[Principal Kagami's]
Noong isang buwan pa pinagmi-meetingan ng mga opisyal ng Nakamoto Academy ang plano nilang magsagawa ng student clearing.
At noong isang buwan pa rin ako tumututol pero tila'y lahat sila'y nagpasilaw sa pera. Sino nga naman bang makakahindi sa milyon-milyong ibinibigay sa kanila ni Mr. Nakamoto?
Money is a dangerous thing. Kaya nitong kontrolin ang lahat ng bagay. Kaya nitong paluhurin ang mga mahihina at kaya nitong palakasin pa ang mga malalakas.
Money is just a piece of paper but its power is unmeasurable.
Unang round pa lamang ng laro ay hindi ko na masikmura ang mga nangyayari. Ipinipikit ko na lamang ang mga mata ko, dahil isang kahibangan ang makita ang isang Principal na pinapanuod lamang ang walang awang pagpatay sa mga estudyante niya.
Pero unang round pa lang ay nagplano na kami ni Mr. Yap. Galit si Mr. Yap lalo na nang makita niya mismo at mapanuod sa malaking TV screen kung paano nawalan ng hininga ang kanyang unica ija.
At ngayon nga'y naisakatuparan na namin ang aming unang plano, ang patayin si Mr. Nakamoto.
Nabalitaan naming lahat na ang Nakamoto Academy sa Japan ay nasunog noong isang isang buwan pa at lahat daw ng estudyante ay namatay. Swertehan na lang raw at may nakaligtas na isa.
Pero dahil sa hindi ako kumbinsido sa nangyari ay malalim akong nanaliksik at nalaman kong nagkaroon ng palaro ang sa nasabing paaralan na kumitil sa buhay ng mga estudyante.
Napag-alaman naming namatay sa sunog ang anak ni Mr. Nakamoto habang nasa isang paaralan sa Japan. Laking gulat na nga lang nila ng magtayo ito ng paaralan sa mismong kinatirikan ng nasunog na paaralan na kumitil sa buhay ng anak niya.
At ang larong iyon ay kagaya ng larong nilalaro ng mga estudyante ko at ang larong nilalaro ko ka rin ngayon kasama si Mr. Yap.
Hawak ang isang baril ay nagtatakbo kami ni Yap at pilit na iniiwasan ang pagbaril sa amin ng mga gwardiya ni Fujira at maging ang gwardiya na rin ng Presidente ay nakikibaril.
"Bakit mo binaril agad?" tanong sa akin ni Yap habang pinapaulanan ng bala ang mga gwardiyang humahabol sa amin.
"Eh, sa nanggigil ako eh. Akalain mong uugod-ugod na pala ang Nakamoto na iyon," sabi ko pa habang pinauulanan rin ng bala ang mga nasa limang lalaki na lang dahil 'yong iba'y mga nakabulagta na.
Hinanap ng tingin ko si Fujira at laking gulat ng makita itong papunta na sa office kong ni-renovate pa nila.
"Si Fujira nasa office na, malamang ay sisimulan na niya ang huling round ng laro."
Wala sa sariling napamura si Yap nang marinig ang sinasabi ko.
"Puntahan mo siya, kailangan nating magawa ang sunod nating plano. Ako na bahala sa mga gwardiyang hilaw na ito." Nakita kong tatlo na lang ang walang humpay na bumaril na bumaril sa amin kaya nama'y gamit ang natitira kong bala ay binaril ko na ang mga ito.
Pero hindi naiwasan ang pagdaplis ng bala sa balikat ko dahilan para matumba ako.
Tumakbo si Yap upang tulungan akong tumayo at nahagip ng mata ko ang anim na estudyanteng tumatakbo sa iba't-ibang direksyon.
"Nalintikan na!" sabi ko nang mamataan ang mga robot na kamukha ng mga magulang ng anim na estudyante na isa isang lumalabas mula sa Gymnasium.
Kahit sino ay mahihirapan lalo na at kamukha nga ito ng mga magulang nila. Idagdag mo pa ang voice input nito na ginagaya ang boses ng mga magulang ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...