Next area is the school's cafeteria. I looked at my watch at ang oras 11:30 na ng tanghali.
Bigla akong nakaramdam ng gutom.
The robot didn't explode. Pero bigla namang nabalot ng usok ang buong gymnasium paglabas na paglabas naming kinse.
Oo. Kinse na lang kami.
"Students, you may now take your lunch. The next round will be on one pm."
Kahit nasa labas na kami ay malakas pa rin ang dinig ko sa nagsalita. It turned out na may mga speakers pala sa mga gilid-gilid.
Talagang handang-handa ang school para sa larong ito. Nagawa pa nilang mag-set up ng ganito.
Isa isa na silang nagsideretsuhan sa school cafeteria. Paniguradong iisa lang ang nararamdaman namin ngayon - gutom.
Kaya nama'y sumunod na rin ako. Magkakasama sina Gio, Patrick, Christian at Marie kaya lumapit na rin ako sa kanila at nakiupo.
Katahimikan.
Nakaupo lang kaming lahat pero wala ni isang gustong magsalita man lang.
Tiningnan ko pang maigi ang mga kasama ko. I even checked their body kung may mga malulubha bang nasugatan. Napagmasdan ko rin ang mga mukha nilang may mga bahid ng dugo. Hindi ko sila mga kilala by name pero puro pamilyar ang mga mukha nila. Yumuko na lamang ako at ipinatong ang mga siko sa may lamesa.
Gosh! The silence is killing me.
But then nakarinig kami ng mga footsteps.
Pagtaas ko ng ulo ko ay kita ko ang panlalaki ng mata ng mga kasama ko at tila'y naluluha na.
Kaya humarap ako sa may pintuan at napakunot ang noo ng may mga mid40s na mga babae at lalaki ang pumasok at may kanya kanyang dalang tray ng pagkain.
Dinig kong isa-isa nang nag-iyakan ang mga kasama ko maliban 'don sa mga lalaki. Walo ang mga lalaki at pito ang mga babae.
"Papa." Biglang nangunot ang noo ko ng biglang sumigaw ang isang babae at tumakbo ito palapit sa isang lalaking may dalang food tray.
"Wag kang lalapit!" sambit nito pero huli na at nakayakap na agad ang anak nito sa kanya. Bigla na lang nabitawan no'ng lalaki 'yong hawak niyang tray at bigla silang nangisay sa lupa na mag-ama.
Bigla akong napatayo sa gulat at maging ang mga kasama kong isa-isa na ring naglalakad papunta sa mga magulang nila ay napatigil at napaatras.
Patay na sila.
Pero mas napatakip ako ng bibig ko at napahagulhol ng biglang may pumasok uli na lalaking may dala dalang food tray.
My dad.
Napatingin ito sa akin at napangiti. Mababakas sa mukha niya ang matinding pagod dahil sa nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito.
Anong ginawa nila sa inyo Dad? Akala ko ba nasa out-of-town kayo?
Tuloy ang paglagpak ng mga luha ko sa mata ko nang umupo ako at inilapag ni Daddy 'yong food tray.
Mas lalo pa akong napahagulhol ng makitang puro paborito ko ang mga pagkaing nasa harapan ko ngayon.
Rinig ko pa ang iyakan ng mga babae sa paligid pero mas dama ko ang bigat ng puso ko.
Gusto kong yakapin ang Daddy ko. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita dahil buong akala ko'y nasa isang business trip nga sila ni Mom. Pero ngayon heto siya sa tabi ko, nagse-serve ng pagkain sa anak niyang nasa bingit ng kamatayan at hindi ko mahawakan.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...