Nakataob ang buong mukha ko sa desk habang hinihintay ang pasok ng mga kaklase ko, napaaga ata ako ngayon dahil ako pa lang ang nasa loob ng room.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at pinindot ang number ni Tobo Lj.
"Helo---yeah, sabay tayo sa lunch mamaya--okay.
Sabay balik ko sa bulsa, nagsidatingan na din yung mga kaklase ko at maya-maya na siguro ay mag u-umpisa na ang klase.
Napatingin ako sa upuan ni hilaw at doon sa pintuan.
Late kaya sya? 5 minutes nalang mag-u-umpisa na ang klase ah?
Hanggang sa nag-umpisa na nga ang klase wala pa ding hilaw na artista ang pumasok sa klase.
Kakalabas ko lang ng room ng hinarangan ako ng limang estudyante, tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Oh bakit?!
Tiningnan ko din sila mula sa kanilang ulo hanggang sa paa."Hindi ka bagay sa prince namin, hiwalayan mo na sya! Hindi ka maganda! Gwapo sya! Panget ka!!
Napanganga ako sa sinabi nung May katabaan na babaeng abot taas ang burloloy sa katawan.
Ang ayaw ko sa lahat ay yung pagsabihan ako ng "panget" remember?"Binigyan ba kita ng karapatan na pintasan ako? Siguruduin mong di ka din kapintas-kapintas ha, bago ka magbitiw ng salitang ikaw mismo ay matatamaan,
Sabay yukom ko sa aking kamao.
"Baka gusto nyong tamaan nito?! At ng makita nyo kung sino ang panget?!
Yung mukha nila ay di na mamukha, nag-uunahan pa silang humakbang palayo sa akin.
Ngayon ko lang na-r-realize, simula nung lumabas yung issue, hindi na ako tinitigilan ng mga matang napadaan man ako o mapapatigil, madaming mata ang nakasunod na sa akin! Hayst napaka hassle naman nito!."Kaykay, si Lj?
Nagulat ako ng pag kaharap ko sa kanya ay busangot ang mukha nya na nakatingin sa akin.
Anong ngyari sa kaniya?
"Ano na naman?
Reaksyon ko sa busangot nyang bungad sa akin."You're not telling us about your relationship with Kurt Barber?!!!!
Asus yan lang pala, eh ako nga nagulat din sa ngyari, wala naman akong dapat ilihim kasi wala namang kami."Hindi ako naglihim.
Umayos sya ng upo sabay patong ng ulo nya sa mga kamay nya, yung tipong makikinig talaga sya ng storyteller? So, ngayon, ako si Lola Basyang ganun?
Minsan may pagka-cute din tong si kaykay eh, sarap pisilin!
"Sa tamang panahon, maririnig nyo rin ang paliwanag ko, but not now."Why?
Parang nadismaya yung mukha nya matapos nya yun marinig.
"Why not to tell me? ako, never akong nagtago sa inyo ng secrets, how unfair?"Para sa inyo din ito, nakasalalay dito ang mga buhay nyo, mas maganda kung wag na kayong madamay.
Pagsisinungaling ko.
Lumaki bigla ang mga mata ni kaykay sabay takip ng bibig nya.
Naniwala nga ata ang babaeng to.
(-.-)
"Bakit, okay lang ba sa'yo na sabihin ko sa'yo? Sige, madadamay ka----"Napaka- contrevercial ba talaga nyan? Naka-kaba naman, huwag nalang ate?
Sabay labas nya ng salamin at hair brush,
"Baka masira pa ang beauty ko, mahirap na."Mismo!
Ayan, hindi lang basketball player ang marunong sa bola, pati din ako noh?!
"Teka nga---nasan na ba si Lj? Nagbasag ulo na naman ba yun?"Naku ate, hindi basag ulo.
Tumingin sya sa akin sabay ayos nya sa bangs nya.
"Iba na si Lj ngayon, may ganda na syang inaayos, kaya ayun nasa CR at nagpapaganda."Huwag mo nga akong lokohin.
Bahagya akong natawa dahil sa biro ni kaykay, enfairnes ngayon lang ako natawa sa joke nya xD
Si Lj? Hindi pa lumalabas sa CR dahil nagpapaganda doon? Kalokohan.
Baka nga may barbel na dala yun sa bag nya lagi eh.
Muscle kamo ang pinapaganda nya. Haha."Totoo! Naglalagay na sya ng cream sa mukha, nagl-lipstick at----tedededeeeennggg!!! Nagpa-rebond si ate!!!
Doon ako mas bumahakhak ng tawa, anong kalokohan yan kaykay? Sarap ng joke mo ha? Busog ako.
BINABASA MO ANG
Artista, Ang Aking Kaaway
FanfictionInspired By MAYWARD again, so layag po tayo sa mga Maywardnatics jan! Sa mga adik at baliw po sa MAYWARD, welcome po kayo dito! By: J U N C E M A N H I D