Chapter 39
SHAWN's POV
*tok tok tok*
"Kuya, sabi ni Mommy baka gusto mong kuma- - -"
"Sabi ko namang 'di ako nagugutom diba? Ayaw kong lumabas ng kwarto. Hayaan niyo na lang ako dito!!" Sigaw ko mula rito sa loob ng kwarto. Ilang araw na akong nasa loob ng kwarto ko. Nagsimula akong magkulong noong nawalan ng malay si Quera at simula noon, nasa loob na ako ng kwarto ko palagi. Minsan lang ako lumalabas ng kwarto kapag kailangan lang. And yes, ilang araw na akong hindi pumapasok sa school.
Mukha rin namang walang pakialam sa akin si Quera. Mukhang tinotoo niyang hindi niya ako patatawarin. Kung ganun man, eh wala na akong magagawa sa desisyon niya.
Oo at sinabi niyang gusto niya ako pero sa tingin ko ay natabunan na 'yung nararamdaman niyang 'yun ng galit niya sa akin.
Napabuntong hininga ako at tinitigan ang mukha ko sa salamin. Ang hagard na ng mukha ko at mayroon na rin akong eyebags dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa kaiisip sa kaniya. Nakalimutan ko ng alagaan ang sarili ko. Mabuti na rin 'yun tutal unti-unti na akong nagiging manhid.
"Kuya- - -"
Sinuot ko ang headphone ko at nilakasan ang volume ng music para hindi ko na marinig 'yung mga tawag nila sa akin.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makinig na lang sa rock music kahit wala akong naiintindihan. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng sofa.
Habang nakapikit ako, biglang dumilim ang paligid. Kahit nakapikit ako alam kong maliwanag ang kwarto ko dahil nakahawi naman ang mga kurtina, pero iba ngayon dahil ang pakiramdam ko ang dilim ng kaharap ko. Nararamdaman ko na parang may humihinga sa harap ko.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang malapit na mukha ng nakangising elimsty sa harap ko.
Dahil sa gulat ko ay napasuntok ako pero hindi ko siya natamaan dahil sa isang iglap nasa kama ko na siya at naka-Indian seat.
Tumayo ako at nilapitan siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya pero hindi ko man lang marinig ang boses ko. Nagsalita rin siya pero 'di ko narinig.
"Ha?"
Napairap siya at tinuro ang tenga niya. Saka ko lang naalala na may suot pala akong headphone. Agad ko itong tinanggal at muli siyang tinanong.
"Anog ginagawa mo dito sa kwarto ko? Sinong nagpapasok sa 'yo?" Inirapan niya ako ulit.
'Tinatanong mo talaga ako niyan?' Biglang sabi niya sa isip ko.
Haisst. Oo nga naman. Bakit ko ba nga ba 'yun natanong gayong pruweba na 'yung mga nagkalat na glitter dusts sa sahig?
"Grabe! Ilang araw lang tayong hindi nagkita, ang laki na ng pinagbago ng mukha mo. Pumanget ka yata. Hindi pala yata, pumanget ka nga."
Hindi ko na lang siya pinansin at nilapag ang headphone ko sa side table bago lumapit ako sa kama.
"So anyway, hanggang kailan mo balak magkulong dito sa loob ng kwarto mo? Papasok ka na ba next week? Namimiss ka na ng mga kaklase mo eh"
Pabagsak akong umupo sa kama ko, pero siyempre, malayo sa kaniya.
"Eh siya? Miss na kaya niya ako?" Bigla kong natanong dahilan para bigla siyang matawa.
"Hahaha. Nagiging corny ka pala kapag nagmahal?"
"Tumahimik ka nga diyan. Hindi ka nakakatulong sa problema ko eh." Sabi ko sa kaniya kaya natahimik siya at biglang bumalik sa pagiging seryoso.
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
FantasyIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...