Chapter 36
SHAWN's POV
Pagpasok ng doktor sa loob ng Operating Room, nagsimula na naman kaming mag-iyakan. Mas dumoble ang lakas ng iyakan ng pamilya ni Aze lalo na ang lolo niya na sinisisi ang sarili niya sa nangyayari sa apo niya.
Don't blame your self, Lolo Aquilino. This is all my fault, sorry.
Hindi lang kay Lolo Aquilino gusto kong sabihin ang mga katagang 'yun, maski na rin sa lahat ng taong nandito. Pero alam kong walang maniniwala sa akin kahit sabihin ko pa 'yun.
Ramdam ko ang kaba ko na anytime ay kukunin na si Aze sa amin. Hindi na 'to mapipigilan. Wala na akong magagawa pa para pigilan ang pagkamatay niya.
Naramdaman kong hinawakan ni Quera ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko. Ngumiti siya sa akin nang malungkot.
"Matapang si Aze. Malalampasan niya 'to" naluluhang sabi niya pagkatapos ay niyakap ako.
Hindi ko magawang sabihin na mamamatay si Aze sa araw na 'to dahil wala namang maniniwala sa akin at magagalit lang sila sa akin.
Napansin kung nagsitayuan ang mga kasama ko at lumapit sa pintuan ng Operating Room at tinitingnan ang nangyayari sa loob nito.
Sa pagkakataong ito, mas lalong dumoble ang kaba ko. Hanggang sa isang matinis na tunog ang nangibabaw sa iyakan namin.
"Prepare the defibrillator!!" Napatayo ako sa narinig ko at nakisiksik sa kanila sa pagtingin sa loob. Hawak na ni doc ang defibrillator at nilapat sa dibdib ni Aze. Flat line ang pinapakita ng monitor sa gilid ng hinihigaan ni Aze.
"1.2.3... Clear!" Mas lumalakas ang pag-iyak ng pamilya ni Aze sa bawat paglapat ng defibrillator at pag-angat ng katawan niya.
No response.
Aze, sorry. Please forgive me.
"1.2.3... Clear"
Still flat line.
"1.2.3... Clear!" Sa huling paglapat ng defibrillator at pag-angat ng katawan ni Aze, flat line pa rin. Napuno ng iyakan ang mga tao sa labas operating room sa dahan-dahang pagbaba ni doc ng defibrillator at ang pagtingin niya sa wall clock.
Napasandal nalang ako sa dingding sa gilid ko at hinayaan ang sarili kong bumaba hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Sinubsob ko ang ulo ko sa pagitan ng dalawang braso kong nakapatong sa mga tuhod ko.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilang mapaiyak.
Wala na si Aze.
Wala na ang best friend ko.
Dahil sa ngiti kong 'to, namatay ang best friend ko.
"S-shawn *sniff*" naramdaman ko na lang ang pag-upo ni Quera sa tabi ko at ang pagyakap niya sa akin. Katulad ko ay umiiyak din siya.
Narinig kong bumukas ang pinto ng operating room. Mukhang lumabas na ang doktor.
"D-doc, ang apo ko kamusta siya? Maayos na naman ang kalagayan niya 'di ba?" Boses 'yun ni Lolo Aquilino na unti-unti na ring nababasag.
"I'm sorry. We already did our best but sad to say that, time of death, 4:47 PM. Condolence, Ermios family. We're sorry for your lose" narinig ko na lang ang mga yabag ng sapatos na papalayo sa amin dahil unti-unti na itong humihina.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at sinandal sa pader. Hinayaan kong magsilabasan ang mga luha ko habang nakapikit ang mga mata ko. Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa nila ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
ФэнтезиIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...