Chapter 16

96 12 0
                                    

Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng mga wangwang ng padating na pulis.

"Daddy, mauna ka na sa cafeteria." Hinawakan ko ang balikat niya at nginitian ko siya.

"May gagawin pa ba kayo?" tanong nito na tinanguan ko naman. Napabuntong hininga ito at tinapik ako sa balikat. Bumaling ang tingin niya kay Gio at nginitian ito.

Habang tinitingnan papalayo si Daddy ay mas lumakas naman ang tunog ng wangwang ng pulis.

Andito na sila.

Tumingin ako kay Gio na tahimik lang na nakasandal sa pader ng classroom. Malalim ang iniisip nito.

Napatingin ito sa akin at bakas ang lungkot sa mga mata.

"Tara na, hanapin natin si mama mo." I tried to be calm. Kahit alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Marahil, siya ang tumawag sa mga pulis." I saw how his jaw became tensed na tila nagpipigil ng nagbabadyang luha.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"Hanapin natin siya, tara na." Nginitian ko siya at laking gulat ko nang bigla ako nitong higitin palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Gio." Malalim ang mga paghinga niya. Ginawa ko na lang ay hinaplos ko ang kamay ko sa likod niya para aluin siya.

Pagkalipas ng ilang segundo ay kumawala ito sa yakap at nginitian ako. Ginulo pa nito ang buhok ko bago naglakad.

Sinundan ko naman agad siya. Hawak ko pa rin sa kamay ko ang mga papel na kinuha namin sa office ni Principal.

Napatingin naman ako sa hawak kong mapa.

"Fvck, Gio, 'yong mga bomba!" Hinabol ko si Gio na pababa na ng hagdan. Inabot ko sa kanya ang mapa.
Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nakarinig na kami ng pagsabog mula sa TLE room sa first floor.

Tiningnan ko si Gio na tila natataranta na. Hinawakan ni Gio ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papuntang cafeteria.

Marami nang pulis ang nagkalat sa paligid at may nakikita rin akong mga medics sa paligid.

Tumigil ako sa pagtakbo kaya napatigil din sa pagtakbo si Gio.

"Bakit?" tanong nito sa akin. Kinuha ko sa kamay niya ang papel na may mapa ng school.

"Mauna ka na sa cafeteria. Ako na bahala magbigay nito sa mga pulis." Kita ko ang pag-aalinlangan nito kaya nginitian ko siya.

"Will you be okay?" he sincerely asked.

"Of course." Tumango ito bilang pagsang-ayon. Agad akong tumakbo papuntang open field.

Sinalubong ako ng mga medics pagdating ko sa lugar kung saan sila nakapark.

"Sino po ang nanditong mataas na opisyal?" tanong ko sa isang medic na lumapit sa akin.

"Nandito ang Chief of Police maging ang Bise Presidente."

"Nasaan ang Chief of Police?" mariing tanong ko sa kanya.

"Kasama ng mga pulis na umikot sa buong lugar. Ano ba ang nangyari dito at bakit halos patay lahat ng estudyante?"

"May kasama ba kayong bomb expert?" Nakita ko ang pagkagulat nito at biglang nataranta.

"Nasa sasakyan niya. Hindi ko alam kung alin dito ang sasakyan niya." Luminga-linga pa muna ito bago tumingin sa akin.

Nakikita ko na ang pagdating ng ilang mga magulang na nasa cafeteria na akay-akay ng mga pulis.

"Ako na ang bahala maghanap sa kanya. Nasa cafeteria po ang mga kasama ko." Tumakbo agad ako para hanapin ang sinasabi niyang bomb expert.

Game of Death (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon