Chapter 30

41 12 0
                                    

Chapter 30

SHAWN's POV

Nasa kwarto lang ako at nag-iisip ng kung anu-ano. Nasa baba ang pamilya ko kasama ang ibang mga relatives namin para sa konting salu-salo. Ako din naman ang nagsuggest na 'wag ng magparty nang grande. Nasa baba rin si Aze at nakikigulo sa mga pinsan ko. Nandun din sina Kuya Roy at Manager J. At huwag niyo ng itanong kung asan ang bantay kong elimsty, ewan ko kung nasan 'yun.

Mas pinili kong manatili sa kwarto ko para maiwasan ang posibilidad na ngumiti ako sa harap nila.

Biglang pumasok sa utak ko si Quera at si Mr. Suarez.

Alam na kaya niya?

Galit kaya siya?

Bakit naman siya magagalit?

Hindi naman siguro alam ni Mr. Suarez na ako ang dahilan kung bakit namatay ang anak niya.

Unless kung sinabi ni Quera nung naalala pa niya ang lahat.

Haisst. Mababaliw na ako sa kaiisip nito.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok dun. Bigla 'yung bumukas at pumasok si Aze.

"Oh, napadpad ka sa kwarto ko?" bungad ko sa kaniya.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa humiga siya sa kama ko.

"Nothing. Trip ko lang tumambay sa kwarto mo. Haha" sabi niya sabay tawa.

"Baliw" nasabi ko na lang. Tumayo siya sa mula sa pagkakahiga at pumunta sa sofa sa kwarto ko at pinagdiskitahan ang mga regalo ko na 'di pa nabubuksan.

"Shawn. Pwedi buksan?" tanong niya.

"Do what you want. Kumuha ka rin ng gusto mo. Just make sure 'wag mong pakialaman yung mga regalo ng family at relatives ko." Paalala ko sa kaniya.

"Yes" napasuntok pa siya sa hangin. "The best ka talaga Shawn"

Hinayaan ko lang siyang guluhin yung mga regalo. Bahala na siya diyan.

Bigla kong naalala ang regalo sa akin ni Quera, 'yung mga smiley masks. Ang cute lang niya habang pilit niyang itinatago 'yun sa likod niya. Di ko tuloy mapigilang ngumiti, pero syempre, 'yung 'di kita ni Aze.

*phone ringtone*

Napatingin ako sa side table na nasa gilid ng sofa. Nagriring ang cellphone ko. Hindi 'yun pinapansin ni Aze kasi busy siya sa mga regalo.

"Aze!" Tawag ko sa kaniya.

"Oh?"

"Paabot ng cellphone ko na nasa side table ng sofa"

"Okay- - -" kinuha niya ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ngumiti siya sa akin nang mapang-asar. "Ang Quera mo tumatawag" hinagis niya sa akin yung cp, buti na lang nasalo ko.

"Pinagsasabi mo diyan" tiningnan ko tama ba ang sinasabi niya. Si Quera nga. Bigla na naman akong tinamaan ng kaba.

Clinick ko ang 'Accept' at itinapat ito sa tenga ko.

"Que- - -" 'di niya ako pinatapos ng salita.

("Mag-usap tayo bukas. Itetext ko sa 'yo ang lugar. Bye") napakunot noo ako.  Ako lang ba o sadyang cold ang pagkasabi niya nun? Bakit ganun siya makapagsalita? Possible kayang alam na niya?

Wala pa sigurong 10 seconds ang call na 'yun.

Pagkatapos kung ibaba ang cellphone ko ay napansin kong nagtataka ang mukha ni Aze.

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon