Epilogue
SHAWN's POV
"Shawn, tapos ka na ba diyan? Naghihintay na sila sa baba!" Dinig kong sigaw ni Mom mula sa labas ng kwarto ko.
"Papalabas na po!!"
Tumingin ulit ako sa salamin at sinuri ang sarili ko. Ang gwapo ko pa rin kahit may maliit na peklat sa kilay ko galing sa aksidente ko. And yeah, kagaya ng kay Charlie Puth. Mas nakadagdag ng appeal.
Nang masatisfy na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nadatnan ko si Mom sa labas ng kwarto ko.
"Ang gwapo talaga ng anak ko" puri sa akin ni Mom habang inaayos ang buhok ko.
"Syempre, saan pa ba ako magmamana?" Birong tanong ko sa kaniya kaya sabay kaming natawa.
"Ikaw talaga" nginitian ako ni Mom. "Are you ready Shawn?" Tanong niya. Tumango ako.
"Yes Mom. I'm ready, excited and nervous" sabi ko sa kaniya. Nang maalala ko ulit ang mangyayari sa araw na ito, 'di ko maiwasang maexcite at kabahan at the same time.
"Basta. Just act normally, huwag kang kabahan. Maraming naghihintay at sumusuporta sa 'yo"
"Thanks Mom" hinalikan ko ang noo ni Mom at niyakap siya ng mahigpit.
"Osya, bumaba na tayo. Baka mainip na sila 'dun" inakbayan ko si Mom pababa ng hagdan. Nadatnan ko sa sala sina Aze at Shai na nagbabangayan kagaya pa rin ng dati. Nandun din sina Kuya Roy at Mngr. J na magkahawak ang mga kamay. And yes, sila na rin. Nabawasan na rin ang pagsusungit sa akin ni Kuya Roy dahil nandiyan si Mngr. J.
"Let's go guys" tawag ko sa kanila. Tumayo na silang lahat.
"Mom, una na kami" paalam ko kay Mom.
"Sige, mag-ingat kayo"
"Bye Ninang kong maganda/ Bye Tita" Aze, Shai, Mngr. J at Kuya Roy.
Kung itatanong niyo kung nasaan ang kapatid ko. Nasa kwarto niya nagkukulong dahil sa kanonood ng Kdrama.
Pagkalabas namin ng bahay ay dumiretso kami sa sasakyan ni Kuya Roy. Siya ang nagdadrive habang katabi niya si Mngr. J. Nasa backseat naman kaming tatlo. Pinagigitnaan namin ni Shai si Aze dahil nagseselos ang isang 'to kung magkalapit kami ni Shai. Kukunot din naman ang noo niya kapag sinabi kong may Quera na ako.
Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman siya. It's been two months nang malaman ko ang lahat at hanggang ngayon 'di ko pa rin siya nadadalaw. Natatakot akong harapin ang katotohanan, natatakot akong harapin siya.
Hindi lang 'yun ang nangyari sa nakalipas na dalawang buwan. Unti-unting pumapasok sa ala-ala ko ang mga pangyayaring hindi ako kasali. Kagaya na lang nung pinagalitan si Quera ng mommy niya at sinabihan siya na layuan ako. Nandun din ang pag-uusap ni Dr. Liado at mommy ni Quera tungkol sa kondisyon ni Quera. 'Yung mismong aksidenteng nangyari kay Aze at marami pang iba.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para mabawasan ang pag-iisip ko.
"Shawn" naramdaman ko ang pagkalabit ni Aze sa akin.
"Bakit?"
"Last night, I dreamed something weird" sabi niya sa akin.
"And that's it?"
"One time raw na pumunta ako sa bahay niyo, nakita raw kitang nagsuot ng face mask" wait, familiar sa akin 'tong sinasabi niya. "Tapos nandun si Yena na kinunan tayo ng picture tapos binigay niya sa akin. Umalis ako ng bahay niyo tapos umuwi. Tapos umalis ulit ako kasama si Lolo" alam ko na ang pangyayaring 'to. This happened when the day he died. "Tapos may dumating na mga lalaking nakaitim tapos inambush daw ang sasakyan namin. At alam mo kung anong masaklap?"
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
FantasyIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...
