Chapter 2

175 24 1
                                        

CHAPTER 2

SHAWN's POV

"Oy si Shawn ba 'yun?"

"Asan?"

"Ayun oh nasa bench"

"Tara lapitan natin"

Haist. Kahit pa talaga nakadisguise ako makikilala parin ako. Naghoodie at nakashades na nga ako eh. Badtrip naman oh. Nakalapit na sa 'kin 'yung tatlong babae kaya napayuko naman ako. Ba't ba kasi ang tagal 'nung dalawa? Nag-aaway pa siguro 'yun sa daan.

"Shawn?" tawag sa 'kin 'nung isa. Pano ba 'to? Titingala ba ako?

"Yes?"

"Sabi ko na nga ba eh, si Shawn talaga 'tong nakita natin"

Pambihira naman eh. Sana 'di na lang ako nagsalita. Mas nakilala tuloy ako.

"Pweding magpapicture sayo, kahit isa lang please"

"Ahmm. Ah kase- - -" nagpalinga-linga at napatingin ako sa paligid, saktong nakita ko ang dalawa na natatawa habang nakatingin sa sitwasyon ko ngayon. Pambihirang mga kaibigan 'to.

'Anong gagawin ko?' sabi ko sa kanila na walang boses.

Nagsenyas at nag hand sign sila ng curve facing upward.

'Ha?' 'di ko maintindihan 'yung sign nila. Ba't 'di na lang sabihin eh.

'Smile' nag hand sign sila ng smile at tinapat sa labi nila.

Ahh. Ba't di ko nga ba naisip 'yun kanina? 'Yung ngiti ko pala ang tinutukoy nila. Ngayon alam ko na ang gagawin ko.

"Sure" sabi ko sabay tayo at tinanggal ang shades ko. Tinapat nila ang cellphone ng isang babae at nakipag groufie sakin.

*click*

'Di ako ngumiti sa picture. Mamaya na lang ang killer smile ko.

"Shawn naman eh. Ngumiti ka naman"

"Baka pagsisihan niyo Miss 'pag nakita niyo ang ngiti ko"

Ang kulit naman nitong mga babaeng to. Tiningnan ko 'yung mga kaibigan kong nasa likod ng puno habang binivideohan kami. Pambihirang mga kaibigan 'to.

"Ano ka ba. 'Di kami naniniwala na nakahihimatay 'yang ngiti mo. Masyado lang silang exaggerated sa pinagsasabi nila" sabi nung isang may makapal na lipstick na pahampas-hampas pa sa braso ko.

"Ok sabi niyo eh. Basta walang sisihan ah" sabi ko sa kanila

"SURENESS... Ok pose"

"Pfft... hahaha" dinig kong tawa 'nung dalawa sa 'di kalayuan. Mamaya sa 'kin tong dalawang to. Tumingin ako sa cellphone 'tas ngumiti ng aking signature killer smile.

*BLAG*

"TAKBO!!!!!'"

Tumakbo papalapit sa 'kin 'yung dalawa at patakbo akong hinila palayo sa park. Grabe. Wala talagang pinapatawad 'tong ngiti ko. Pinagsabihan ko na nga sila sa pweding mangyari eh.

"Ano Shai navideohan mo ba 'yung nangyari kanina sa park? Bwahahaha laughtrip" tumigil na kami sa pagtakbo at huminto sa sasakyan ni Aze. At 'di pa rin maawat 'tong dalawang 'to sa katatawa habang tumatakbo kami lalo na 'tong si Aze.

"Of course. Gosh Shawn, if only you saw your face, you will also laugh" Sabi ni Shai habang nakatingin sa video sa phone niya.

"Laugh all you can Aze and Shai. 'Di ko kayo ililibre mamaya" panakot ko sa kanilang dalawa.

"Hoy Shai. 'Di ba nadelete mo na 'yung video kanina?" natatarantang sabi ni Aze sabay agaw sa cellphone ni Shai.

"Oo naman kanina pa kaya"

"'Yan. Diyan kayo magaling eh. Ang hilig niyo magpalibre."

"Sorry na Shawn. Natawa lang talaga kami sa reaksyon mo eh 'di ba Shai?"

"Aha... " sabi niya na may patango- tango pa.

"At kalian pa kayo nagkasundo sa pang-aasar sakin?" tanong ko.

"Kanina lang/Just a while ago" sabay na sabi nila na ngingiti-ngiti pa.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko sabay bukas ng pinto sa passenger's seat at agad pumasok.

"Ang pikon talaga nito" narinig kong bulong ni Aze bago ko tuluyang masara 'yung pinto.

*******

"Mr. Leandro please proceed to the studio for the photo shoot"

"Kuya Roy naman. Masyado kang formal eh. Shawn na lang ang itawag mo sa 'kin" sabi ko sa pinsan ko na organizer nitong photo shoot, si Kuya Roy.

"We're on work Mr. Leandro, please be professional" sabi niya na 'di naman ako pinasadahan ng tingin. Ang sungit talaga nito kahit kalian.

"Ok Sir Roy" sabi ko at naglakad na patungo sa studio kung saan gaganapin ang photo shoot.

Ako ang kinuha na endorcer ng isang perfume na may pangalang 'KILLER SCENT'. Oh 'di ba bagay sa 'kin?

"Get ready we will start in 10 minutes" sabi 'nung photographer. Umupo muna ako sa isang stool at tinawagan muna si Aze.

("Hello du- - - Teka ano ba Shai 'wag kang malikot")

("Si Shawn ba 'yan? Akin na nga, ako na ang kakausap")

("Ako ang tinawagan eh. Manahimik ka nga muna diyan sandali")

"Ang ingay niyong dalawa. Baka mamaya magsuntukan na kayo diyan. 'Di na ako magtataka Aze kung makikita kitang may pasa"

("Grabe ka naman Shawn. Ba't ka nga pala napa- - - Teka. ARAY!!! Shai naman 'wag kang mangurot")

("Sabing pakausap kay Shawn eh.")

("Mamaya na nga sabi eh- - -")

Pinutol ko na ang bangayan niya. Baka 'san pa mapunta.

"Mukhang matatagalan ako dito sa shoot. Dalawang commercial kasi ang i -sho - shoot namin. Baka abutin ng gabi. Mauna na kayong umuwi"

("Eh dude. Paano 'yung libre mo?")

("'Yun pa talaga ang iniisip mo? Pagkain? Gosh patay gutom")

("Eh sayang rin 'yung pagkain eh")

"Sa susunod ko nalang kayo ililibre"

"Let's start the shoot" dinig kung sabi 'nung photographer at pinagready na kami.

"Sige dude bababa ko na. Mag ko commute nalang ako bye" sabi ko sabay baba 'nung cellphone.

- - -
LadyLangLang

Mr. Killer Smile (√)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon