20

339 39 20
                                    

Pagbalik ko sa tent, ang lahat ay nag-volunteer na bigyan ako ng pamunas, magulo ang mga tao sa loob ng tent kaya hindi ko alam kung saan ako uupo at tatambay.
Isang liko ko pa ng makita ko si hilaw na kakaupo pa lang, lalapitan ko na sana sya ng bigla akong binangga ng isang average height na babae.
Inayos ko yung pamunas dahil nahulog sya sa pagbangga ko dun sa babae, pag angat ko ay nakita kong nasa tabi na ni hilaw yung babae.
Teka, sya din yung katabi nya sa shoot kanina ah? Marahil sya yung ka-partner nya sa movie?
"Thank you kanina ah?
Nagulat ako ng may nagsalita sa likod.
"Laman kasi nung bag ang mga gamit ng pinsan ko, masungit kasi yun eh.
Napatingin sya dun sa babae na nagbangga sa akin kanina.
"Oh there, she is my cousin.
Napatingin din ako sa gawi ni hilaw, na ngayon ay nag-uusap ata sila ng masinsinan nung babae.

"Sus, wala yun, muntik lang naman tayo malunod eh, huwag mo ng isipin.
(0_o)
Ganyan lang yung reaction nya.

"Your funny anyway--k-ano-ano mo si Kurt? Ikaw ata ang kasama nya pagparito?
Binigyan nya ako ng upuan para makaupo, tiningnan ko muna si hilaw bago ako umupo, para namang busy sya sa pag-c-chat dun sa babae eh.

"Ah tama, kasama nya nga ako kanina.
Ako lang ata ang basa ah, sya? para namang hindi basa? Ang unfair naman.
(--.)
"First shoot nyo ba today?
Pag-iiba ko ng topic.

"Yeah, 2 months kami nag prepared for this movie.
Ang gwapo naman ata ng kausap ko, nakakahiya bang makipag-usap sa kanya?
Well, mas matangkad lang sya sakin kasi hangang teynga nya lang ako eh?
"Medyo hassle nga eh, kasi first shoot hechtech pa yung schedule ko.

"Oh talaga? Except ba dito may pinagkaka-abalahan ka?
Wow, friends na naman ata kami? Siguro pwede namang magtatanong na sa kanya noh? Sya naman tong unang nagtatanong sakin, suklian naman natin yung tanong nya.

"Yeah,...oh by the way, magkape ka muna.
May inabot sya sakin, kape ata? Wow. He prepared this coffee for me? Since when?
Inamoy ko muna ang kape, ngayon lang ata ako natakam uminom ng kape ah? Tinikman ko ito, baka kasi matapang eh.
"You know? I like you.
Bigla akong nasamid dun sa kape, ang init-init nya, tapos nagulat pa ako sa sinabi nya, kaya di ko mapigilang maubo.
I like you??? Ha bakit naman nya sasabihin yun? Agad-agad?!! Nge, baka naman-- I hate you?--ano nga! basta May 'you' sa dulo!

"Wh--what??
Sabay pahid ko sa kapeng nabuhos sa bibig ko,
Pakiramdam ko pati dila ko ay napaso din.

"I like you,----because I am comfortable to talk to you, yung iba kasi nahihiya sa akin.
Pakurap-kurap ang mga mata ko, ilalabas ko na ba ang "weapon ko?"
Weapon sa pagka-cute? Hehe--oh mo?
But don't get me wrong, it just a way of, I want to have a friend to talk comfortable, like you?
Bang! Ouch.
(•^•)
Kausap lang ba kailangan nya? Sa call center, 24 hours yun, dun sya makipag-usap.
Hindi na ako tumingin sa kanya, bagkus ay itinuloy ko nalang yung aking kape.
Panis na pala ang laway ko, sign language nalang ang kaya ko para sa kanya.

"Hoy panget.
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni hilaw.
Pero binawi ko din agad at pinagsisihang lumingon ako, ako lang ata ang lumingon sa tawag nyang panget ah? ako?
Sinong panget!?
(><)
"Hoy!!!
Sigaw nya.
Tiningnan ko sya ng masama dahil sa akin pala talaga sya nakatingin.
Hindi na ako lumingon sa kanya, bad trip talaga sya as always! nakaharap na ako kay Donny, kaya ang dating ay pigil tawa itong si Donny sa akin dahil yung mukha ko, parang pang-kontrabidang nakatingin sa kanya.
Ewan ko ba kasi, andali-dali kong mapikon pagdating kay hilaw.
"Ah, ayaw mong sumagot ah!
Napalingon ako agad dahil tumayo na sya papunta sa upuan ko

"Ano bang problema mo na naman!!!
at naramdaman ko nalang yung paghila nya sa braso ko.
Binawi ko naman agad ang hila nya, natigil nga sa ginagawa yung ibang nakakita sa amin eh.
Si Donny, makikialam na din sana, ang harsh kasi ng hilaw na ito.
(><)

Artista, Ang Aking KaawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon