Chapter 17
SHAWN' POV
Panibagong araw na naman ang kinakaharap ko. Ngayon napagdededisyonan kong simulan ang mission ko tutal wala namang pasok dahil weekends.
At dahil wala ako masyadong ginagawa, sisimulan ko ng hanapin si Quera para makawala na ako sa sumpang ito.
Kaharap ko ang laptop ko para hanapin si Quera sa lahat ng social media na meron ako.
Pero 'langya lang.
Ang dami namang Quera sa buong mundo. Hindi ko alam kung sino dito. Plus the fact na hindi ko na masyadong matandaan ang mukha niya.
Alangan namang isa-isahin ko sila. Nakakapagod kaya.
*ting* JV Rivera sent you a message.
Him again? 'Di ba siya nagsasawang mag message sa 'kin?
Ipangalandakan man niyang siya na ang leading man, wala na akong pakialam.
Inis kong inopen ang tab ng messenger at tiningnan ang message niya.
JV: Yow dude!!
Dude mo mukha mong g*go ka.
Shawn: Isang mesaage mo pa sakin, iisipin ko ng may gusto ka sa akin.
JV: HAHAHA:). Chill! Masyado kang hot. Bitter ka pa rin ba hanggang ngayon? :)
Shawn: Puta mo. Lamunin mo 'yang movie na 'yan. Pakabusog ka!!!
Nakainit ng ulo ang isang 'to. Sarap sapakin.
Sarap patayin.
Haistt. Ano na ba tong iniisip ko? I'm not a killer for Pete's sake.
Hindi nga ba?
JV: HAHAHA:) Salamat kasi nagquit ka. Blessing in disguise pare!!!
Shawn: Don't pare-pare me.
JV: Ang init talaga ng ulo mo. Kinakamusta lang kita dude. Easy ka lang diyan.
Shawn: Psh. Wala kang kwenta.
JV: Haisst.. Ganyanan na tayo ngayon? Ako na nga ang nagmamagandang loob na kamustahin ka eh. :(
Mukha niya panget. 'Pag nagkita talaga kami nito. Ewan ko lang kung mapipigilan kong 'wag siyang ngitian.
Shawn: Pangangamusta ba ang tawag mo sa ganito Jaivince?
JV: Haisst. Bye na nga. MAY SHOOTING PA AKO!!! Capslock para dama... Hahaha..
*active 1 minute ago*
Inemphasize pa talaga. Shootingin kita riyan eh.
Haist. Nakalimutan ko tuloy ang mission kong hanapin 'yung Quera na 'yun.
Bahala na nga. Makikita ko rin siya.
Tadhana na siguro ang gagawa ng paraan para magkita kami.
Tama. Magkikita rin kami sa takdang panahon.
~°~
THIRD PERSON's POV
Sa hallway ng school naglalakad ang isang babaeng mestiza na palinga- linga sa paligid na parang may hinahanap.
Nakasukbit sa isang balikat nito ang sling bag niya at dala niya ang isang paper bag na may logo ng school nila na naglalaman ng mga gamit niya.
Sa likuran niya ay nakasunod ang isang lalaki na kanina pa pangiti-ngiti habang pinagmamasdan siya. At 'di na ito nakatiis kaya nilapitan na niya ito.
BINABASA MO ANG
Mr. Killer Smile (√)
FantasyIto ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino mang makakakita. Nagpatuloy ka sa pagbabasa pero di mo napansin na patayin pala ang nakasulat at hindi pahimatayin. Oo tama ang nabasa niyo. T...
