Chapter 23
SHAWN's POV
Last day na ngayon ng two weeks na pahinga na binigay sa 'min ng school. And it's been two days since the funeral of my classmates, Kris, Jena ang Lea.
I didn't had the chance to attend the funeral because my Mom didn't allow me to go because of my condition. Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko na lang siya. Si Aze pumunta 'dun at sabi niya ay kaunti lang rin ang mga classmates namin na pumunta doon dahil meron pang hindi nakalabas ng hospital at karamihan sa nandon ay family and relatives lang.
And now its friday. Pupunta akong cemetery to visit them and also to visit Shai. Nagsuot lang ako ng hood.
It's been three months after she died and this is my first time to visit her since the day of her funeral.
"Yena, sabihin mo kay Mom na aalis muna ako. Babalik ako mamaya" sabi ko kay Yena na nasa sala at nagbabasa ng pocket book.
"Saan ka pupunta?"
"Igogoogle mo kung asan" pilosopong sagot ko sa kaniya at pumunta sa kotse ko at pinaandar patungo sa cemetery kung saan sila nakalibing.
Inuna kong binisita 'yung mga kaklase ko. May mga sariwang mga bulaklak dun na nasa flower stand. Sinandya ng mga magulang nila na pagtabihin silang tatlo.
Pagkatapos kung ilagay ang dala kong mga bulaklak sa puntod nila ay taimtim muna akong nagdasal para sa kanilang tatlo.
"Guys. Kamusta na kayo diyan?" Panimula ko sa kanilang tatlo.
"Galit siguro kayo sa 'kin kasi ako ang dahilan kung bakit kayo namatay. Hindi man ako direkta ang pumatay sa inyo, ako pa rin ang dahilan. Guys, sorry"
Napayuko na lang ako. Feeling ko kasi kahit 'di nila ako nakikita ay nakokonsensya pa rin ako.
Lima na ang namatay dahil sa 'kin. At hindi ko alam kung ilan pa ang madadamay at mamamatay dahil sa ngiti ko.
Naramdaman ko na lang ang paghangin sa likod ko at biglang lumitaw ang bantay kong elimsty na humihikab.
Pagkatapos niyang humikab ay tumingin siya sa 'kin.
"Ang drama mo naman!" Sabi niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Napadpad lang. Eh ikaw? Ah alam ko na. Nakokonsensya ka kaya ka nandito." Sabi niya sa parang obvious na obvious.
"Nagtanong ka pa, alam mo na pala" pagkatapos kong sabihin 'yun ay naglakad ako papunta sa puntod ni Shai. Nararamdaman ko pa rin siya sa likuran ko kasi naririnig ko ang nga yabag niya.
"Bakit ka ba sunod ng sunod sa 'kin?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa likod niya bago humarap sa 'kin at tinuro ang sarili.
"Ako ba?"
"Malamang. Sino pa bang ibang tao ang kausap ko?"
"Pero hindi ako tao. Isa akong elimsty"
Oo nga pala. Hindi pala tao ang nilalang na 'to.
Nakarating na ako sa puntod ni Shai.
Napabuntong-hininga ako at napapikit nang maalala ko ang araw na namatay siya. Bumabalik na naman ang sakit simula 'nung araw na 'yun.
Ang babaeng mahal ko. Ang taong unang naging biktima ng killer smile ko.
Umupo ako sa damuhan at hinawakan ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.
"Kamusta ka na diyan? By this time, alam mo na siguro na ako ang dahilan ng pagkamatay mo. Patawarin mo ako Shai." sabi ko sa kaniya.
"Sorry rin kasi ngayon lang ako nakadalaw sa 'yo. Ayaw kasing tanggapin ng sistema ko na wala ka na. Haha" pilit na tawa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
FantasíaIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...