kanila.
"Opo kuya!" Sagot ng dalawa.
"Halina! Papasok na tayo!" Anyaya ko sa kanila.
Sa pagpasok namin ay maraming ng mga studyante ang nasa loob ang iba ay nasa loob na ng classroom at ang iba naman ay nag-usap usap sa kanilang summervacation.
Diko alam kong saang room ang Grade 9 kasi sa laki ng school di ko kabisado ang lugar kaya naglibot muna ako baka makita ko. Sa aking paglilibot may nabangga akong isang babae.
"Ay!Naku! Sorry po!" Paumanhin ko sa kanya habang pinatayo ko siya galing sa pagkatumba niya dulot ng aking pagkabangga.
Tinititigan lamang niya ako at hindi lang man nagsalita Kaya nagsalita ulit ako.
"Hey? are you okay? Di kaba nasaktan?" Tanong ko sa kanya.
"Okay lang ako! Teka? Baguhan kaba dito? Ngayon lang kasi kita nakita". Tanong niya sa akin.
"Oo transferee ako dito at hinahanap ko ang room ng Grade 9 diko po pa kasi kabisado ang lugar, alam mo ba kong saan?hehe!" Sabay ngiti ko sa kanya at kamot sa buhok ko.
"Ahh! Grade 9 ka pala! Halika! Samahan mo ko!" Ani nya.
Sinamahan ko siya, Yeah! Ang ganda niya, maputi at Normal naman ang height pero medyo may pagkastrikta lang siya kasi nong nabangga ko siya di man lang agad nagsalita. Di ko pa nakuha name niya gusto ko itong makuha.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa room ng Grade 9.
"Ano ba pangalan mo?".Tanong niya.
"XAVIER po!". Segunda ko.
"Ahh! XAVIER! Nandito list mo! Dito ka po na room napapabilang, classmate pala tayo". Sabay tingin sa akin.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko.
"Jasmine!" Tugon niya.
Dali kong tiningnan ang list of students at nandoon nga pangalan ni Jasmine classmate pala kami.
"Nice to meet you Jasmine". Sabay abot ng kanang kamay ko.
" Nice to meet you too! XAVIER!" Sabay abot din ng kanyang kanang kamay at ngayon ay nagshi-shake hands kami.
Wow! Napakalambot naman ng kamay ng babaeng ito, kinikilig tuloy ako!
"Tara! Pasok na tayo!" Anyaya niya sa akin.
Kaya sabay kaming pumasok sa loob ng classroom at nahihiya ako kasi ako lang ang bagohan kaya halos nakatitig lahat sa akin.
Kaya naghanap ako ng aking mauupuan at doon ako umupo sa harapan. Gusto ko rin umupo doon para malapit sa guro at marinig ko agad kong ano ang kanyang dinidiscuss.
Ilang saglit pa ay pumasok na ang aming adviser at nagpapakilala siya sa amin.
"Goodmorning class I am your adviser and Teacher of Mathematics, by the way I'm Alexis Corpuz Teacher ll of this school". Pagpapakilala niya.
Siya pala teacher namin sa mathematics at Teacher ll na siya parang magaling ata to magturo.
"Class we have one transferee and let's call him to introduce his self". Sabi niya.
Kaya pumunta ako sa gitna at dama ko ang hiya pero di ko pinansin dahil alam kong sa una lang ito. Kaya nagpapakilala na ako sa kanila.
"Hi classmates and Teacher, Goodmorning! My name is XAVIER GOMEZ and I came from private school, When I was in 12 years old our dad left us and after that we came to our Lola's house, that's the reason Why I transfer here in public school.Now my Mom working in abroad. Also I have 2 brothers". Pagpapakilala ko sa kanila.
Bumalik agad ako sa aking upuaagad pagkatapos ay nagbigay lang si Sir ng kanyang Rules and Regulation. Nakatingin ako ngayon kay Jasmine,nasa kabilang row kasi siya nakaupo pero malapit-lapit lang kami. Iwan ko kung bakit iba ang pakiramdam kapag makita ko na si Jasmine.
Oo, maganda si Jasmine at matalino siya,kung ako magaling sa mathematics, Siya naman ay magaling sa Science. Nagdaan ang ilang oras ay natapos na ang second period. RECESS TIME!
Marami agad akong nakilala halos lahat na sila pero di ko pa agad maalala ang kanilang mga pangalan minsan ay makalimutan ko pa.
Marami ang nag-anyaya sa akin na mag-recess isa na dito si Jasmine. Grabe first day of school palang pinapaligaya na ako. Parang outstanding araw ko ngayon.
"Hi Xavier? Tara recess na tayo!".anyaya niya sa akin.
"A--ahh! Hmm? Sige tara!hehe!" Sabay ngiti ko sa kanya.
Di ko alam kung tatalon ba ako o maiihi dahil sa kilig ko haha! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.Ganito pala kapag kinikilig ka parang matatawa ka bigla na parang baliw.
Sabay kaming pumunta sa canteen ni Jasmine at doon nag-usap usap kami ng kahit ano.....!
YOU ARE READING
THE UNPREDICTABLE LOVE
Teen FictionSimple,Mabait,Matalino,Gentleman at May pangarap sa buhay.Ganyan si Xavier.12 taong gulang pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama tanging dalawang kapatid,ina at Lola nalang ang kasama niya.Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang may...