Sumilaw sa akin ang sikat ng araw at napagtanto kong umaga na pala, babangon na sana ako ng mapansin kong nakapatong pala ako sa matigas na bagay, napahawak ako sa matigas na bagay na iyon at napabuka ng di oras, hindi sya unan eh, kamay sya!
Unti-unti kong nilingon ang sarili at nakita ko mula sa likod ko ang natutulog na Kurt Barber?!!!
An--anong ginagawa nya sa tabi ko?!
Nagpanic ako agad ng nakikita kong gigising na sya, nagkunwari akong nagtulog-tulogan ng sya naman yung nagising.
Hinawakan nya muna ang noo ko, after a seconds ay inalis na nya unti-unti ang ulo ko, at inalis nya ito sa kamay nya.
Bumangon na sya at naglakad papuntang CR, napabuka ng di oras ang mga mata ko sabay tingin sa pintuan ng CR,
"Anong ibig sabihin nito? Ta--ta--tabi kami na--natulog?
Napapikit ako sabay hampas ko sa aking ulo.
Anong ginagawa mo grasya?!! May katabi kang natulog kagabi at lalake pa?!!!"Gising ka na?
Halos mapatalon na ako sa gulat ng marinig ko iyon, at nakita kong kakalabas pa lang nya sa CR.
"Wait gagawa lang ako ng breakfast.
Ha? Bakit parang wala lang sa kanya? Sinundan ko lang sya ng tingin na ngayon ay palabas na ng kwarto."Ano ba to----ano ba to?
Pagpapanic ko sa sarili, hindi na tuloy ako maka-concentrate dahil iniisip ko palang na natulog ako kagabi na wala sa bahay, nasa condo ng lalake, at nakatabi ko pa?!!!!
Tinakpan ko sa unan ang mukha ko, itago nyo na ako, hindi ako dapat tularan ng mga kabataan, uwaaaaahhh!!! Teka-----bakit? Aksidente lang naman kung bakit ako napunta dito ah? ginusto ko ba to? Hindi ah!
Pinikit ko nalang ang aking mga mata.
Relax lang grasya, walang gusto nito, wala ka namang ginawang masama eh.
Tama! Pagkukumbinsi ko sa sarili.
Napabuntong nalang ako ng hininga, baka sakaling makumbinsi ko ang sarili, alam nyo naman, na kahit tigasin ako----conservative ako pagdating sa ganito."Wake up.
Napabuka ang mga mata ko sabay buhat nya sakin-----What!
"Antagal mo kasing gumising."Ano ba naman to, pwede mo naman akong batukan nalang para magising!
Nakaramdam ako ng kakaibang init sa magka-bilang pisngi ko sa ginawa nya.
Hinawakan ko agad ang pisngi ko, alam nyo yun? First time ko yun."Bakit namumula yang mukha mo?
Sabay hawak nya sa buong mukha ko, ako naman, di ko alam kung san ako titingin, sa gilid ba? sa kabila o sa baba ba?
"Are you blushing?
Tinulak ko agad ang mga kamay nya after nya yun sinabi."Ano bang tingin mo sakin Dodong, eh sa babae ako eh, kaya huwag mo sakin gawin yang mga bagay na yan, kung ayaw mong may dumanak na dugo dito.
Sabay ikes ko sa aking mga kamay.
"Babae lang din ako okay."Your kidding me.
Napa-intsik na naman ang mga mata ko, huwag mo sabihin sa akin na hindi nga babae ang tingin nya sa akin? Eh ano? Lalake?! Eh kung gulpihin ko kaya sya?!!!"Bulag ka ba?! Don't tell me, lalake ang tingin mo sa akin?! Kita mo to?!
Sabay labas ko sa kanya sa malupit kong kamao, kapag sinabi nyang.
"OO"."Exactly.
Hindi ko napigilan ang sariling sakalin sya, sa inis ko sa kanya kasi, yung umagang-umaga pero inaasar ka na?!!!
Tumawa lang sya ng tumawa hangang sa asaran na iyon ay tagumpay naman kaming makapag breakfast sa likod ng pagkaasar ko sa kanya.
Tinatawanan nya lang ako lagi, ako naman itong madaling mapikon."Jan na lang sa tapat.
Sabay turo ko sa bahay namin, nakalabas na kasi ako dahil okay narin naman ako, kunting pahinga lang naman ang kailangan ko.
Ngayon ay hinatid nya ako sa bahay pagkatapos naming makapag-breakfast.
"Sige na umuwi ka na."Bubuhatin pa ba kita sa loob?
Nag-init na naman ang magka-bilang pisngi ko sabay hampas ko sa kanya nitong mineral water na dala ko.
Buwist talaga sya!
"Wala ka bang good bye kiss para sa gwapo mong boyfriend?"Wala.
I grin my teeth.
"Sapak merun.
Itinulak na nya ako palabas ng kotche nya, tawa pa sya ng tawa nung nasa labas na ako ng kotche nya, nagtagumpay na naman sya sa pangangasar sa akin, masaya na sya? Sinira na nya ang araw ko?
Hindi ko na sya hinintay makaalis, agad na ako pumasok ng gate, binungad agad ako sa guard at driver namin, I am not in the mood to great them back because they great me when they saw me.
Pagkabukas ko sa pintuan namin ay sinara ko din agad, binuksan ko lahat ng bintana, naalidbadbaran kasi ako.
"Bwisit talaga sya mang-asar eh! Grr!
Umakyat ako sa hagdanan at tumungo sa kwarto ko.
Humiga agad ako sa kama.
"I am here again to a sad house.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto ko.
"I have a big house, but I am all alone.
Hinawakan ko nalang ang dibdib ko sabay pukpok ko dito.
Okay lang yan grasya, makakaya mo din yung lungkot, laban lang.
May pasok na naman bukas, makikita ko na naman yung hilaw na artista na yun! Ano ba yan!!!
Sinabunutan ko nalang ang buhok ko dahil pakiramdam ko ay maaalala ko na naman yung pang-aasar nya sa akin kanina.
Naisipan kong buksan ang tv ko sa kwarto for the first time na ako yung nagbukas, dati kasi pag naligaw sila Lj at kaykay dito, walang araw na hindi sila babad sa tv ko, ako nasa harap lang sa computer ko at hinahayaan ko lang na gulohin nila ang buong kwarto ko.
But now, I volunteer to open the tv with this remote na nasa tabi lang ng kama ko.Another chika na naman mga ka-viewers, with this fresh news para sa isang sikat na artista, na tawagin nalang nating Kurt Barber noh? Na di umanong nagpaulan---nagpaulan sa ulan? Para sa kanyang unshowbiz girlfriend after ng mall show nya?
Watta sweetheart naman talaga ng ating mahal na Kurt Barber at------
Pinatay ko agad yung tv dahil pakiramdam ko ay, kalahati na ng storya ng buhay ko, sinisimulan ng ukayin ng mga tao, at ngayon makikita ko na lang sarili ko sa telebisyon?
Totoo nga ata ang kasikatan nung hilaw na yun dahil kahit dun sa nagpaulan sya sa ulan, documentary ng mga die hard fans nya at nakunan pa kami ng litrato?
UWAAAAAHHHHH!!!!
Nagulat ako sa pagtunog ng sunod-sunod ng cellphone ko. Kinuha ko agad sa bag ko, at napanganga dahil ang nakalagay sa screen ay ang pangalan ng lola ko.
Patay.
(•.•)#J U N C E M A N H I D
BINABASA MO ANG
Artista, Ang Aking Kaaway
FanfictionInspired By MAYWARD again, so layag po tayo sa mga Maywardnatics jan! Sa mga adik at baliw po sa MAYWARD, welcome po kayo dito! By: J U N C E M A N H I D