21

348 39 11
                                    

Napatingkad ang mga mata ko habang kakaupo ko palang sa upoan, hawak-hawak ako ni Lola sa braso habang yung iba ay abala sa pag e-entertain sa mga bisita, invited kasi ang Mukamuto's family dito sa birthday party ng isa sa mga ka-merged sa business ni lola. Kaya heto, halos naubos ko na ang hangin ko, kaka-buntong hininga, alam nyo bang I hate party?
(=.=)
"La, it almost 2 hours na tayo dito, mag t-ten na ng gabi?
I wanna go home..
Reklamo ko habang yung mga mata ni lola kulang nalang ipakain ako sa pating.
Ang isa sa mga ugali na ayaw ko kay lola ay yung gawin kang robot, lahat ng galaw mo dapat control nya, kaya yun, pati parents ko under control nya.
"Laaaaaaa...

"Shut---up.
Inayos nya ang suot kong dress, pati na din ang buhok ko.
"Ayusin mo nga yang sarili mo parang hindi kita apo ah, be presentable in their eyes.
Presentable? Kaylan ba ako naging presentable? Joke ka la.
(--.)

"Oh there.
Nagulat ako ng may umupo sa table namin, isang matandang babae na kasing tanda din siguro ng lola ko.
They talk, and I don't know what their topic, anyway, wala din naman akong pake.
Dahil busy narin naman sila sa kanilang sariling masinsinang pag-uusap, dumistansya muna ako sa kanila bago ako nagka-lugar para tumakas sa kanila.
Pero isang mali kong galaw, bumagsak yung plato sa table, kaya si lola kasama yung kausap nya ay napatingin pareho sa akin.
"Sya na ba? Ang papakasalanan ng apo ko?
Napaatras ako ng ulo sa sinabi nung matanda.
Ako ba yung tinutukoy nya?

"Yes, my only grandaughter.
May lumapit na i-ilang waitress para linisin yung nabasag na Plato, ako naman ay nakatingin padin kina lola, kasi out of somewhere, di ko gets yung sinabi nung matanda?
Anong ako?
"She is the next mirror on our big business, so it's better to plan their future with your grandson, I am sure, it will make us more, powerful in the business if we were connected.

"Ha?
Napalingon ako sa gawi nung matanda dahil may lumapit sa kanyang isang lalake, matangkad, gwapo at matipuno.
Tiningnan ko sya mula ulo hangang paanan, at gaya ko ay nakatingin din sya sa akin, pareho naming hindi kilala ang isa't isa.

"Marco, meet your fiancee.
Pareho kaming napanganga sa sinabi nung matanda, yung lalake ay napatingin din sa akin mula sa aking ulo, hanggang sa paanan.
"She's grandaughter of Mukamuto's family, that I told you yesterday? Marco.

"La? Ano to?!!
Galit akong napatayo sa harap ni lola at tinanggal ko ang nakatali sa buhok ko sabay bagsak nito sa sahig.
"Napag-usapan na natin to dati, na ayaw ko ng arrange marriage, la!

"You heard everything, you have no choice, but to marry what I want you to marry.
Napakagat ako ng labi, dahil sa araw na ito, mas lalong tumingkad ang galit ko sa lola ko, na pati ba naman ako ay kino-kontrol  na nya? dahil sa business nya?
Ako na apo nya? binbinta na nya dahil sa business?!

"I won't marry anyone that I don't loved lola!
Tiningnan ko sya ng masama, kaylan ba ako magkakaroon ng tunay na buhay na walang makikialam at mag d-desyon sakin, dahil buhay ko to eh, at hindi buhay nila!

"Watch your mouth! I warned you!
Sabay duro nya sa bibig ko, makikita mong galit na din si lola base sa reaction nya sa mukha, marahil ay ngayon lang nya narinig na tumanggi ako, dati kasi, lahat ng sinasabi nya ay sinusunod ko dahil sa takot akong pagalitan nya ako.
"Sinong pinagmamalaki mo? Yung lalake na yun?!!
Just stop to meet him starting today, that is my order Grasya Mukamuto!

"No!!!
Sa kalagitnaan ng pagtatalo na yun ay hinayaan ko ang sarili kong humakbang palayo sa kanila, at kay lola.
pare-pareho lang kayo nila daddy  at mommy, pera lang ang mahal nyo, at ako? Kinalimutan nyo na ako!!!
Dali-dali akong bumaba ng elevator at mula sa labas ay sumakay ako agad ng taxi palayo sa 5 star hotel na pinagdarausan sa party.
Mula sa taxi ay yung buhos ng ulan at iyak ko, ay halos magkasabay na.
Saan na ako pupunta? Gusto ko ng tumakas sa buhay na lagi nalang akong iniiwan at kinakalimutan, ang pera ang isa sa mga kalaban ng tao, yung tepong kahit sa sariling pamilya, kakalimutan na, makamit lang ang pera na minimithi nila. Watta waste time to spent people like them!
"Okay ka lang ma'am?
Tumango lang ako sa tanong sa akin ni manong driver, marahil ay napansin na din nya ang ingay ng iyak ko.
Bumaba agad ako mula sa taxi ng makarating na ako.
Hinahabol ko na ang aking hininga sa aking pag-iyak, bukod sa takot ko sa banta sa akin ni lola, hindi ko pa maatim ang sariling tumakbo sa taong hindi ko inaasahang sa huli ay sa kanya ko hahanapin ang comfort at sandalan sa oras ng aking kalungkutan.
"Anong ngyari sa'yo?!
Hindi ko na napigilan ang sariling tumakbo sa kanya at hinayaan ang sariling gawin ang nais kong gawin, ang yakapin sya, dahil sa oras na ito, sa kanya lang ako nakakaramdam ng sandalan, at brasong maiiyakan, we do hate each other for our opposite attitude and bad side, but I felt safe when I cried at his arm, kahit na puro sakit na salita ang natatanggap ko mula sa kanya, tumatahan padin ako sa haplos nya sa likod ko, kahit isang beses lang yung ngyari noon pero, totoo, sa oras na iyon, nakaramdam ako ng kakampi.
"What happend?
Pilit nyang tinataas at hinaharap ang ulo ko, habang ako ay yuko-yuko ang mukha at pilit na dinidikit ang mukha sa kanyang braso.
"Can you just stop crying? Just tell me, what happend?!


Artista, Ang Aking KaawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon