11

437 35 13
                                    

Hawak-hawak ko ang dalawang libro at sa daliri koy nilalaro ang plastic na nakabalot sa librong yakap-yakap ko, nakasimangot ako habang nakatingin sa modeling kanina pang pose ng pose.
Walang iba kundi ang mahangin, plus hilaw na amerikanong may kakambal na halimaw.
Ang hilaw na artisa! So ito pala talaga ang buhay nya araw-araw? Inikot ang mga mata ko sa camerang kanina pa na nakailaw kay hilaw.
Oo guys, ito ang kabayaran ng tutor nya sakin, ang paghihintay kung kaylan sya matatapos sa boshit na baklang may hawak sa camera!
Nagulat ako ng may tumabi sa akin na lalake na kung di ako nagkakamali ay modelo rin na kasama ni hilaw.
"Hi I am Marc",
Bungad nya sa akin ng lumingon ako sa gawi nya, ang gwapo naman ng name nya, sigurado akong patok sya sa mga babae sa campus, at isali mo na din ang mga bakla sa school namin.
May nunal sya sa mukha, na bagay naman talaga sa kanya? ang unfair naman, ako may nunal din naman, sa braso ko nga lang nakalagay?
Pang boxing ata ang birth mole ko. Hahay.
(=.=)
Di ko na lang sya pinansin, tumango lang ako sa kanya.
Hindi naman ako interesado bakit ba sya nakikipag-kilala sa akin? Nah~
Gwapo sya, pero di ko sya type.
Teka ano nga ba type ko sa lalake? May type ba ako? Hmm......
"Girlfriend ka ba nya?
Napakunot ang noo ko sabay tingin sa kanya, so ngayon may tanong-tanong na sya? Anu ba.

"Hindi.
Matipid kong tugon sa tanong nya, nakangisi sya sa akin, so anu na? Ngisian nalang kami dito?

"Seryoso? Wait, look.
Nagulat ako ng may itinuro sya saglit sa gawing harap, napatingin naman ako.
"She look like angry, kanina pa nya tayo tinitingnan.
Napalisik bigla ang mga mata ko na nakatingin din sa itinuro nya, si hilaw?
lagi naman talaga beast mode yan kapag nakikita ako eh.

"Lagi naman yan galit, may bago paba?
Tama naman, may araw ba na di kami nag aaway? Saltik kasi ako pero mas saltik sya, anu!
Hangin pa, na mas nagpapainit ng kulo ng dugo ko sa kanya, ayaw ko kasi ng mahangin na tao, totoong may ibubuga sya, artista nga sya diba? So merun, ang akin lang...
HUWAG LANG ANGKININ SA SARILI ANG KAGWAPOHAN, NA AKALA MO, NASA KANYA NA ANG POWER NG KAGWAPOHAN, HOTNESS, HIGHNESS SAMAHAN MO NA ANG PANES, HMP.
"Atsaka, napaka-judgemental mo ah, wag kami okay? Walang kami, we're not even friends.
at walang sayo nicole, akin lang ang asawa ko!
Charot! Maka-insert ng line eh. Heheheh
(>_______>)

"Oh? Eh, anong ginagawa mo dito? Hinihintay mo sya diba?
Napabuntong hininga ako, andami nyang tanong, edi sana kong game show to na mananalo ako kapag may tama akong sagot.
(=...=)

"Okay, may kaylangan kasi ako sa kanya, related sa school, kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga tanong-tanong mo?
Nag sungit mode na tuloy ako, napagkamalan pa kaming mag jowa ni hilaw?
Sa lahat ng joke, iyan ang nakakainis! Atsaka, Purkit hinihintay, jowa agad?
Not me dude, I am not celebrity para sagutin ang mga pang showbiz mong issue sa buhay, hmp.

"Ang sungit mo naman, sayang ang cute mo pa naman.
Huling ngisi nya sa akin, maiinis na sana ako sa ngisi nya ng napahawak ako sa mukha ko.
Napayukom tuloy ako ng di oras, may nanghagis sa akin ng panyo sa mukha!

"She is not cute, she's ugly.
Inihagis ko pabalik sa kanya ang panyo na inihagis nya sa mukha ko.
Bishit talaga tong hilaw na to eh! Pwede namang ipasa lang sa akin ang panyo?
kasi tamang tama naman na pinagpapawisan ako sa game show este---sa mga tanong ng isang to!
"She is noisy, she is thin, she is, manny pacquiao girl version, she is annoying----.

"Teka-teka nga!!
Palabasan ba kami ng baho ko dito?!! Sapakin ko to eh!
Kinuha ko ang bag ko, ang hirap ng lagay ko ah! May bag, mga libro pa ako! Napaka-studyholic ko naman?
(=________=)
"Isang hirit mo pa sa mga baho ko ah, sige last nalang...
Sabay suntok ko sa braso nya, nakakainis noh? Edi sana sa mukha ko nalang sya sinuntok? grasya!
Aalis naba tayo? Dali na, nagugutom na ako!
Tumango lang sya sabay kuha nya sa mga gamit ko, napa-intsik ako bigla sa ginawa nya.
"may plano kabang agawin ang mga gamit ko?
Umalis na yung marc ba yun? dahil paalis na din kami eh, palabas.

"Nabuhay kabang walang sense? o choice mo lang talagang maging tanga?
Ibinalik nya sa akin ang mga gamit ko.
"Once na nagtampo na ang GENTLEMEN, huwag nyo kaming sisihin LADIES ah, inofferan kana nga ng tulong sa isang gwapong katulad ko eh, pinasama mo pa ako, bwisit.
Nauna syang naglakad at naiwan akong nakatingin pa sa mga gamit ko.
Oo nga noh?
Matagal ding nag loading sa utak ko ang sinabi nya, kaya sa isip ko.
Humahagulgol na ako sa tawa!
Hahahahahhahah MAGDIWANG!!! NAASAR KO NA SYA!!!! HAHAHAHAH
(ATTENTION, huwag gayahin ang bida, baliw na sya)

"Hoy hintay!!!
Hinabol ko na sya, pero hindi na sya huminto pa, teka? ang oa naman nya magalit.
(=.........=)
"Tsaka, may proper naman ang pagiging gentleman, edi sana sinabi mo na lang na..
Akin nayan, ako na magdadala ng mga gamit mo, ganun! Hindi yung, ang harsh ng pagkakakuha sa kamay ko, kalog ka rin talaga eh noh?!!
Bulakbol ng bibig ko habang naglalakad kami papuntang parking area, parang wala syang narinig ah? Kalog nga ata talaga sya.
Nasa kotche na nya kami, pumasok na sya sa sasakyan, ako naman ay pabukas na ng pinto, pero nagulat ako ng may pinindot sya ata at di ko na mabuksan ang pintoan ng sasakyan nya, tiningnan ko sya ng masama na parang kakatayin ko na sya, na-bwisit na ko sa kanya, totoo na to.
"BWISIT!!!!
Turo-turo ko yung pinto para pagbuksan nya ako, pero tiningnan nya lang ako na parang wala syang clue sa mga pinagagawa ko, blanko lang ang mukha nya.
Sa inis ko ay naglakad na lang ako palabas ng parking area dahil tanga naman sya kahit may pinag-aralan naman, dahil di nya ako magets, o di kaya'y nagtanga-tangahan lang talaga sya para bwisitin ako?
mag-t-taxi na lang ako pauwi! wala ng tutor!!!! WALA NA!
BISHIT SYAAAAAAAA!!!!
napahinto ako sa pagkakalakad, I realize something...
.
.
.
.
.
IN THE END OF OUR CONVO? AKO NA NAMAN ANG TALO? AKO NA NAMAN ANG NA-BWISIT? UWAAAAAHHHHH!!!!
Huminto sa gilid ko ang sasakyan, paiyak na ako, kahit sabihing fighter ako, war freak, pusong babae parin ako, mamon at weak, ayaw ko ng pagsasarhan ako ng pinto!
Lalo na yung wala na akong choice? Kundi lunokin ang pride?
UWaaahhh!!!
:'(
Di ko na namalayan na lumabas na pala si hilaw at itinulak ako sa front seat para makapasok ng sasakyan, umiyak na kasi ako sa kabwisitan sa kanya eh, takip-takip ang mga mata ko. Ang lakas maka-echo ng sasakyan nya sa hagulgol ko sa aking iyak.
Bwisit talaga sya eh, papapasokin pala nya ako, may pa-hirit-hirit pa syang ganung pakulo! UWAAAAAHHHHH!
》IYAK NG TALO BOW.《
<( || ^ || )>

#J U N C E M A N H I D

Artista, Ang Aking KaawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon