16

339 39 23
                                    

It's hard to place yourself when somebody don't want your presence.
I want to be with them but there is always excuses, I am tired.
.....
Ambigat ng ulo ko ng magising ako, bahagya akong nangasim ng maamoy ang baho ng suka ba yun?
Kinapa ko ang aking ulo at kinuha ang nakapatong sa aking ulo.
Isang puting tela?
Sino bang naglagay nito sa akin? Ambaho naman.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung sino itong nasa harap ko na naka-cross ang mga kamay.
"BAKIT KA ANDITO?!!!
sabay takip ko sa sarili sa pamamagitan ng kumot sabay silip kung may suot ba ako o wala, pagdating sa kanya, wala talaga akong tiwala eh!
May suot naman ako, PERO IBA NA ANG SUOT KO!!
tiningnan ko sya ng masama sabay hila ko sa pantulog ko ng suot.
"ANONG GINAWA MO SAKIN!!!





"Ano bang iniisip mo?
Sabay tingin nya sa akin mula ulo hanggang sa paa.
Sabay iwas naman nya ng tingin.
"Huwag mo ngang lawakin ang utak mo, wala akong ginawa sa'yo.





"WALA?! PERO BAKIT IBA NA ANG SUOT KO?!!!!
takip-takip ko na ang sarili ko dahil hindi ko matanggap ang madumi kong iniisip ngayon!





"Eh anong gusto mo? Hayaan kitang basa jan sa kama ko?
Hindi na sya nakatingin sa akin, bagkus ay nasa window glass na sya nakatingin.
"Atsaka wala kang malay, wala ka namang kakayahang magbihis kaysa naman pabayaan kita Jan.






"A--ANO?!!!
napapikit nalang ako sabay hampas ko sa kanya ng unan, sabi ko na eh, hindi talaga sya mapagkakatiwalaan!!
"WALANGYA KA!!! SO NAKITA MO NA ANG----UWAAAHHH!!!!!




"Aray!! Tigilan mo nga yan!!
Sabay pigil nya sa paghampas ko.
"Nakapatay ang ilaw okay?! Hindi ko nakita!!!
Natigil ako sa sinabi nya, ano daw?
"Atsaka---excuse me, don't accuse me as pervert, your not woman in my eyes okay?




"Ano?!!! A--anong----babae ako!!!
Nakakainis ka talaga bakit kaba andito?!!!
Sabay tago ko sa sarili sa unan na hawak ko.





"Anong ginagawa ko dito? Of course condo ko ito eh, ikaw---ang nasa condo ko.
Umikot ang mga mata ko, tama nga sya, nasa condo nya nga ako.
Nandito na naman ako?!!
"May sakit ka, kung hindi ka lang kasi tangang nagpaulan sa labas---
Nagpaulan? Teka----oo nga, sya ang huling taong nakita ko. Pero bakit sya andun?





"Tama nga, ikaw ang huling nakita ko? P--pero bakit nakita kita dun?
Tumaas ang kilay nya sabay upo nya sa tabi ko.



"May mall show kasi ako dun at papasok na ako ng kotche ng makita kita, may mukhang baliw kasi sa labas ng mall kaya parang nakita kita kaya nilapitan ko, hindi nga ako nagkamali, ikaw nga talaga.
Tiningnan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya, tama bang lait-laitin nya ako ng ganito? Kapag nabaliw ako dito, lagot sya sakin, sya ang gagawin kong basilyo o krispin, sige!
Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang noo ko.
"May lagnat ka pa, dito ka nalang muna matulog.





"NO!!!!!!
Napalakas ata ang sigaw ko dahil bahagya syang napalayo sa akin.
"mainit pa nga ang issue nila sa atin diba? Tapos matutulog ako dito? Baka another issue na naman yan ha? Ayaw ko na---please no.





"Look----alas onse na ng gabi, at may sakit ka pa. I tried to be gentleman to you, atlease once, huwag ka ng maarti okay?
May kinuha ata sya sa tabi at nakita ko ang isang bowl na may lamang lugaw, napatingin ako sa kanya ng di oras, sya ba tong nasa harap ko? Baka naman allien to na nagkukunwaring sya?
"This is my first time to cook, you have no right to complaint, instead be thankful kasi you are the lucky one who will eat my first cook food.





"Oh? Niloloko mo ko.
Ako nga gusto kong matutong magluto, kaso ayaw sa akin ng usok. Binubugaw ako agad ng katawan ko kapag tatangkain kong pumasok sa kusina.





"Kumain ka na nga andami mong satsat.
Kukunin ko na yung spoon ng kinuha nya dito sabay ihip nya sa pamamagitan ng hangin sa bibig nya, sinundan ko lang sya ng tingin,
Sya ba talaga ang kilala kong hilaw na artista? Bakit nya ako inaalagaan ngayon? Di ba enemy kami? Ayaw nya sa akin eh?
Ngumanga nalang din ako at nagpapadala sa kabaitan nya, isusubo na nya sa akin ang pagkain. Hanggang sa natauhan ako bigla.
"Anong ginagawa mo? Kain na, ano? Susoboan pa kita? Wala ka bang kamay?
Nagising ako sa imahinasyon ko at na-realize na ako lang pala tong nakapikit na nakanganga.





"Ha---a--anong sinasabi mo?--i--inaamoy ko lang yung luto mo!!!
Napaka--ano mo--ah!!
Sabay kuha ko doon sa bowl dahil napaka-gentleman nya talaga promise, wala akong masabi?
Ano ba yun? Bakit ako nag i-imagine ng ganun? Sya?? Pagpapyantsahan ko? Eeerrr~





"Pagkatapos mo jan, inomin mo tong gamot, dahil matutulog na ako, bahala ka na jan.
Naka-ganun lang ako.
(=_________=)
Bukod kasi sa napaka awkward ng paligid, nakakahiya pa ang inasal ko ngayon-ngayon lang, oh my gosh.
Tumango lang ako at hindi na sya tiningnan.
"Sa couch na ako matutulog baka hawaan mo pa ako eh.





"Che!!!!
Nakasimangot lang ako habang nilalamon ang pagkain na niluto nya, wow infernaise, not bad ang taste, actually masarap sya.
Napatingin nalang din ako dun sa pagkain, at napangiti nalang ng mag isa, kahit napaka sungit nya at napaka walang hiya, atlis nag effort syang alagaan ako kahit enemy nya ako, nakaka-touch naman.
Inubos ko yung pagkain, sayang eh, at uminom na din ng gamot.
Napasilip ako sa gawi nya at nakita kong nakapikit na sya, tulog na ata sya.
Humiga na ako dahil naantok ako agad, dahil dun sa ininom kong gamot.
-----------------------------------------------------------
After 4 hours******
-----------------------------------------------------------
Basang-basa ang buong mukha ko ng magising ako, nakita kong nasa harapan ko si Kurt na nakahawak sa mukha ko habang pinupunasan ang baba ng mga mata ko.
"Are you okay? Your crying while your sleeping, and your started to crying with sound, that's why I woke up you.





"Ha??
Napatingin ako sa baba, sabay punas ko sa mukha ko, basang-basa nga ito na wari ay iyak ako ng iyak, nakaramdam ako ng pamamaga sa mga mata ko.




"You called your mom and dad---
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaibang pangungulila at nais ko lamang ng mga oras na iyon ay comfort at yakap, dahil hindi ko ata alam kung papaano ako tatahan, ne sarili ko hindi ko alam kung paano ko kokontrolin yung iyak ko, marahil ay ngayon lang sya lumabas sa mahabang taon na kinimkim ko yung sakit sa dibdib ko.
Sa sobrang kalungkutan ko, nadala ko siguro sa panaginip ko at doon nalang nag-iiyak.
Umiiyak na naman ako at hinayaan na bumagsak sa pisngi ko ang resulta ng kalungkutan ko.
Ilang saglit lang ng nakaramdam ako ng yakap at pagtahan sa isang tao na di ko inaasahan na gagawin ang pag comfort sa akin. Sa lahat ng tao, bakit sya pa?
Pero salamat dahil sa mga oras na ito, hindi nya ako pinabayaan, bagkus ay pinapatahan nya pa ako.
I found his good side despite of his brain storming attitude.
Tahan na.
iyan ang huling narinig ko bago ako nakaramdam ng antok at pagpikit ng mga mata ko.




#J U N C E M A N H I D

Artista, Ang Aking KaawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon