Chapter 9

90 18 0
                                        

Chapter 9

*after the accident*

QUERA'S POV

As soon na tumigil ang ambulansya sa tapat ng hospital ay sumalubong agad sa 'min ang isang stretcher.

Agad inilipat 'dun si Dessy at tinulak na ito ng mga nurses patungong emergency room.

Sasama sana ako sa loob but a nurse stop me.

"Miss, hanggang dito na lang po kayo. Dito nalang kayo maghintay" sabi niya sa 'kin. Gustuhin ko mang samahan si Dessy sa loob pero wala na akong ibang magawa kundi manatili nalang sa labas ng emergency room.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. What's happening? Parang kanina lang masaya kami ni Dessy na namimili ng mga gusto niyang gamit na may kinalaman sa Shawn na 'yun.

Shawn!!! Kapag pumapasok sa isip ko ang pangalang 'yun, umiinit ang ulo ko. Isinusumpa ko ang pangalang 'yun. Hindi ko siya mapapatawad 'pag may nangyareng masama kay Dessy.

Natigil ang pag iisip ko ng may lumapit sa 'kin na isang nurse.

"Excuse me Miss" agad kong tiningala ang ulo ko sa kanya, may dala siyang isang record.

"Yes?"

"Ikaw po ba ang kasama ng pasyente?" tanong niya.

"Yes"

"Kaano ano po niya kayo?"

"I'm her bestfriend"

"Pwedi ko bang malaman ang ibang impormasyon sa pasyente? At pwedi niyo po bang tawagan ang parents niya?"

"Sure"

Sinagot ko naman ang mga tanong niya tungkol kay Dessy.

Matapos ang ilang mga tanong ay umalis na agad ang nurse. Naiwan akong mag isa sa labas ng emergency room.

I got my phone from my pocket and dial tito's number.

It took three call rings before he finally answered the phone.

("Hello Quera, I'm in the middle of my meeti - - -") pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Tito. Si Dessy" pagkabanggit ko palang sa pangalan ni Dessy ay napa iyak na ako.

("Why? What about Dessy? Is there something wrong?") nahimigan ko sa boses niya ang pagtataka at pag aalala.

"Nasagasaan po siya" pahikbi kong sabi.

("WHAT?") sigaw niya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang ilang boses ng mga businessmen sa background.

"Tito, please come here. Kailangan ka ni Dessy ngayon" napahikbi na lang ako habang pinapakausapan si tito na paputuntahin dito sa hospital. Sa ngayon wala akong maisip ba ibang gawin kundi ang umiyak.

("Fernando what's wr- - -")

'Yun nalang ang huling narinig ko bago pinutol ni tito ang tawag. Ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone ko.

Nanatili lang akong tahimik at hindi ko mapagil ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga doctor at nurses na labas pasok sa emergency room. Bawat minutong nagdaan mas lalong tumitindi ang kaba ko. Ba't ang tagal ng mga doctor at nurse sa loob? Dapat lumabas na sila at sabihing stable na ang kondisyon ni Dessy.

"Quera!!!" narinig kong may tumawag sa 'kin, lumingon naman ako. I saw Tito Fernando running to my direction still wearing a business suit. Agad akong tumayo at sinalubong siya. Niyakap naman niya ako.

"Quera, what really happened?" tanong niya.

I told him what really happened in the park, except the Shawn thingy. I don't know kung bakit 'di ko sinabi yun. Parang may kung anong pumipigil sa 'kin na sabihin 'yun.

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon