I felt someone tapping me on my cheeks. I opened my eyes and saw Marie's worried face.
"Thanks, God, you're awake now, Fiona! Kaya mo bang tumayo?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi na ako nahihilo pero ramdam ko pa rin ang paghapdi ng mga sugat ko.
"Bakit wala ka ng sugat?" tanong ko nang makita kong napaka-ayos na ng kalagayan ni Marie.
Her wounds were all gone. Naka-PE uniform na rin siya. All fresh!
"Nasa box ang lahat ng kailangan mo Fiona. Hindi ko mabuksan 'yong box mo kaya hindi kita mapalitan ng damit. Hindi naman kita pwedeng gamutin gamit ang mga gamot na nasa box ko." Pinangunutan ko siya ng noo.
"Bakit?"
"May isa kasi ritong estudyanteng bigla na lang namatay kanina, humingi siya ng slice ng apple sa kaklase niya. Nakuha niya yung apple sa box." The heck.
I looked at my box. Pinilit kong tumayo para malapitan ito at mabuksan.
Pagkabukad ay bumungad sa 'kin ang iba't-ibang gamit.
Meron itong lamang mga gamot, PE uniforms, food packs, tubig at weapons.
Weapons?
"Mukhang maraming supply ng food ang nakuha mo, Fiona ah." I felt my stomach growled in hunger pero mas dama ko pa rin ang mahapdi kong mga sugat kaya una kong kinuha ang medicine kit.
"Marami rin ang laman ng medicine kit mo." Dama ko ang inggit sa paraan ng pagsasalita ni Marie kaya I tried to change the topic habang sinimulan ko na ring gamutin ang sarili ko.
"N-nasaan nga pala 'yong tatlo?" Kakaiba itong gamot na binigay nila. Wala pang isang minuto ay humilom na agad 'yong mga sugat ko.
I am now feeling better.
"Nasa CR sila. Nagpapalit. Ikaw? Gusto mo bang mag-shower sandali?"
"Pwede?"
"Oo. May thirty minutes pa naman bago magsimula ang next round." I nodded at kumuha ng isang pares ng PE uniform at isang rubber shoes mula sa box.
Hindi na ako nag-abalang magpasama pa kay Marie dahil kailangan niya ring magpahinga.
Pagpasok ko sa Women's CR, wala akong nadatnang ibang tao kaya pumasok na ako sa isang cubicle.
Hindi ko muna binuksan 'yong shower at inilagay ko muna 'yong PE uniform ko sa may estante at nagbukas ng isang sachet ng shampoo na nakita roon.
Bubuksan ko na sana 'yong shower ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng CR at may pumasok na humahangos.
I stayed silent at nakiramdam.
Tanging ang mabibigat niyang paghinga ang tanging naririnig ko.
"Come on, Dad, answer the phone." I gasped. Narinig ko pa ang pagri-ring ng phone niya. I heard her stomping her feet.
Oo. She's a girl.
"Sh*t, Dad, kahit ngayon lang bigyan mo ako ng time." Ewan pero dama kong naiiyak na siya habang tinawagan niya pa ulit 'yong Dad niya.
Ewan ko pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako para sa kanya.
"Geez. This is useless. The heck!" Napakinggan kong tinapon niya 'yong cellphone niya at padabog na lumabas ng CR.
Lumabas ako ng cubicle, unang dumako ang paningin ko sa pintong nilabasan niya bago ako mapatingin sa cellphone niya.
Hindi ito nabasag. Actually, bhay pa nga 'yong phone niya at may isang message.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...