"There will be a change of venue for the next and last round..It will be on the school's ground at exactly 3PM."
Nakaupo lang ako. Nakatulala. Tahimik.
Walang gustong magsalita sa aming anim. Lahat kami'y pawang naubusan ng salitang sasabihin. Lahat kami ay hindi alam ang nangyari sa ibang mga kasama namin.
Lahat sila ay patay na. Pawang mga duguan ang katawan na puno ng saksak.
Katulad ng nangyari sa mga kaklase ko.
Pero ano nga ba ang nangyari?
Bakit kami buhay?
"Bakit sila namatay?" wala sa sarili kong sambit na naging dahilan ng pagtingin nilang lima sa akin.
"Isa lang naman ang naisagot kong mali sa mga tanong, ssi C-Christian lang," dinig kong sabi ni Marie dahilan para mag-iiyak na naman siya.
Alam kong masakit sa kanya ang katotohanang siya mismo ang naging dahilan ng kamatayan ng kaklase namin.
Dalawa ang mali ko.
Dalawa ang namatay nang dahil sa akin.
"Maging 'yong pangalang naisagot ko na mali, namatay rin," isang hindi ko kilalang lalaki ang nagsalita. Tulad ko'y isang Senior High School student siya. Kung tama ang pagkakaalala ko ay siya si Drake.
Napabuntonghininga ako at isinubsob ang mukha sa mga tuhod kong yakap ko.
Gusto kong umidlip sana kahit ilang minuto lang. Nagbabasakali na rin akong nananaginip lang ako at magigising na lang akong bigla sa bahay.
Kaso malabo.
---
"Anim na lang sila. Ano na ang plano?" tanong ni Mr. Yap sa mga kasama niya sa isang fully protected office.
"Mister Nakamoto is on his way here. The final decision is up to him," sagot naman ng assistant ni Mister Nakamoto si Miss Fujira.
Nababuntonghininga na lamang si Principal Kagami. Gusto niyang tumutol at magsalita pero natatakot siyang madamay. Natatakot siyang mamatay.
"Ilan ba talaga ang dapat matira sa anim na 'yan?" malakas na tanong ng Presidente. Prenteng nakaupo lamang ito at walang pakealam sa nangyayari. Walang pakialam kung kanina niya pa nasasaksihan ang pagkakamatay ng mga estudyante.
"Ano ba kasing premyo niyo sa mananalo?" tanong muli ng Presidente sa mga kasama niya. Ang ilan sa kanila ay naiirita na sa President dahil kanina pa tanong nang tanong ang Presidente.
"Hangga't maaari sana ay isa lamang," sabi ni Ms. Fujira na nagpatigil sa mga kasama niya.
Sa isip-isip ni Principal Kagami ay mukhang malabo pa sa malabo ang sinasabi ni Fujira.
Sa nakikita niyang bond ng anim na estudyanteng iyon ay mukhang malabo talaga. Malamang na malamang na poprotektahan nila ang bawat isa. Magtutulungan silang anim para makalabas.
Sa nakikita niya rin sa estudyanteng may pangalang Fiona, kayang-kaya nito ang bawat kahaharapin lalo na at unti-unti na silang nakakabuo ng pagkakaibigan.
Sana makaligtas silang anim. Sa isip isip pa ng Principal.
Isang tawag ang bumasag sa katahimikan. Nagmumula ito sa cellphone ni Fujira.
"Excuse me," sabi nito at sinagot ang tawag ng isa pang secretary ni Mister Nakamoto.
"We are on our way to Nakamoto Academy. See you in a bit." Biglang nataranta si Fujira pagkababa na pagkababa ng tawag.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...