Habang papunta kaming lima sa theatre room ay nadaanan namin ang tatlong classroom na puro mga bangkay ng mga schoolmates ko.
Ayaw ko mang tingnan pero hindi talaga maiiwasan. Nadaanan namin 'yong room ng Grade 7. Their death was bloodless.
"They were poisoned," rinig kong sabi ni Marie. Sa aming lima, si Marie ang may pinakamataas na rank at sad to say ako ang pinakamababa. Marie is in rank two. Gio is in rank four. Patrick is in the seventh and Christian is in the tenth.
Ako? Rank twenty-one.
Dahil na rin sa sinabi ni Marie, tumigil ako sa room ng Grade 7 at nakita kong may mga nakakalat na mga pagkain na naka-styro. Mukhang kanya-kanya nilang kinuha ang mga packed food sa lamesa sa unahan.
Nakahandusay sila sa mga upuan nila at may mga bula ang bibig. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. Ang bata pa nila. They don't deserve this kind of treatment. Kung ano man ang nangyayari sa academy na 'to, pagbabayaran nila 'to.
"It's all about luck." I nodded without looking at Christian. Swerte nga siguro ang nagligtas sa aming lima. Nagsimula na kaming maglakad.
Swerte ko na lang at na-late ako at walang umupo sa upuang black na iyon.
Pero ayaw kong sabihing sinwerte ako kung may ibang nakaranas ng ganito. Hindi ko deserve magsaya dahil nabuhay ako kung ang iba ay namatay.
Hanggang kailan 'tong swerte ko? Namin?
"Ang swerte rin ng mga absent ngayon," sabi ni Patrick na sinang-ayunan ko naman.
"Nakamoto Academy is in complete attendance today. I heard the faculty officers fetch those students na absent kanina."
What the hell? Ano? Bakit? So, susunduin din nila ako if ever 'di pala ako pumasok? This is insane.
"Ano bang nangyayari?" I asked.
"Magkakasama tayo, are you expecting us to know something?" Tiningnan ko nang matiim si Gio. I clenched my hand. Ayaw ko sa lahat 'yong binabara ako. Pinili ko na lang na hindi siya pansinin. I heard him shrugged at diretso na siyang naglakad pauna.
Pero nawala 'yong inis ko nang matanaw ko na ang theatre room, napalitan 'yon ng kaba, ng matinding kaba.
Habang palapit kami nang palapit ay pabagal nang pabagal ang lakad ko. Gusto ko nang umuwi.
Wait!
"Guys! Natingnan niyo na ba 'yong school gate kung bukas?" Magkakasama kami kanina pa pero wala ni isang nakaalala ng school gate.
"Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo ba iiwan nilang bukas 'yon kung papatayin nila tayong lahat?" Again for the second time, I clenched my fist to control my emotions.
"'Yong mga kotse niyo? Like 'di ba, kung ibabangga niyo 'yon sa gate, masisira agad 'yon then katapat lang natin ang highway, Gio, madali tayong makakasigaw at makakahingi ng tulong sa mga dumadaan."
"Hindi bobo ang mga tao sa paaralang ito, Fiona. For sure, they had planned all of this ahead of time." I sighed with defeat.
"Wala namang masama kung titingnan natin 'di ba?" sabi ko pa ulit pero nauna nang naglakad 'yong tatlong lalaki. F*ckin' as*holes.
"Tara na?" Marie held my hand and I nodded.
Kaunting lakad pa at nasa tapat na kami ng theatre room. Mabuti na lang at hindi naunang pumasok 'yong tatlong ugok at hinintay kaming dalawa ni Marie.
Kapansin-pansin ang mga dugo sa may doorway at sa doorknob, sign na may mga nauna nang pumasok sa amin.
Dahil walang may balak ni isa sa aming buksan ang pinto, binuksan na ito ni Gio.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...