Chapter 40

69 10 0
                                        

Chapter 40

SHAWN's POV

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala akong ibang nararamdaman 'kun 'di parang tuyo ang lalamunan ko. Parang ilang araw akong hindi umiinom.

Wala akong nararamdamang sakit sa may tiyan ko. Impossible. Pero sa tiyan ako nasaksak. Bakit wala man lang akong nararamdamang sakit 'dun? Anong nangyayari?

Bago ako mawalan ng malay, napalibutan ng glitter dusts at usok si Quera. Si Quera. Nasaan si Quera? Okay lang ba siya?

At tsaka, 'yung mga boses nila...

"Ano ba? Ang laki pa ng space oh, umusod ka nga"

"Ehhh, gusto kitang katabi eh. Payakap nga"

"Bitawan mo nga ako. Ang clingy mo"

"Nanglalambing lang eh"

"Ayaw ko ng clingy"

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin para masanay ka na sa pagiging clingy ko?"

"Manahimik ka nga riyan. Baka marinig ka ni Shawn"

Iyan na naman. Naririnig ko na naman ang mga boses nila. Ibig bang sabihin nito patay na rin ako? Nasa langit na ba ako? Eh bakit nakakaramdam ako ng matinding uhaw?

"Mabuti nga 'yun eh para magising na siya. Anim na buwan na siyang nakihalata diyan at comatose eh"

Anim na buwan na akong nakahiga? Wait. Comatose? It's just a stab of knife. How come nacomatose ako sa ganun kasimpleng saksak lang?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at muli akong napapikit nang mabigla ako sa maliwanag na kwarto. Hindi pa nakapag-adjust ang mga mata ko. Pagkaraan ng ilang saglit ay muli kong minulat ang mga mata ko at 'dun ko lang napansin na puro puti ang nasa paligid ko. Seems like I'm in a room in a hospital. But why do Shai and Aze are here?

I miss them. I really really miss them. If it's just a dream that it's only their voices that I hear, please, please extend the time so I can hear it for a long time.

"Anyway, kailan mo ako sasagutin? Tatlong buwan na kitang nililigawan Shai. Love kita, love mo rin ako, love natin ang isa't isa. Girlfriend na kita ha?"

"At sinong may sabi? Ano 'yun? Ikaw lang ang may alam na tayo na pala? Mag-effort ka naman sa panliligaw mo Aquilino Zandro Ermios IV. Sasagutin kita kapag nagising na si Shawn"

"Jinja? Deal ha? Wala ng bawian. Shawn, narinig mo 'yun? Kaya gumising ka na riyan"

Mukhang nagkatotoo nga 'yung pinag-usapan namin ni Quera na magkakaligawan sina Aze at Shai sa langit- - - nasa langit nga ba? Bakit pakiramdam ko buhay sila?

Dahan-dahan kong iginala ang mga mata ko kahit medyo malabo pa ang paningin ko. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa mahabang sofa at nakita ang malabong mukha ng isang babae at isang lalaki. At kahit ganun ang nakikita ko, kilala ko silang dalawa. I'm not hallucinating. They're real. Hanggang sa naging malinaw na ang vision ko. Hindi pa rin nila ako napapansin na gising na.

"I can't wait to see Shawn awake again. Well, it's a double celebration dahil magigising na siya at magiging girlfriend - - -" biglang siyang natigilan at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Napatayo pa siya mula sa pagkakaupo. Nginitian ko siya sabay sabing...

"H-hi" kahit 'yun pa lang ang salitang unang nabanggit ko, nagtatatalon na siya at napasuntok sa hangin. Nagtataka naman si Shai sa inasta ni Aze dahil hindi pa niya ako natitingnan.

"Hey! What's happening to you?" Nagtatakang tanong ni Shai ni Aze. Lumapit naman si Aze sa hinihigaan ko.

"Jinja! Totoo nga. Hindi nga ako nagmamalikmata" nilingon niya si Shai na nasa sofa. "Shai girlfriend na kita. Gising na si Shawn!!!"

Mr. Killer Smile (√)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon