Chapter 24
SHAWN's POV
"Real talk and fast talk. Seriously? Hanggang kailan kayo ganiyan?" Muli na naman kaming nagkatinginan at sabay ding nag-iwas ng tingin.
Lunch break na at nandito kami sa cafeteria. Katabi ni Aze si Quera.
Speaking of Quera. Kanina pa kami nagiging awkward sa isa't isa. Kapag nagkakatinginan kami ay iirapan niya ako at iiwas ng tingin.
It's not just about the 'indirect' kiss. There's something other than that.
รรรรร FLASHBACK รรรรร
"Kutsara ko 'yang ginagamit mo" nanlaki ang mata niya at nagulat nalang ako ng bigla niyang mabitawan ang kutsara. Muntik na ngang mahulog ang bowl pero buti nalang at mabilis ang adrenaline rush ko kaya nahawakan ko yun bago mahulog. Nakaagaw kami ng pansin mula sa ibang nasa ice cream parlour.
"Is that Shawn?"
"Sino 'yang kasama niya?"
"Girlfriend niya kaya?"
"Hayaan na natin siya. Nagsisimula na siyang mamuhay bilang normal na estudyante at teenager"
"Tama ka. Malayo na sa mga paparazzi"
'Yan ang ilan sa mga narinig ko sa kanila. Binalik ko ang tingin ko kay Quera.
Umiwas siya ng tingin.
"*ehem* Ahh. Ha-ha-ha. A-ang sarap ng kuts- - - este i-ice cream mo pero mas gusto ko t-talaga ang rocky road e-eh. Ha-ha" pilit na tawa niya habang ako ay pinapanatili ang poker face at pinipigilang 'wag matawa sa reaksyon niya. Ang cute kasi ng reaksyon niya.
I'm just staring at her waiting for her to look back at me but seems like it's awkward for her.
"A-ahm. Naiilang ka?" Tanong ko.
"H-huh? Okay lang 'yun" sabi niya na hindi tumitingin sakin. Biglang nanlaki ang mata niya na mukhang may narealize.
"I mean- - - aish. Forget it"
"Ahh Sir. Ayos lang po ba rito?" Biglang tanong ng waiter na kakarating lang.
"Ahh yes. Magkano ang bill namin?"
"P250 po"
Naglapag ako ng 300 sa table at hinila na si Quera patayo.
"T-teka. Bakit mo ako hinihila?"
"Keep the change"
'Di ko sinagot si Quera at hinila palabas ng ice cream parlour.
Pagkalabas namin ay binitawan ko na siya.
"Kung naiilang ka dahil sa indirect kiss na 'yun, sabihin mo" sabi ko.
"Don't mention those words. Nakakadiri" nakangiwing sabi niya.
"Nakakadiri ka diyan. Anong gusto mo? Direct kiss?"
Agad-agad naman niyang tinakpan ang bibig niya.
"Sasapakin kita"
"Kaya nga 'wag kang mailang sa 'kin"
"Hindi nga ako sabi naiilang"
"Eh bakit 'di ka makatingin sa 'kin kanina?" Natahimik naman siya at bigla akong tinitigan.
"Oh ayan tinititigan na kita ngayon. Satisfied?" nakapameywang na tanong niya sa 'kin at hindi pa rin iniiwas ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
FantasiIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...
