Isang oras, dalawang oras, at tatlong oras.
Hangang ngayon di padin lumalabas sa kwarto nya si hilaw.
Nilalaro ko nalang sa kutchara ang lugaw na niluto nya.
Ano bang problema nya? galit ba sya?
Ayaw ko syang magalit sakin ngayon, ngayon pa na kahit papano, nabawasan na yung away namin.
Alam mo yun? Nag-uusap na kami ng hindi nagbabangayan, nilulutoan nya na nga ako eh.
Lugaw nga lang.
(°-°)
Hay, nakakalungkot talaga kapag galit sya sakin ng ganito.
Iniisip ko lang kasi ang kapakanan ko tapos hindi na ako nag-s-share sa kanya.
Kakatok nalang kaya ako? Baka isang katok ko lang, masisigawan na ako ng (LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO!)
agay, huwag naman.
daig ko pa pulobi nyan ah, maawa naman sya sa akin, kahit pa-pano, naisip ko din naman kanina yung napag-usapan namin ni Marco, what if nga, na malaman ng lola nya na tinutulungan ako ni Marco?
Baka, agad-agad may Father nalang lumitaw at magpakasal sa amin, ora mismo.
(--.)
WAAAHHH! Andami ko ng naiisip, mahirap talaga kapag layas kang tao, wala kang permanenteng bahay plus, masisiraan ka pa ng ulo.
Hindi pwede ito, dapat ako na kakausap kay hilaw, ako naman itong may kasalanan eh.
"Di mo talaga ako kakausapin?
Nasa harap na ako sa pintuan ng kwarto ni hilaw.
Dinikit ko na nga ang noo ko dun sa pinto? maawa naman sya sa akin.
(Y.Y)
Nagulat ako ng bumukas yung pinto."Ah--k---kurt.
Napakamot ako sa noo, sabay tingin sa kanya.
Ano bang sasabihin ko sa kanya?
Na-blanko ang utak ko bigla.
Kahit walang stock of knowledge itong utak ko, pero kanina totoo, nagkalaman ito bigla sa mga gusto kong sabihin sa kanya!
pero ngayon? biglang nagka-zero.
Ano na grasya?"May sasabihin ka?
Naka-cross arms lang sya, at yung tingin nya, alam mo yun?
Halatang galit."Merun sana eh.
Umayos na ako ng tayo, alam mo yun, gusto kong ayusin ang sasabihin ko sa kanya. Kahit blank padin ang utak ko. Pero no choice ako eh.
(°^°)
sapakin ko nalang kaya sya?
"Sorry na Kurt, huwag ka ng magalit sa akin, kahapon pa naman kami nag usap nun eh, di naman kita nilihiman ng secret talaga."But you did.
He smirk me, wow.
Ang cute naman nitong magalit, para syang bata na ang sarap asarin, pagkatapos maasar, suyuin naman.
(^^.)(--.) Haha gago lang."Huwag ka ng magalit sakin kasi, it's just an option pa naman eh, just incase.
Hindi naman ako aalis.
Teka, bakit ba ako nag-e-explain sa kanya?
Bigla ko lang na-realize."Hindi naman kita pinapaalis, bakit kaba atat dun sa lalaking iyon? Pakasalan mo na nga!
Ayan na naman ang hirit nya, lalayas ba ako kung gusto kong pakasal sa Marco na yun? At excuse me? Pakasal talaga?
ANG AGA KO NAMAN MAGING NANAY NYAN UY!?
(T^T)"Eh kung ikaw na lang kaya magpakasal sa kanya? Lumayas nga ako diba? Walang bahay, walang pera, sa tingin mo, magpapahirap ba ako ng ganito kung sang-ayon ako sa kanila?!
Sorry, kunsensya, traitor na naman si pride."Kaya nga, eh kung gusto mo palang lumipat sa lalaking yun, ngayon na!
Kayo naman itong dapat magkasama eh!!!
Tumingkad tong sentido ko, gusto kong lunokin nya ang dila nya at bawiin ang sinabi nya!!!!!"Anu bang problema mo? Baka ikaw tong gustong mawala ako dito?!!
Pakipot kapa eh! Ang totoo naman, gusto mo na akong mawala dito!
Ayan na, supersayan Android 16 tuloy ako ng di oras."You got it, gusto ko ng mawala ka dito, ayaw na kitang makita dito, masyado kang malaking abala sa buhay ko!
Aba--!!! Sumusobra na sya!"Talaga? Pasensya ka na ah, malaking abala na pala ako sa'yo, nakaka-kunsensya naman, osyasya, aalis na ako, your wish? is my command!!
Che!!! Mabulok ka sana dito sa bahay mo!!!
Itinulak ko sya, bago ako tumalikod ng landas at tumungo palabas ng pintoan.
Ngayon alam ko na, at na-realize kung bakit ba ako nandito sa bahay nya? Isa akong malaking tanga!!!
Bakit ba ako nakikipag-usap sa kagaya nyang hinayupak ang ugali!
Wala na akong paki!! Sa Marco na lang ako tutuloy, iyong tao na yun? Pwede pang maging asal tao, si Kurt?wala ng pag-asa!
Natigil ako sa may elevator ng mapagtanto kong may umagos na tubig sa bandang kaliwa ng pisngi ko. Hinawakan ko ito, umiiyak ba ako?
Hanggang sa sunod-sunod na agos sa mukha ko, hindi ko na napigilan.
Naalala ko yung sinabi nya.
You got it, gusto ko ng mawala ka dito, ayaw na kitang makita dito, masyado kang malaking abala sa buhay ko!
Ansakit palang masabihan ng ganyan.
Bakit sya pa? sya lang ang unang nagpaiyak sa akin, bukod sa parents ko, sya lang. Bakit?
Grasya, sabihin mo nga, mahalaga naba sya sa'yo? Para iyakan mo ng ganyan?
"Mom look, she's crying...
Natigil ang mga tao doon sa loob ng elevator, at silang lahat ay nakatingin na sa akin.
Lumapit sa akin yung batang lalake na nagsusumbong ata sa kanyang ina tungkol sa akin.
"Ate, stop crying.
Hinila nya ang laylayan ng blouse na suot ko, bahagya akong ngumiti doon sa bata, at tumango ako rito.
Pagkalabas ko ng elevator, agad akong tumakbo palabas ng building na iyon.
May tumigil na taxi sa tapat ko, at binuksan ko ito agad para makasakay.
"Manong sa may-------sa may--
Teka, may binigay ba sakin na address yung Marco?
Tiningnan ko yung cellphone ko, para i-check ito, at nagulat ako ng may kamay bigla na humila sa kamay ko."Oh!! ANO TO!! HIHILAHIN MO KO?!! HOY!! ABALA AKO REMEMBER?!!!
hinihila ko pabalik ang kamay ko, si hilaw na naman to mga kababayan eh! Hinihila nya ako pabalik doon sa building!
Natigil ako, ng tumigil din sya."I'm sorry.
Napa-taas ng di oras ang mga kilays ko, mali ba ang pagkakarinig ko?
I'm sorry daw?"Ano?
Gusto kong ulitin nya ang sinabi nya. Baka kasi, I, lab Yu!
Haha feeling.
(-__-)
Parang, I'm sorry talaga yun eh."Bingi ka talaga.
Biglang nainis yung mukha nya, tapos biglang... naging seryoso.
"SABI KO SORRY!!! Wag kang umalis."Gusto mo kong paalisin tapos ngayon, ayaw mo na? Anu ba talaga?
Sinamaan nya ako ng titig, yung asar na tingin."Andami mong tanong.
Bigla nyang hinilamos ang mukha nya.
"ayaw kong umalis ka, ayaw ko na doon ka sa Marco na yun, okay?!!!"BAKIT HINDI?!!DIBA SABI MO----
"ANG KULIT MO TALAGANG BABAE KA!! DI KO ALAM! BASTA AYAW KO!!!
nagsisigawan na kami sa labas ng building."Eeeiiihhh!!!BAKIIIIT?!!! PWEDE BA YUN?!!
pareho na kaming asar, wala namang magandang pag-uusap na merun kami eh. Noon, hangang ngayon."MAGSESELOS AKO!!!!
pareho kaming natigil sa huling sigaw na iyon.
Bigla kaming nakaiwasan ng tingin, at nagkailangan.
"Hayst! Pumasok ka na ngang babae ka!!!
Hindi na ako nakaimik, ano iimik ko?
Ano daw!?
Huling observe ko sa sarili ko ay pumasok ako ng elevator na nakangiti.#J U N C E M A N H I D
BINABASA MO ANG
Artista, Ang Aking Kaaway
FanfictionInspired By MAYWARD again, so layag po tayo sa mga Maywardnatics jan! Sa mga adik at baliw po sa MAYWARD, welcome po kayo dito! By: J U N C E M A N H I D